CHAPTER XII; Strange Feeling

36 34 5
                                    

-KIANDRA-

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

-KIANDRA-

"I'm Back!! I miss you all guys!"

Gulat na gulat kaming napatayong tatlo nila Aaron, Ralph at Ako. "Alexa"?! Sabay-sabay naming sigaw.


"Wow guys. First time makita ako"?

"B-Bakit ka narito"? Tanong ng Aaron

"Bakit? Ayaw mo pa rin ba ako makita Fernandez"?

"N-No. It's not like that. Biglaan naman yata? Bakit hindi mo sinabi sa akin"?

"Hindi na ito magiging surprise kung sinabi ko".

Hindi na niya ito pinansin at umupo siya sa tabi ni Lars. Sinundan lang namin ang pag kilos niya.

"Musta"? Marahan niyang siniko ang braso ng Lars.

Magkakilala sila?

Nakakunot noo kaming nagkatinginan ni Ralph. Si Aaron naman, nanatiling nakatingin kay Alexa.

Pagkatapos ng eksenang iyon, dinumog ng mga ugok si Alexa habang nanatiling nakaupo siya sa tabi ng Lars.

Muli kaming umupong tatlo. Ang naging katabi ko na, sila Aaron at Ralph. Nasa pagitan nila ako.

Nanatiling tahimik si Aaron. Medyo sumandal ako kay Ralph at bumulong. "Magkakilala ang talipandas na Lars at si Alexa"?


"Umm".

Kunot noo akong tumingin sa Ralph na busy sa pag shot niya. "Ha? Kailan pa"?

"Dati pa. Pero alam ko, hindi sila ganiyan ka-close".

Nang marealized ang sinabi, medyo nanlalaki ang mga mata nitong tinignan ako. "I mean, ayon lang ang sabi ni Aaron".

Naningkit muna ang mga mata ko sa kaniya, bago tumango. "Ah".

Naiilang naman siyang umiwas ng tingin sa akin. Bakit hindi katiwa-tiwala ang sagot niya?

Napatingin ako sa katabi kong tahimik na Aaron. Marahan ko itong siniko. "Huy".

"Hmm"?

Hinayaan ko muna siyang mag shot bago mag salita. "Dati pa kayo nagkaka-usap ulit ni Alexa"?

"Umm".

Love and Lost (On Going - Under Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