Chapter 29

160 3 2
                                    

   Mga one week naren ang nakalipas mula nun magising ako mula sa pagka-comatose. Medyo naka-recover naren ako at medyo nakabawi na ng lakas para makalabas na ako dito sa hospital. Sukang-suka na ako sa lugar na ito, feeling ko lalo akong magkaka-amnesia dito eh nakakasuka pa yun mga gamot na pinapainom sa akin OH diba saan ka pa edi sa outside world na (WOW PBB teens ?). At maayos na ang lahat dahil ngayon makakalabas na ako sa mabahong hospital na ito (Bongga kung makabaho :D).

"Ump , Nay Melda kung gusto niyo po bibilhin ko po yun inaalok sa akin na bahay nun kaibigan ko sa Quezon City para po may matuluyan kayo" pag-aalok ni Jojo kay Inay. Sus puro kayabangan nanaman tong bisayang to HAHAHA.

"Ay iho wag na meron namang Condominium si Mela at kumportable naman kami doon chaka nakakahiya naman sayo" 

"Bakit naman po kayo mahihiya sa akin eh ang laki na po ng utang na loob ko sa inyo mula po nun pagkabata ko palang" Sus kunwari ka pa Jojo eh gusto mo lang pumapel kay Inay eh kapal talaga ng mukha nito. Makasingit na nga sa usapan nila baka malamangan nanaman ako nitong Jojo na ito sa mga magulang ko.

"Jojo tama nga si Inay , doon nalang kami sa Condo ko para hindi naren kami maging pabigat sayo" at baka lumaki pa yang ulo mo HAHAHAH.

"Mela paano kung guluhin ka nanaman ni Yohan tapos wala ako sa tabi mo edi papayag ka nanaman ba na bastusin niya" YOHAN yohan Yohan yOhan siya nanaman ang narinig ko ano bang klaseng mga tao na ito ? lagi nalang yun ang binabanggit wala na bang bago ?.

"Oo nga Mela doon na nga lang tayo sa bibilhing bahay ni Jojo para hindi ka na guluhin nun Yohan na yun akala ko pa naman napakabait , yun pala eh isa ring maitim ang budhi" ang lalim naman nun-----Ano ba itong si Itay saan nanaman bang galing na dictionary ito at may napulot nanamang bagong salita.

"Oo nga tama nga ang Itay mo anak mas maganda ng malayo tayo dyan sa Yohan na yan at baka pag nakita ko pa yan eh mabangasan ko pa ang napaka-gwapo niyang mukha" ayyyy si Inay aasta nalang ng parang siga eh may konting kaalembungan pa sa dulo HAHAHA da'best talaga ang mga magulang ko eh. At alam niyo ba kung bakit galit na galit sila kay Yohan ? Kasi si Jojo hindi napigilan ang magsalita sinabi ang buong istorya sa mga magulang ko kaya ayan tingin tuloy nila kay Yohan ay Demonyo.

"OO nga Mela tama nga sila Nay Melda at Tatay Noy na doon nalang kayo tumira sa bibilhin kong bahay sa Quezon City na inaalok ng kaibigan ko"

"Sus sige na nga , ano pa ba ang mgagawa ko eh DAKILANG JUROT ka naman"

"Anong sabi mo ?" 

"Ah sabi ko DAKILANG MATULUNGIN ka talaga Jojo grabe bilib ako sayo" sus bilib ako sa pagiging Jurot mo !

"Oh Sige saglit lang ah tetext ko muna yun kaibigan ko para masabi ko na pupunta na tayo don para makita yun bahay"

"OK basta tara na ng makapag-pahinga na ako"

"Sige na anak kayo na muna ang mauna doon sa bahay na bibilhin ni Jojo dahil babalik kami ni Itay mo sa Condo mo para ayusin yun mga gamit natin kung sakaling lilipat na tayo doon sa bahay na bibilhin ni Jojo ay handa na tayo"

"Ah sige po Inay una na po kayo , INGAT po :)" sabay sumakay na sina Itay at Inay sa TAXI. Nun medyo malayo na yun TAXI na sinakyan nila Inay at binuksan ko na yun pinto ng sasakyan para makapasok na ako pagod naren kasi ako.

"Phoemela saglit !" napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil kilala ko na kaagad yun boses na yun.

"Dali na Mela sumakay ka na sa kotse" sabi ni Jojo na halatang nagmamadali nun marinig niya ang boses ni Yohan.

"Babe wait lang may sasabihin ako sayo please give me one more chance !!" sigaw ni Yohan mula sa malayo.

"SAKAY NA MELA !!! " O_O First time yata akong sinigawan ni Jojo kaya nataranta ako at agad ng pumasok sa loob ng kotse.

"Babe hu--------" hindi ko na naintindihan ang huling sinabi ni Yohan dahil biglang sinarhan ni Jojo ang pinto ng kotse.

  Mabilis namang pumasok si Jojo sa loob ng kotse at si Yohan ay kumakatok sa bintana at may mga sinasabi pero hindi ko maintindihan. Hanggang sa paandarin na ni Jojo ang sasakyan at nakita kong hinahabol kami ni Yohan pero sa dulo bumigay din siya at hindi na nahabol ang sasakyan na sinasakyan namin. Nasaktan ako ng medyo doon , ewan ko ba ugh NEVERMIND nalang kung bakit.

"Bakit hindi mo hinayaang makausap ko si Yohan !" sigaw ko kay Jojo.

"Bakit ? Ano bang mababago kapag kinausap mo siya hah ?!"

"Pero sana naman hinayaan mo akong makausap siya kahit saglit lang!!"

"Bakit kapag kinausap mo ba siya at humingi siya ng sorry sa nagawa niya sa iyo eh papatawarin mo kaagad siya ?"

"Masama ba na patawarin ko siya ? HAAH !!!!"

"Oo masama na patawarin mo siya !!!"

 "Sino ka ba para pagbawalan akong tanggapin ang sorry niya eh isa ka lang-------

"KASI NAGSESELOS AKO MELA DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA !!!!"

O____O

O_____O

    Feeling ko nabato yata ako sa kinauupuan ko nun marinig ko yun mga salitang yun mula sa bibig ni Jojo. Imposible mangyari yun dahil alam kong pagmamahal lang yun ng isang kaibigan pero bakit ganoon parang iba yun pagkakasabi niya sa akin nun mga salitang yun , grabe naguguluhan na ako sa buhay ko parang ayoko na !! Sana hindi nalang ako nagising mula sa pagkaka-comatose at sana walang nasasaktan ngayong mga oras na ito.

~~~~~~~~

VOTE>COMMENT>BE A FAN

Yesterday BrideWhere stories live. Discover now