Chapter 6: NYAM

2 1 0
                                    

GIA'S POV

"Mahal, may gusto ka parin ba kay Yant?" Tanong ni Wyncell.

"Yung pagkagusto ko kay Yant ay binigay ko na sa iba, alam niyo namang iba ang gusto non."sagot naman ni Lyka.

"Ah, Oo kasi diba nagkagusto ka din kay Kabet mo tsaka may paregalo ka pang natanggap grabe!"kwento ni Wyncell."Hoy Nyam."sabay taas kilay naman ni Wyncell kay Q3. Pet name niya kay Q3 ang Nyam, pano twing naririnig nya raw si Q3 na nagsasabi ng Yum twing puno ang bibig, Nyam daw ang naririnig niya.

Q3 naman ang palayaw ni Q3 dahil sa full name nito na, Enrique Dominique Manrique, dati nung mga bata kami ay Bananaque (bananak-ke) or camoteque (camotek-ke) ang pang asar namin sa kanya, pero since Q3 ang tinawag sa kanya ni Wyncell nasanay na kami, Que-3 stands for Cutie daw.

"Ano yan, nagpapa-cute ka?"kunot noong tanong naman ni Lyka.

"Apaka selosa mo, kuya pengeng ice po na may tubig para sa kanya."suyo ni Wyncell sa waiter sabay turo kay Lyka."Init ng ulo."

YANT'S POV

Sunday, after church hindi raw dumating si Wyncell sa church kahit sila Tito RD at Tita Ann sabi ni Ryu iba kasi ang churches na pinupuntahan namin. Si Lyka at Vame are both INC, sina Ryu, Ian at Wyncell naman are a Catholic at kami ni Gia ay Christians. Christian ako dito sa Philippines pero Buddhist sa Thailand, basta ganun malabong i-describe.

Napatingin naman ako kay Q3 dahil siya na ang naandito at hindi na si Ria, kanina pa din tahimik ang isang to eh. Andito kami sa may Coffee bean and tea leaf na nakatayo sa labas ng Payton.

"I was with Wyncell yesterday." Sambit naman ni Ryu na kinatingin namin sa kanya."Totoo na gusto niya ng tumigil because of a reason that everyone wouldn't like to hear."

"Anong rason?"tanong ni Ian

"Sa kanya niyo nalang tanungin."sagot ni Ryu,"But, I ah, persuaded her to tell it to her parents after ko syang ihatid kahapon pauwi at antayin na umamin, bago ako umalis sa bahay nila siniguro kong okay na siya. I talked with Tito RD kahapon at siya na raw ang bahala, justice will  prevail lalo na at si Wyncell yun, their only daughter."

"Ikaw Q3 anong problema mo naman ba't ang tahimik mo jan?" Tanong ni Lyka.

"Sasabihin ko na dapat kila Mom and Dad yung relationship natin kase diba yun ang gusto mo nahihirapan kana kamo na itago sa parents at friends natin."nagugulat naman kaming napatingin sa kanila, seryoso ang itsura ni Q3 na nakatingin ng deretso kay Lyka."Kaso naunahan ako ni Ria kahapon."

"M-may boyfriend na... si Ria?" Tanong ni Ian

"Hindi, umamin siya kahapon kila Mommy at Daddy. Ria is a lesbian."

Napakurap ako ng diko mabilang na beses, walang nagsalita sa amin. Tahimik naman akong kumain ng brownies sa harap ko.

"Ang gulo maging Manrique, andaming revelations." Usal naman ni Ian."Well, okay lang naman yun diba? Sa akin kase walang kaso yung kay Ria sa inyo ba, lalo na sainyo girls?"

"Alam ko na yun dati pa." Sagot ni Lyka.

"Ikaw Gia?" Tanong ni Vame.

"Okay lang, ako nga sisiga-siga lang mukha ng tibo sa iba pero si Ria na mukhang babae, kilos babae siya pala ang mas tigasin."

"Pero ang mas tanong diyan kahit tanggap natin si Ria ang tanong, Q3 tanggap mo ba?"tanong ko

A Part Of YouWhere stories live. Discover now