Chapter 4

56 28 9
                                    

Napapailing na lamang ako habang pinapahid ang mga luha ko sa aking mga mata. Buong akala ko ay hindi nila itutuloy ang planong iyon, na nasabi lamang iyon ni mama dahil nadala lang siya sa problema namin. Akala ko kahit papaano ay anak pa rin ang turing niya sa akin at hindi niya kakayanin na ipamigay ako.

Akala ko lang pala ang lahat.

Napatawa na lamang ako ng mapait sa alaalang iyon. Nagtagumpay sila sa plano nila. And here I am, as usual, naiwang nag-iisa. Para nila akong isinabak sa giyera na walang dalang armas, walang kasamang kakampi. Mag-isang lumalaban para mabuhay. Mag-isang lumalaban para sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Wala eh, anong laban ko?

Napakalaking dagok nito sa akin. Mismong pamilya ko isinusuka ako. I feel so lost at the same time empty. How is it possible that my family can break my heart into pieces over and over again? May idudurog pa ba ito? May mas sasakit pa ba rito?

'Di ko lubos maisip na magagawa nilang paikutin sa kasinungalingan ang amo kong si Sir Tyler. Kinatatakutan ang pamilya nila sa lahat ng aspekto sapagkat labis ang kayamanan at kapangyarihan nila. Halos lahat ay kaya nilang talunin maliban na lamang sa mga Montemayor. Lagi lamang pumapangalawa ang mga Del Vuega sa kanila.

Ayon nga sa tsismis ng mga kapitbahay namin ay laging makikita ang kompetisyon sa dalawang partido. Kahit nga raw noon sa paaralan nila Sir Tyler ay magkatunggali sila ng Montemayor. Wala na akong iba pang alam sa kanila dahil hindi naman ako ganoong kainteresado pagdating sa mga ganyang bagay.

Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman nang maalala ko nanaman ang naging bungad ng amo ko sakin. Agad na kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng inis. Hindi kasi talaga ako natuwa sa ginawa niya. Masama na nga ang naging tulog ko dahil sa kakaiyak ko, pati ba naman paggising ay masisira na rin hays.

Mister Tyler Zachary Dale Del Vuega, pangalan pa lang ang hirap ng abutin. 'Di ko naman inaasahan na ganoon siya kasungit. Well, hindi ko naman siya maituturing na masama, kung tutuusin ay dapat pa akong magpasalamat sa kaniya dahil hindi niya itinuloy ang pagpapakulong sa akin ang kaso nga lang ay ito ang magiging kapalit, ang maging preso ako sa sarili niyang tahanan. Ngunit kung titingnan mo, ayos na rin at maswerte na ako lagay kong ito.

Kung usapang pisikal na kaanyuan lamang ay wala na akong masasabi pa. Well, I mean he's a total drop dead gorgeous man ascended from the heaven. Para siyang demonyo na nasa katawan ng isang anghel. Hindi na ako magtataka kung mahaba ang listahan niya sa mga babaeng nagkakandarapa at lumuha sa kaniya. Total package na nga siya kumbaga dahil bukod pa rito ay kilala rin siya sa business world.

Naging tanyag siya bilang isang business tycoon sa bansa dahil sa murang edad pa lamang nito ay nagawa niyang mas palaguin ang kompanya ng ama niya matapos niyang makagraduate ng kolehiyo. Sinong mag-aakala na sa edad na 23 ay gagawa agad siya ng pangalan at kakayanin niyang makipagsabayan sa larangan ng komersyo, rather, higitan pa ang mga beteranong tao.

Simula noong umapak ako rito sa puder ng mga Del Vuegap ay hindi ko pa nakikita ang mga magulang ni Sir Tyler. Ayon sa narinig ko sa iba pang kasambahay ay nasa ibang bansa raw ito upang asikasuhin ang iba pa nilang kompanya.

Ayos na rin iyon sa akin dahil natatakot ako sa ama ni Sir Tyler lalo pa't kapag nalaman niya ang naging kasalanan ng pamilya ko sa kanila. Baka nagkataon ay wala na ako rito at pupulutin na lamang kami ng pamilya ko sa kangkungan.

Kilala ang ama ni Sir Tyler na si Sir Terrence bilang mahigpit at strikto. Perfectionist nga kung tawagin ng iba eh. Sabi pa nga nila na si Sir Tyler daw ang mabait na version ni Sir Terrence. 'Di ko alam kung ang oa lang ba ng pagkakasabi nila o iyon talaga ang totoo. Kung ganoon nga eh aba talaga ngang kailangan kong mag-ingat, Sir Tyler pa lang hindi ko na kinakaya, dagdagan pa kaya ng Sir Terrence.

Pero kahit ganoon talagang kamangha-mangha ang mag-ama.

