Tinitigan niya ako sa may salamin at naka taas ang kilay nito sa akin.

"Hindi ah! Bakit ko naman gugustuhin si Luther? Gaya ng sabi ko, we're friends."

"Ah no. Not Luther. Si Ryoga ang tinatanong ko. Alam ko namang hindi mo gusto si Luther dahil kay Ryoga e. Buti nalang at nag lalandian kayo. I feel safe."

"Ano bang tanong mo?"

"If you like Ryoga."

"S-syempre naman. Gusto ko siya." Pag aamin ko. I don't need to hide it to her dahil in the first place she knows naman what's going on with me and her brother.

"Even though 'di hamak na mas matanda siya sa'yo? Ang layo ng agwat niyo sa isa't isa."

"Yes." Mabilis na sagot ko.

"Bakit mo siya gusto?"

Kailangan bang mag bigay ng reason? I actually don't know why I like him.

He is crazy, maniac, mayabang. Marami siyang negative traits. Ni hindi nga pumasok sa isipan ko na magugustuhan ko siya e. Dahil si Kuya Luke naman talaga ang gusto ko at crush na crush ko sa mga kaibigan ni Kuya Raine.

"I actually don't know. I can't give any reason why I like him. He just made me like him."

"I see." Pa tango tango na sabi nito. "I hope there'll be no reasons for you to hate him too." Itinali ko ang hair tie sakaniya at inayos ko ang buhok niya.

"Anong ibig mong sabihin? Why would I hate him? Gago man ang kuya mo, alam kong mabuti siyang tao."

"Do you love him?" She asked me at napa hinto ako. Binitawan ko na ang buhok niya at naka titig lamang ako sa repleksyon niya sa salamin at ganon din siya sa akin.

Love? I know I like him and I think hindi pa naman ako umaabot sa punto na mahal ko na siya. Ibang level na 'yun.

"No. I like him pero wala pa ako sa level na 'yun."

Pero paano ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao? How would I know that?

"That's good. Sana kilalanin mo muna siya ng buong buo at alamin mo muna lahat ng tungkol sakaniya bago ka ma fall. Because I am telling you Rej, you don't know him well. Don't say that someone is a good person kung hindi mo naman kilala ang buong pagka tao niya." She smiled at me at tumayo ito sa pagkaka upo niya.

"I'll change my clothes." Paalam niya atsaka na ito pumasok ng CR.


Bakit sa sinabi niya ay parang pinag babantaan niya ako? Alam kong misteryosong tao si Kuya Ryoga. Gustong gusto kong malaman ang buong kwento niya sa buhay but how will I know about it? Kuya Raine doesn't share nor say anything about him. Same with Kuya Luke.

Lumabas siya ng CR ng naka two piece na at napa titig ako sa katawan niya. Ang ganda niya talaga at super kinis pa. Bagay na bagay sakaniya ang soot niyang red two piece.

"Go now and change. Puntahan ko lang si Luther."

Lumabas na siya ng pinto at kinuha ko ang swimsuit ko sa may table. Pumasok ako sa CR at nag palit ako roon.

Na o-occupied tuloy ang isip ko dahil sa sinabi ni Ritsumi. Kahit naman gusto kong malaman ang lahat ng tungkol kay Kuya Ryoga ay hindi ko magawa. Daig niya pa ang artista sa sobrang hirap makahanap ng impormasyon tungkol sakaniya.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now