Chapter 31: D and his Game

51K 1.3K 116
                                    

Chapter 31: D and his Game

 

“Hindi ka matutulog sa bahay?” Hindi ko nakatinging tanong sakanya.

“Gusto mo ba?” Parang nang-aasar na tanong naman nito saakin. Mabagal lang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan kahit na wala naman ibang sasakyan.

“Manonood pa tayo ng movie. Hindi pa ako kumakain.” Nagugutom na ako pero hindi ko naman alam kung ano ang gusto kong kainin.

“Wala akong maisip na kainan. Anong gusto mong kainin?” Tanong niya saakin kaya nanahimik nalang ako. Hindi ko nga alam ang kakainin ko kaya naghihintay ako ng suggestion tapos tatanungin niya ako? Hindi siya marunong bumasa ng iniisip.

“Ipagluto nalang kaya kita?”

“Gusto mo lang pumunta sa bahay.” Walang gana kong sabi.

“Bili tayo sa supermarket ng ingredients.”

“Magluluto ka talaga? Matutulog ka sa bahay? Magmarathon tayo ng movie!” Sunod-sunod kong sabi sakanya kaya pinigilan ko na ang sarili kong magsalita pa. Madami kasi akong gustong panoorin pero baka hindi ko kayanin yung iba kung mag-isa ako. Gusto kong manood ng nakakatakot pero ayaw ko naman na mag-isa lang ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayon. Nasira kasi lahat ng plano ko kanina dahil kay D. Kakain pa ba muna o manonood na ng diretso?

“What about pizza?”

“Fine. Pizza nalang.”

“Great. Sainyo nalang natin kainin.” Doon ako napatingin sakanya. Siya naman pala itong gustong pumunta sa bahay! Pasimple pa.

“Pinagbawalan ka ba ni lola na pumunta sa bahay? Hindi ka kasi niya nababanggit saakin lately.”

“Medyo lang.” Sagot niya saka nagpark. Kaya naman pala nakaisip ng pizza. May store naman pala na madadaanan. Siya nalang ang lumabas para bumili dahil tinatamad na akong lumabas. Hindi ko na nga namalayan ang pagbalik niya at paano kami nakauwi sa bahay. Basta paggising ko nalang ay nasa kwarto na ako at naririnig ko ang malalakas na boses ni lola.

“Sigurado kang wala kang ginawa sa apo ko? Bakit nakita kitang lumabas mula sa kwarto niya?” Umupo ako at binuksan ko ang lampshade sa gilid ko. May suot naman akong damit. Ang OA talaga ni lola.

“Grabe ka naman lola. Mukha ba akong may gagawing masama sakanya?”

“Oo! Hindi mo nga sinabi saakin na gusto mo pala ang apo ko! Tapos labas-pasok ka pa sa bahay noon. Iniwan ko pa kayong dalawa.”

“Lola naman, nagpakabait naman ako saka hinay-hinay lang baka magising si Jeling niyan.” Talagang sa labas ng kwarto ko pa sila nag-uusap.

“Kaya siguro isinusuot mo ang mga damit na sinasabi ni Jeling na baduy kasi nagpapalakas ka saakin.”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon