CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)

Start from the beginning
                                    

"M-Masasaktan pa rin".

"At kung iiwas ka, hindi ka ba masasaktan? Tingin mo ba, mababalik pa rin ang friendship nung dalawa just because na umiwas ka"?

"Syempre hindi na. Ano bang sense na itinatanong mo 'yan, kung alam mo naman na ang sagot"? Iritang sagot ko.

Natutop naman ako sa kinauupuan ko ng marealized ko ang sinagot ko.

"Narealized mo na"?

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Itinigil nito ang nilalaro niya at inilapag ang phone sa table. Sumandal ito sa kinauupuan niya habang hinalukipkip ang mga braso. Seryoso ako nitong tinignan.

"Ah"! Sigaw ng kung sino.

Napatingin ako sa estudyanteng malapit lang sa table namin na nakatingin sa lapag. Umupo ito at pinulot ang bubog ng basong nabitawan niya.

"Tsk. T-Tanga-tanga kasi eh". Sabi ng babaeng estudyanteng nakabungguan niya.

Hindi sumagot ang babae at pinulot na lang ang bubog ng baso. Sinubukan pa nitong pagdikitin ang mga piraso nito, pero wala pa ring nangyari.

Tumayo si Kia at nilapitan ang babae.

"Okay ka lang ba? Tulungan na kita". Nginitian lang ng babae si Kia at nagpatuloy nilang pulutin ang bubog.

"Once na nabasag na o nagkalamat ang isang bagay, kahit anong gawin mo, hindi mo na kayang ibalik ito sa rati". Napatingin ako kay Jicyl nang bigla niya itong sabihin, habang na kela Kia ang paningin niya.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya.

She smiled and looked at me. "Kahit anong desisyon ang gawin mo, parehas lang kayong magkakasakitang tatlo, so why don't you choose the decision that will make the three of you happy"?

"Maiksi lang ang buhay. Minsan, hindi masamang maging selfish".

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil may point ang sinasabi ng babaeng ito.

Ilang minuto ang lumipas nang muling bumalik sa table namin si Kia.

"What happened"? Tanong ng Jicyl sa kaniya.

"Alam mo na. Another inggitera ang umiral na naman". Mahina silang natawa, habang ako, tahimik pa rin.

"Hay nako. 'Wag mo nang isipin 'yon! Ano ka ba". Pagpapalakas ng loob ni Kia sa akin nang mapansin niyang hindi ako sumabay sa pagtawa nila.

"Eh ikaw ba? Kung ikaw si Alexa, what will you do"? Jicyl Asked.

Sandali itong napatitig sa akin bago sumagot. "Wala".

"Ha? Anong wala"?

"Wala. As in, wala akong pipiliin sa kanila".

"Why"? This time, ako na ang nagtanong.

"Magiging self love ang motto ko". She said while giggling.  I rolled my eyes.

Akala ko pa naman seryoso na. Tsk.

"Nah. But seriously. Wala akong pipiliin. First, kung may pipiliin man ako sa kanila, givin na may masasaktan ako. And for sure, knowing Alexa, mag-guilty 'yan kasi alam niyang may masasaktan siya, so hindi rin ako sasaya. Kakainin lang ako ng konsensya ko".

"Parehas lang kaming mag s-suffer ng taong pinili ko".

"Pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, maging ano man ang desisyon mo, swear, parehas lang kayong magkakasakitan. So ang best way para sa akin, in my opinion ha, wala akong pipiliin".

Napayuko ako.

"A-Ah. P-Pero wala akong sinabi na 'wag ka na lang pumili ha. It's up to you though. Opinion ko lang naman iyon. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Pero whatever your decision is, nandito lang kami nila Drik para sa iyo".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now