Prologue

24 3 2
                                    

A Part Of You


ADVISORY: IF YOU HAVENT READ THE MY SWEET MEMORY SEASON I & II THEN PLEASE DONT READ THESE!!!

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are not suitable for minor readers. Also the storyline's major topic is all about mental health issues and awareness.

Warning: there are chapters that are un-edited, and grammatical errors are visible.

***

STEVEN'S POV

"Jaye, ito na yung cut mo." Abot sakin ni Nazareth ng sobre. Andito kami sa Pirates ngayon, kakatapos ko lang tumugtog simula ng kunin ko ang share ko dito sa Pirates para ipuhunan sa investment, nagpa-part time nalang ako dito at binabayaran ako ni Nazareth twing pagkatapos kong tumugtog.

"Salamat." Sagot ko pagkatapos kunin ang sobre at ilagay sa bag.

"Kailan mo balak ipakita samin si Yant?" Tukoy niya sa anak ko.

"Dumalaw ka kasi sa bahay." Sabi ko at tumayo na tsaka tinapik sya sa balikat,"una nako." Tsaka kumaway kina Bon na kahero at Macau na tender na nasa bar tsaka kay Volt na dining ngayon, tumango naman sila.

Nagmamadali dali akong nagdrayb ng motor ko pauwi sa bahay. Pagkarating ko ay naabutan ko ang anak kong nasa sala, naka upon sa sahig at naglalaro ng di pamilyar na laruan, hindi ko alam kung saan galing.

"Andito kana." Bungad sakin ni Ate Alodia, tumango ako bilang sagot.

"Ikaw nagsundo?" Tanong ko at tinuro si Yant. Alven Yant Vergara, anak namin ni Kabute nung una Alven lang pangalan niya at Asuncion ang apelyido niya pero ng hilingin ko kila Tita Adele at Tito Allan na isunod ang pangalan niya sa apelyido ko ay pumayag din naman sila. Dinagdagan ko ito ng Yant, na ang kahulugan in thai ay protection.

"Hindi, si Alyssa kararating ko lang may flight ako." Paliwanag niya.

Tinapik ko ang balikat ni Yant, tinanggal niya ang headphone niya at ang hawak na ipad tsaka humalik sakin.

"Kanino galing to?"nakakunot ang noong tanong ko pagkatapos pulutin ang robot na mukhang lifter machine at may bitbit pang cube.

Kinuha sakin ni Yant ang robot tsaka ngumiti,"Dad, this is Cozmo. This is a latest robot in Tokyo."

Mas lalong nangunot ang noo ko,"We've never been there. Sino nagbigay, Tita Kim o Tita Nicole mo?"

"No, its Ivan's."tumango ako, tsaka humalik kay Yant at nagtungo sa kusina.

"Sino si Ivan?" Tanong ko kay Alyssa na nagaantay sa coffee machine."classmate niya?"tanong ko pa.

Tumango siya,"galing daw Japan yung bata, sabi naman sakin ni Yant kanina classmates na sila ni Ivan dati pa."

"Ivan, anong apelyido?" Inalala ko kung may kilala ba akong Ivan.

Nagkibit balikat naman siya,"Anong iniisip mo?" Tanong niya sakin pagkatapos itulak palapit sakin ang tasa ng kape.

A Part Of YouWhere stories live. Discover now