Chapter 4: LOVE TEAM

4 1 0
                                    

GIA'S POV

Nagring ang phone ni Ian kaya umalis siya at lumayo."Tigilan na natin to, bakit ba kasi may pa-reunion pa."Sabi ni Vame habang tinitingnan kami Isa-isa."Tara na." Aya niya kay Lyka.

Paalis na dapat sila ng bumalik si Ian,"Parating daw si Chiara at Yant."

"So, naging sila nga?" Napatingin kami kay Ria sa tanong niyang yun."Si Chiara at Yant?"

Natawa naman si Wyncell."Si Chiara? Hindi ah, siya ang asawa ni Ian sila ang nagkatuluyan. Saan naman galing yan? Si Yant ay boyfriend nitong si Bear."

"Totoo palang naging sila? Di pala kwento yun?" Halos bulong na usal ni Vame kay Lyka pero dinig namin.

"Na ano na naging si Yant at Bear? Bakit di kayo naniniwala dati no? Kasi ano?"tanong ni Wyncell."Eh kung sa sinasabi palang na backstabbers halatang kayo na ang nag-uusap against us eh, ano yan pinagtsismisan niyo kami, ay hindi si Bear.. after magwatak-watak?"

"Pulutan ka ata nila G, after niyo magbreak ng bestfriend mo."tatawa-tawang sabi naman sakin ni Ian, nagmake-face ako bilang sagot.

"Gaano nga ulit kayo nagtagal ni Wyncell?" Tanong ko, dahil hanggang ngayon na kahit hindi na sila ay Bal padin ang tawagan nila pero twing pinapa-alala ko sa kanila na naging sila ay diring-diri sila.

"Bear!!" Tawag ni Wyncell.

"Bibig mo Gianna Amelie, parang di kaibigan to." Reklamo ni Ian na kinatawa ko.

Noong naging sila ay halos manginig at di alam ni Ian kung paano aamin kay Wyncell, pero ngayon ang O-oa ng reaksyon akala mo hindi minsang kinilig sa isat-isa, akala mo naman di nagpabebe nung panahong kami ang nakokornihan sa kanilang dalawa... Dahil silang dalawa ang unang loveteam sa barkada.

YANT'S POV

SABADO, naglalakad kami ngayon papunta sa park nina Gia at Ian. Si Ryu at Lyka ay manggagaling pa sa Bacoor dahil naroon ang bahay nila. Si Wyncell naman ay sa Trece pa, si Vame ay hahabol daw dahil sa Forbes, Makati pa manggagaling.

Pagkarating ni Wyncell ay humahangos ito mula sa pagtakbo. "Kundi ka ba naman sira, bakit ka kase tumakbo?" Nawiwirduhang tanong ni Gia kay Wyncell, nakaupo kami ngayon sa may pahabang bato na mukhang pinutol na puno na upuan at parisukat na sementong lamesa na disenyong naka-varnished na makintab na kahoy ng puno.

"Baka matunaw tong ice cream."saka ipinatong sa harap namin ang anim na ice cream."Tayo palang apat?"

"Tigda-dalawa kami baket!?"nakangising sabi ni Ian tsaka bumukas ng isa pang ice cream at dinilaan yun ng magkasabay. Lukot ang mga mukha na pinagmasdan namin siyang gawin iyon.

"H-hoy, tumutulo saken."reklamo ko.

"Kahit kailan ang balahura mo." Diko alam kung saan galing ang wipes pero bigla nalang may wipes si Gia at pinunasan ang nagkalat na patak ng ice cream na kagagawan ni Damian.

Natawa naman si Wyncell,"Kakainin mo ba to Gia?" Tanong pa ni Ian na mas kinatawa ni Wyncell, bumuntong hininga naman si Gia bago umiling at inilapit ang extra ice cream niya kay Ian.

"Baka kulang pa." Inabot ko rin sa kanya yung extra ice cream ko.

"Thank you."sagot pa niya."Oh, edi walang sayang." Usal ni Ian pagkatapos maubos ang apat na ice cream, sabay nakipag-apir kay Wyncell.

A Part Of YouWhere stories live. Discover now