"Uy, tulala ka diyan!"

Agad na naputol ang aking pagmumuni-muni at nabitawan ko ang pandilig dahil sa gulat. Tiningnan ko ang babaeng kumalabit sa akin. Siya yung kasama ko sa kwarto. Sa palagay ko ay medyo magka-edad lamang kami.

"Alam kong pretty ako, hindi mo na kailangan pang matulala sa akin!"

Sabi niya uli at sabay pitik ng kaniyang daliri sa ere.

"Ahmm, hello?"

Parang hindi siguradong bati ko dahil naaawkward ako sa kaniya nang maalala ko ang una naming pagkikita.

Kung tama man ang pagkakaalala ko ay siya si Nanna. Siya yung tinutukoy ng isang katulong na mag-iingat daw sa akin dahil baka nakawan ko lamang siya. Nakaramdam naman ako agad ng lungkot.

"Uy ano ka ba girl, dinaig mo pa namatayan sa itsura mo"

Aniya sabay humagalpak ng tawa. Ibinaling ko sa kaniya ang tingin kong hindi makapaniwala.

Seryoso ba siya? Bakit siya ganiyan? Hindi ba siya iiwas sa akin o pandidirihan ako?

Ganoon kasi ang inakto ng ibang katulong kahapon kaya inakala ko na si Manang lang talaga ang magiging kasundo ko rito sa mansyon, pero mukhang nagkamali ata ako.

Pinasadahan kong muli ang itsura niya bago magsalita. Simple lamang siya pero litaw na litaw ang kagandahan niya at sa palagay ko ay masiyahin din siya.

"Hi-hindi ka ba lalayo sa akin?"

Nautal pa ako ng kaunti dahil nahihiya talaga ako sa kaniya. Ako na ang mahihiya para sa kapatid ko dahil alam ko naman na wala siyang pake sa problemang pinasok niya.

"Duh, ano ka ba girl! Pare-pareho lang tayong mga maid dito sa bahay ni baby Tyler ko"

Maarteng usal niya na sinabayan niya pa ng pagpikit ng mata.

Pero teka!?

"B-baby?"

Gulat na tanong ko. Sa isip ko lang dapat iyon eh! Nakakahiya naman mamaya isipin niya pa na tsismosa ako.

"Hihihi, yup baby ng buhay ko"

Malanding sagot niya. Para siyang kinikiliti na ewan. Mukha siyang uod na binudburan ng asin.

"ah ok"

Balewalang sagot ko. Nakita ko naman siyang napanguso nang marinig ako. Eh? Ano bang dapat kong isagot?

'Weh!? Talaga!? OMG!'

Parang tangang sagot ng isip ko. Kung iyan naman ang isasagot ko ay magmumukha akong feeling close. Kakakilala pa nga lang namin eh.

Nagulat ako ng inabot niya ang kamay niya sa akin. Tila nais niyang makipagkamay kaya inabot ko naman agad ito.

"I'm Dayanna, pero tawagin mo na lang akong Nanna."

Pagpapakilala niya sa akin. Agad na sumilay sa labi niya ang isang nakakasilaw na ngiti. Napakapuro ng ngiti niya.

"I'm Blaire"

Balik na sagot ko naman sa kaniya at ibinaba na namin ang aming mga kamay.

"Yung sinasabi mo nga pala kanina, tungkol doon sa kung lalayuan ba kita keme, 'wag mo nang isipin iyon ha? Hayaan mo yung ibang katulong diyan!"

Pagpapalakas ng loob niya sa akin. Napakabait naman niya. Sana lahat na lang sila kagaya niya.

"Salamat ha? Ngayon dalawa na ang kasundo ko rito. Ikaw at si Manang"

Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Ano ka ba girl, siyempre no choice ako kasi kasama kita sa kwarto noh? Nakakastress yung magiging set-up kung nagkataong awkward tayo sa isa't isa"

Seryosong sabi niya. Agad akong napatingin sa kaniya at sinuri ang kaniyang mukha kung nagbibiro lamang siya. Ngunit tila pinagsakluban ako ng langit at lupa nang hindi magbago ang kaniyang ekspresyon.

Akala ko pa naman ay seryoso siya sa pakikipagkaibigan sa akin. Malungkot kong ibinaling ang paningin ko sa sahig.

Iyan kasi Blaire, ang dali mong paikutin kaya ka nasasaktan eh. Uhaw na uhaw ka na ba sa atensyon ha!?

Parang ewang sermon ko sa sarili ko. Pansin ko lang ha? Napakababaw kong tao. Akala ko masasanay na ako sa sakit pero bakit gano'n, kahit simpleng bagay lang ito ay nasasaktan pa rin ako?

UNWANTEDWhere stories live. Discover now