Ngayon ko napatunayan na naka-move on na talaga ako. I doubted earlier. Pero ngayong kaya ko na siyang nginitian nang buong-buo, na kaya ko nang balikan ang nakaraan na walang nararamdaman na sakit. Totoo na ito. All I have for her now is a love of friendship, after all, she made me the happiest when we were together before.

"And I hope you don't get the wrong idea, I'm talking to you because I've moved on...and that I don't love you the same way before."

Napatayo kami pareho nang matabig niya ang kanyang iniinom. It spilled on the floor. Agad akong nagtawag ng crew upang malinis agad iyon. Bahagyang natapunan ang braso ni Yshara. Kinuha ko ang tissue sa lamesa at hinigit ko ang kamay niya. "You are clumsy now." Biro ko, natawa na lamang siya, nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay napansin ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

"Are you okay?" Bumagsak nang tuluyan ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakangiti. Tumango-tango siya.

"I'm j-just happy...I'm r-really happy to see you again." She struggled to say those words. She tiptoed and throw herself on me for a hug. I slowly caressed her back, she started crying silently. "I'm happy...v-very happy to see you...I'm so sorry for what I've done. That was the worst decision I've made."

"It's okay. It's all in the past. We both learned from it. Ikaw, nabuo mo na ang sarili mo, habang ako natuto akong mahalin muna ang sarili." Patuloy pa rin ako sa pagpapatahan sa kanya sa pag-iyak, unti-unti itong humupa. "Tapos na Yshara, I won't tell you to forget those, those were our best days of lives together...kung sa tingin mo hindi, pwede mong kalimutan." Umiling-iling siya. "Kasi ako, hinding-hindi ko kakalimutan."

Hinatid ko siya sa kanyang kotse. "You're driving now. Very independent." I genuinely smiled at her.

"Thank you! See you around."

Hinintay ko muna siyang makaalis, tinanaw ang kotse niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. "Ay may girlfriend ka na pala?" Napakunot ang noo ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng halos kasing-tangkad ko lang. She's wearing a red lipstick, that's the first thing you'll notice on her. "You like my lips?" Natatawa nitong sabi tsaka marahang minasahe ang balikat ko. Hindi ko namalayan ang mabilis niyang paglapit sa akin.

I raised an eyebrow, mariin pa rin ang titig sa kanya. "I'm relax." May diin sa pagkakabigkas ko tsaka inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Oh...Okay!" Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sinasabing suko na siya, tsaka humalakhak. Akala mo ay may nakakatawa talaga sa sinabi ko. "I'm Cybelle, nice meeting you Haniel DeAndre Villangco." This time my brows are pulled together, is she a stalker? She even extended her hand for a shake hand. I ignored it.

Nilampasan ko na siya at naglakad papunta sa McLaren ko. "Uh kahit Belle na lang ang itawag mo sa akin. I'm from an upper batch!" Aniya habang sumusunod sa akin.

Pinatunog ko ang kotse at binuksan na ang pinto subalit agad siyang humarang dito. I still have respect for a woman. I stared back at her. Tumili siya sa ginawa mo. "Damn! Why do you have to look this handsome huh? That should be illegal!" Reklamo niya habang nakangiti. Nag-iwas na ako ng tingin.

"What do you want?"

"Shet! Mas hot boses mo sa malapitan, alam mo iyon?" Umiling ako.

"I have to go. I have important things to do."

"Ahuh! Okay, ngayon pagbibigyan kita pero sa susunod isa na dapat ako sa priority mo ah?" She giggled. "She isn't your girlfriend right?" Bahagya akong napaatras. "You're letting me flirt you..." She stated.

"I'm not letting you flirt me. I'm just respecting you. Don't misunderstand, you're blocking my way right now, I can't just push you." I remained calm kahit medyo naiirita na ako sa ginagawa niya. "Just so you know...ate...Ate Cybelle, it's not very pleasing to see you're chasing a man. Let the man chase you." She took steps backward with what I said. "Thanks ate, excuse po." Ngumiti ako sa kanya at tsaka sumakay sa driver's seat. Marahan kong sinara ang pinto upang hindi siya matamaan nito. Nakatulala pa rin ito, napailing na lang ako habang nangingiti.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon