Prologue

92 0 0
                                    


I never expected to be where I am now. Hindi ko nga inexpect na makakatungtong pa ako ng high school. Andami kasing mga kalokohan at ganap sa buhay ko.

"Ano magtatanda ka na ba?" Sabi sa akin ni Kuya. Inirapan ko siya habang tinatanggal ang high heels ko. Six inches kasi ang tabas nitong heels na ito, kaya napagod ako buong gabi.

"Hindi ko na kailangan ipaalala sa iyo na hindi ka na bata Jasmin. You can't expect to get everything that you want. Lalo na ngayon na dalaga ka na, you'll face a lot of things in this world." Sermon na naman ni Kuya. Hinarap ko naman siya.

"Pagod na ako, Kuya. Bukas mo nalang ituloy iyang sermon mo." Akmang aalis na ako nang hawakan ako ni Kuya sa braso ko.

"Think it through." Sabi niya at iniwan niya na ako doon. Bumuga ako ng malakas na hininga. Nakakainis naman! Hindi pa tapos ang party ni Janelle eh! Padabog na akong umakyat sa kuwarto ko at naligo.

People judge me for a lot of things. Masyado daw akong maaga nagbulakbol. Kahihiyan daw ako sa Torres family at kung ano-ano pa. Grade eight pa lang ako sa lagay ko na ito ah?

Hindi kagaya ng Kuya ko na ang galing-galing niya sa kahit anong gawin niya. Kahit hindi siya sumusubok, nakukuha parin niyang maging mabuting anak. Sana kagaya niya nalang ako. Magaling at Matalino.

Disclaimer: This book contains subtle foul language and themes that aren't suitable for younger audiences. Any scenes, names, or place that have a resemblance to real life, living or the dead, is purely coincidental and is used for fictitious manners only. All words, sentences, and paragraphs from this book was a product of the author's imagination. Reproduction in any types of media is prohibited and plagiarism is a crime. Lastly, enjoy reading this work of mine as much as i enjoyed writing it.

The Nerd's TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon