Chapter 14: Tsismosa

58.8K 1.2K 60
                                    

Chapter 14: Tsismosa

 

Tulog pa si Leo sa sofa nang bumaba ako. Hindi ba siya nangawit matulog doon? Sobrang gentleman din talaga ni Damian para iwanan lang si Leo sa sala. Sana kahit ipinasok nalang niya ito sa kwarto ko. What’s wrong with him?

Weirdo.

“Ano? Gising ka na ba? Bumangon ka na at mag-ayos nang makauwi ka na.” Nakahalukipkip ako ngayon sa harapan ni Leonna habang nagmumuni-muni siya. “Kumain ka na tapos umuwi ka na sainyo.” Sabi ko pa.

“Wala akong maalalang nakarating tayo dito.” Saad niya noong matapos siyang maligo.

“Tulog ka at lasing na lasing ka. Hindi mo naman sinabi saaking mababa ang tolerance mo sa alak!” Naiinis pa rin ako at iritableng-iritable talaga ako ngayon.

“Nga pala, kagabi... ‘yung sinabi ko. Tutulungan mo ba ako?”

Sinigurado ko munang wala si Damian sa paligid bago ko sinagot ang tanong niya.

“About that, huwag mo na siguro akong asahan.”

“Bago ako, may iba pang nakarelasyon si Carding.” Nababahuan talaga ako sa pangalan ni Damian. Bakit ba kasi yun pa ang ipinangalan ko sakanya noong bata kami?

“Hindi ko gusto ‘yung babaeng ‘yun. Siguro maging girlfriend na lahat ni Carding huwag lang siya.” Halata naman na malaki ang galit ni Leo sa babaeng ‘yun para humingi saakin ng tulong. Pero wala kasi talaga akong pakialam sakanila.

“Hindi ko alam kung ano ang nakita niyo sakanya kaya bahala kayo. Umuwi ka na nga.”

“Basta tulungan mo ako. Inaasahan kita.” Sabi pa nito bago tuluyang umalis.

Bakit ko naman ii-involve ang sarili ko sa problema nila? In the first place, hindi ko naman kilala ‘yung MGA ex ni Damian. Hindi ko naman alam ang mga nakaraan nila. I’m just too gorgeous to butt in. Mai-stress lang ako sakanila.

***

Hindi ko rin nakita si Damian bago ako pumunta sa eskwelahan. Marahil ay nauna nanaman siya. Pwede rin namang hindi niya ako gustong makita ngayon dahil sa pagtatalo namin. If ever ganun nga, ang kapal naman niya para siya pa ang umiwas! Siya na nga itong mapanghusga.

“Ms. Cruz, bakit ngayon ka lang? Alam mo naman na ngayon darating ‘yung kapalit ni Sir Erwin.” Nagtatakang tanong saakin ni Sir. Garcia.

“Kapalit? Bakit? Anong nangyari sakanya?” Tanong ko. Ang totoo niyan hindi ko talaga alam kung bakit siya papalitan.

“Ah! Oo nga pala, maaga kang umalis noong nakaraan. Nagpaalam kasi siya dahil ooperahan siya at magkakaroon muna siya ng substitute.” Tumango nalang ako at saka umupo sa table ko.

Iginala ko rin ang mga mata ko para hanapin si Damian pero wala pa siya. Wala rin si Leo. Why am I bothering myself? Malalaki na sila.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon