Chapter 2

87 41 13
                                    

Agad akong napabangon nang maramdaman ko ang malamig na tubig na sumaboy sa akin.

"WHAT NOW LADY!? DIDN'T I TELL YOU TO WAKE UP EARLY?"

Agad na dumagundong sa aking silid ang baritonong boses ng aking amo. Sinabuyan niya pala ako ng tubig para magising hays. Tiningnan ko ang aking suot at ganoon pa rin katulad kahapon. Hindi na ako nakapagpalit at nakatulog na ako kakaiyak.

Tiningnan ko muli ang amo ko na galit na galit na nakatingin sa akin. Pwede naman niya akong ipagising sa ibang katulong, talagang nag-effort pa siya na gisingin ako ha hays.

"Pa-pasensya na po, hi-hindi ko p-po napansin yung oras"

Nanginginig na saad ko. Hindi kasi talaga ako sanay na gumigising ng maaga ng kusa, lagi kasing sila mama ang gumigising sa akin.

"I DON'T WANT YOUR FUCKING EXCUSES. JUST GET UP AND DO YOUR WORK!"

Pasigaw na aniya. Tiningnan ko ang wall clock at halos manghina ako dahil alas-singko pa lang ng umaga. Dumapo ang aking paningin sa kasama ko rito sa kwarto na hanggang ngayon ay masarap pa rin ang tulog. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa inis. Tingnan mo nga ang lalaking 'yon, ang aga-aga pa nga lang eh tapos nasigaw na hays.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako. Nagulat ako nang may humigit sa akin. Si Manang Gloria pala.

"Naku iha, pagpasensyahan mo na ang alaga ko ha? Mabait naman iyon, madalas nga lang ay nagsusungit"

Tila natatawa pa si manang habang iniisip ang pag-uugali ng amo namin.

"Bakit gano'n iyon manang?! Wala naman akong ginagawa sa kaniya ah? Tsaka bakit ako lang gigising ng maaga, tulog pa nga yung kasama ko sa kwarto eh huhu"

Naiiyak na sumbong ko kay Manang. Natawa na lamang si Manang sa aking inakto.

"Hayaan mo na iha, sariwa pa rin sa kaniya yung pangloloko ng kapatid mo kaya ganoon siya sa'yo. 'Wag kang mag-alala, lilipas din iyan"

Napabuntong hininga na lamang ako. Oo nga  Blaire, nandito ka para pagbayaran iyong kasalanan ng magaling mong kapatid hays.

"Sana nga Manang, sana nga"

Matapos kong tulungan si Manang sa paghahanda ng makakain ay nagtungo na ako sa garden para magdilig.

"Ang ga-ganda naman dito"

Mahinang usal ko nang bumungad sa akin ang samut-saring mga bulaklak at iba pang mga halaman. Naku, mukhang may tambayan na ako rito sa mansyon ah. Nakakagaan kasi ng loob dito. Maginhawa sa pakiramdam.

"Alam niyo ang gaganda niyo. Ah, alam ko na, kayo na ang bestfriend ko"

Pagak akong tumawa. Kung may makakakita sa aking iba ay malamang pagkakamalan akong baliw dahil sa pagkausap ko sa mga halaman habang nagdidilig.

Eh bakit ba, sabi nga ng iba, mas malalago at gaganda ang tubo kapag kinakausap diba? Tila parang ewang pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Dumapo ang aking paningin sa nag-iisang kakausbong pa lamang na rosas.

"Kakausbong mo pa lang ha? Dapat sumabay ka sa mga katabi mo para hindi ka nag-iisa ngayon"

Nakanguso kong sabi dahil naaalala ko nanaman ang pamilya ko. Mahilig kasi sa rosas ang nanay ko at noon nung hindi pa kami ganoong naghihirap ay halos araw-arawin ng aming ama ang pagbibigay ng rosas sa aming ina.

"Alam mo ba favorite ka ni mama? Kainis ka naman eh naaalala ko tuloy sila"

Anumang minuto ay pwede kong iyakan ang rosas na ito. Natatawa na lamang ako kasi ramdam ko na ang papabagsak kong luha.

"Miss na miss ko na sila. Miss na kaya nila ako? Alam mo minsan naiisip ko mag-isa lang ako. Haha. Parang ikaw, nandiyan sila kasama ka pero ramdam mo pa rin yung pangungulila"

Oo tama iyon. My family never fails to disappoint me. Lagi nilang pinaparamdam sa akin na hindi ako parte ng pamilya nila. Pero ni minsan ay hindi ako nagtanim ng galit kasi iniisip ko na lamang na may dahilan sila kahit 'di na katanggap-tanggap yung pagtrato nila sa akin.

"Alam mo, minsan nagdududa na ako kung mahal ba talaga nila ako"

Natawa ako sa sinabi ko. Tama naman ako diba? Kung mahal nila ako hindi nila ako ibibigay dito kapalit ng kasalanan ng kapatid ko.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now