Chapter 34: Distance

Începe de la început
                                    

It's just that I'm not used to this. At least not before everything that happened with him. I'm used to having fun with him.

And when I say fun, I meant 'that'.

Wala lang naman sa akin noong umpisa. It's not like I'm a freaky girlfriend asking for intimacy at all times. We're not like bunnies before he got really sick kahit iyon pa ang kadalasan kong press release sa mga kasamahan namin na pinagtitripan ko. But we do cuddle and make-out a lot then we make love when we want to.

Hindi katulad ngayon na pakiramdam ko ay iniiwasan niya ang kahit na anong mga bagay na magdadala sa amin sa punto na iyon. I can feel him pulling away whenever things get heavy. I even parade that lingerie for him then he just kissed me and walked away.

I'm not saying that we need to do it. I just don't like the feeling of him putting distance between us.

"Are we going or not?" tanong ko nang maisukbit ko na ang bag ko sa balikat ko.

Muling napabuntong-hininga ang lalaki at pagkatapos ay lumapit sa akin. Sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para magawa niyang maiangat ang mukha ko at sunod-sunod na pinaulanan ako ng halik sa labi.

"Stop being in a bad mood."

"You just can't tell me to stop-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli niya akong dinampian ng halik. I sighed in surrender when he didn't stop pecking my lips with kisses. "Pasalamat ka transfer proof 'yang lipstick ko."

Tumigil siya sa ginagawa pero nanatiling nakahawak siya sa mukha ko. Sandaling tinitigan niya ako bago muling bumaba ang mukha niya patungo sa akin pero sa pagkakataon na ito ay sa tungki ng ilong ko dumampi ang labi niya. "Let's go."

Lumabas na kami ng kuwarto at magkahawak ng kamay na nagpunta kami sa basement parking ng headquarters. Ilang sandali pa ay lulan na kami ng sasakyan at tinatahak namin ang daan patungo sa Paige's.

Pwede naman iyong lakarin. Kaya lang sa taas ng takong ko ay hindi na ako pinagbalakang paglakarin pa ni Thunder. Isa pa masyadong malamig ngayong gabi.

Nang makarating kami sa establisyemento ay naabutan namin ang mga kasamahan namin na naghihintay. The Wright twins were there, Rushmore and his wife Den, Chalamity, Nyx, Erebus, Chlymate, Archer, and Ocean. Mukhang kami na lang ang hindi pa dumadating. Ang nakangusong si Ocean talaga ang unang sumalubong sa amin na nakahalukipkip pa.

"You're late."

"Bakit nainip na ba masyado ang kutsilyo mo? Sana hinasa mo muna." sabi ko sa kaniya bago ako umupo sa silyang hinila ni Thunder para sa akin.

Hindi ko mapigilan ang ngiwi na kusang kumurba sa mga labi ko nang makita ko ang kutsilyo na "celebrant" ngayong gabi na kasalukuyang nakatarak sa wooden chopping board at nakalagay sa sentro ng lamesa. May mga bulaklak pa iyon na para bang panauhing pandangal talaga.

"Wag mong ginaganiyan 'yan Ate Hera. Marami ng binusog na mga tao 'yan."

"Marami ka ring nautong babae dahil diyan." singit ni Athena na biglang sumulpot sa lamesa namin. Dumako sa akin ang mga mata ng babae at nag peace sign siya. "What's up yow?"

Tumaas ang kilay ko, "Buti nakakawala ka sa mga chikiting mo."

"Mama break ko ulit ngayon." sabi ng babae at nagkibit-balikat. "Saka tulog na ang mga 'yon. Pati na si Fiere."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang may mapansin ako sa sinabi niya. Matagal na kaming maagkaibigan kaya iisa lang ang likaw ng bituka namin. Isa pa halos lahat ng kalokohan namin sa mga buhay namin ay magkasama naming ginawa. With the exemption of our harot moments.

BHO CAMP #8: The CadenceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum