"Penge!" Sabi ko bago makituhog-tuhog.

"Katakawan." Parinig ni Mayo na palapit samin.

Napatingin ako sa dala niyang manga at bagoong.

"Penge ako niyan." Sabay turo sa hawak niya.

Balak sana niyang ilayo sakin yon pero mabilis ang kamay ni David para agawin ang hawak sa kaniya.

"Hoy!" Inis na sabi nito pero mabilis siyang inawat ni Kit.

"Bumili ka nalang ulit." Sabi niya at bigong tumalikod para bumalik sa binilhan niya.

Kaniya-kaniya na ng dala ang mga luko. Halos lahat yon binaba nila sa table. Nag-nining-ning ang mga mata ko sa dami ng pagpipilian.

Kahit magkaroon ako ng Hepa. Ayos lang.

"Sa tingin niyo. Sino yung umatake satin nung nakaraan?" Biglang tanong ni Eren kaya natahimik kami at napatingin sa kaniya.

"Sino pa ba? Sa nagbabanta sa buhay ni Jay, isa nalang ang natitira." Sagot ni Drew.

"Si Ram." Halos pabulong kong sabi.

"Para kasing ang imposibleng siya." Sagot ni Eren. "Alam naman niyang kapag gumamit ng baril, makakatunog mga otoridad. Mas mabilis siyang mahuhuli."

Mabilis na sumang-ayon ang mga kapwa niya Ulupong. Nagiging baka na naman sila.

"Unless, he have someone on his back that is more powerful than the authority." Sabi ni David kaya lumipat ang tingin namin sa kaniya pero lumingon naman siya kay Rory. "Maybe Rory knows something."

Takang tumingin si Rory sa kaniya at tinuro ang sarili. Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating ni David at kung bakit si Rory ang tinuro niya. Alam kong magaling maghanap ng information si Rory katulong ni Edrix pero hindi naman siguro siya lalagpas sa kakayanan ng imbistigador.

"Wala Pre." Tipid niyang sagot.

Kita ko ang simpleng pag-ngiti ni David bago uminom ng....akin yan ah!

"Hoy, tigas ng muka mo maki-inom. Hindi ka naman nagpapa-alam." Sabi ko at tinignan niya ko.

"Ikaw nga hindi ko naman inaalok ng barbecue pero kumuha." Sumbat niya at umani na naman ako ng pang-aasar mula sa mga kapwa niya Ulupong.

Napanguso nalang ako. Babalik na sana ako sa pagkain ng meron akong mapansin. Tinignan ko sila isa-isa at dun ko lang napatunayan na kulang kami.

"Nasaan si Ci-N?"

Agad na naglingunan ang mga luko para hanapin ang Batang Kumag. Bigla nalang akong kinabahan. Lalo na't kakatapos lang ng usapan namin tungkol sa kalaban. Baka may kumidnap na sa kaniya!

"Hanapin niyo nga! Baka kung ano na nangyari don!" Utos ko at mabilis naman sila nagtayuan para silipin ang bawat tindahan.

"Ci-N! Nasan ka na naman?!"

"Hoy! Bansot! Labas na!"

Pati ako naki-tingin-tingin na din sa ibang tindahan pero wala akong makitang bata na naka-uniform ng kagaya samin

"Ci-N!" Nag-alalang tawag ko. "Hoy, lumabas ka na!"

Pero kahit anong tawag namin walang Ci-N na lumabas. Nakabalik na kami sa pwesto namin kanina pero wala pa rin siya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon