CHAPTER IX; Necklace

48 37 12
                                    

-KIANDRA-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-KIANDRA-

"Simula ngayon ibinibigay ko na ito sa iyo". Sabay pakita niya sa akin ng isang gold na kwintas. Mukhang simple lang. Ang tanging design lang nito ay ang dalawang maliit na palasong naka-across sa isa't-isa.

Pumunta siya sa likuran ko at sinuot sa akin ang kwintas. Habang nila-lock naman niya, napahawak ako sa dalawang maliit na palaso.

"Alam mo ba ang meaning niyan"? Sabi niya ng makabalik siya sa harapan ko. Napailing naman ako. Bago niya sabihin ang ibig sabihin ng kwintas na ibinigay niya sa akin, ay may dinukot muna siya sa bulsa niya. Kwintas rin na kaparehas ng 'akin. Pinagkaiba nga lang, gold ang 'akin, silver ang sa kaniya.

Isinuot niya muna ito sa leeg niya bago nagpatuloy. "You and i were meant to cross paths, share smiles and laugh together."  Hinawi niya ang kumawalang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko at inipit iyon sa likuran ng tainga ko.

"Make a wish and put on your necklace. Wear that as a reminder that i'm so glad you found your way into my life." He just give me his genuinely smile.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig lang ako sa mga mata niya. Nag-init bigla ang mga pisngi ko, kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Bakit ba ganito ako sa kaniya lately?

Napatingin ako sa kaniya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Kia.." Tila nangangabayo ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Love and Lost (On Going - Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon