Chapter 34: 2 seconds

Mulai dari awal
                                    

“The way you eat your cake.” Sagot nito bago tumingin sa ibang direksyon. Marahil ay nailing siyang sabihin iyon. Fine. Table manners ko nga naman.

“Sorry. Anyway, ganyan ba kayong mga lalaki? Ayaw isali ang girlfriend sa problema? Selfish niyo rin, e.”

“Stressed lang siguro ‘yun. O kaya gumaganti kasi sinusungitan mo katulad ng sinabi mo kahapon.”

“But he won’t do that. Mababaw.” Bakit ko ba siya pinagtatanggol? “Imbes na makatulong ka ginugulo mo naman ang isipan ko.”

“Mabait ‘yang si Carding. Intindihin mo nalang kung ganyan siya ngayon. Ang tingin ko kasi may trust issue siya.”

“Paano mo nasabi? Noong nakaraan lang naman kayo nagkita.”

“hmm.” Umupo siya ng maayos at tinitigan ako sa mata. “Magkaibigan kami noong college.” Katulad niya ay umayos din ako ng upo. Hindi ko gets.

“Pero noong---“

“Tuwing nagkikita kami, hindi kami nagpapansinan. Nagkukunwari kaming hindi magkakilala kaya kahit gusto ko siyang kausapin wala rin akong magawa. Galit siya saakin JL. Baka nga kapag nalaman niyang nakipagkita ka saakin, baka magalit siya sayo.”

“Magalit siya o hindi, wala na akong pakialam. Anyway, thanks sa pakikinig saakin.”

“Uuwi ka na? Ihahatid na kita.”

“Edi kapag nalaman niyang inihatid mo pa ako edi mas lalo pa siyang magalit sayo.”

“Sabi mo wala kang pakialam.” Nakangiti nitong kumento.

“But seriously, thanks.” Nginitian ko siya at nagpaalam na ako sakanya ng tuluyan. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung anong problema ni D sa buhay. Daig pa niya ang pagiging moody ko.

Nasa labas na ako ng restaurant nang makita ko si D. Nakayukom ang palad niya at nakatingin saakin. Galit nga siya. Kitang-kita kasi mula dito sa labas ang mga tao sa loob. Gee.

Pagkatapos niya akong i-exclude kanina sa problema niya, ngayon ganito siya saakin?

Nagdirediretso lang ako papunta sa taxi lane.

“Jade. Dala ko yung sasakyan ko.” Alam kong sinusubukan niyang maging malumanay ang boses niya sa kabila ng pagkainis na nakita ko sa mukha niya. Alam kong inaamo lang niya ako dahil alam niyang iba ang ugali ko. “Look, I’m sorry.”

“Bakit ka nagsosorry?” Humarap na ako sakanya. “Where’s your car?”

“Yung kanina. Hindi naman gaanong malaki yung problema kaya hindi ko na sinabi sayo.” Eksplika nito habang papunta kami kung saan naka-park ang sasakyan niya.

He’s wearing his faded jeans and brown t-shirt. Why does he have to be so sexy when I’m mad?

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang