CHAPTER 3

12 2 0
                                    

Akala ko wala na talagang laman yung bwisit na lata na yon pero mali pala ako. May laman pa pala! Kaya tumapon at nagmantsa tuloy sa damit ko yung coke! Kabobohang taglay nung nagbato pota...

Sa sobrang gigil ko ay marahas akong tumayo dahilan ng pagkatumba ng upuan ko at sinugod ko yung walangya. Pagkadating ko sa pwesto niya ay agad ko siyang kwinelyuhan at inilapit ang mukha niya sa mukha ko bagama't medyo nahihirapan ako dahil ang tangkad niya.

"TANGINA naman! Sa lahat ng pwedeng tamaan, bakit ako pa?!"

"Ang laki ng ulo mo eh, sayo tuloy tumama." nakangising tugon niya. "Salo ka kasi ng salo eh."

"Eto saluhin mo!" sinapak ko.

Maraming napasinghap nung sinakap ko yung mokong. Nanlilisik pa ang mga matang tiningnan nila ako na akala mo eh sila ang nilapagan ng kamao ko. Nilingon naman ako ni mokong at tiningnan ng masama, at dun ko lang napagtanto na nagkita na kami kanina.

Siya yung hinahabol ng mga babaeng poste kanina.

"Taeng yan, ang tigas pala ng mukha mo." sabi ko habang kunwaring nasasaktan at inaalog ang kamao kong pinansuntok kanina.

"Lah!Gago to ah! Ano?! Papatulan na ba kita? Tangina! Ginawa mong punching bag yung mukha ko! Alam mo bang maraming nababaliw dito?"

"Wala. Akong. Pake." pambabara ko sa kanya tsaka kumuha ng upuan at nagpandekwatro sa harap niya. Tinuro ko ang uniform ko at bumaling sa kanya. "Nakikita mo to?"

"Di ako bulag."

"Nakikita mo yung mantsa?"

"Malamang! Nakakabobo yung tanong mo."

"Pwes, bayaran mo."

"H-ha?Ang galing mo naman?! Para namang hindi matatanggal yan kapag nilabhan!"

"Hah!Hindi talaga natatanggal yan tanga!" pero sa totoo lang, matatanggal naman yung mantsa nito sa isang labahan lang. Sabihin nalang natin na gusto kong makatikim ng bagong uniform nang hindi ako gagastos. Hehe. Mukha naman tong mayaman eh. Mukhang maloloko pa.

"Natatanggal yan! Wag ka ngang OA!"

"Mayaman ka diba?"

"Oo naman! SOOOOOBRAA!!"

"Edi hindi ka pa naglalaba?"

"Siyempre hinde! Ayoko ngang magasgasan ang malalambot kong mga kamay---"

"Eh pano mo nalaman na natatanggal to? Engot ka din eh..." sabi ko tsaka nilahad ang kamay ko sa harap niya. "Akin na pera. Bibili ako mamaya din ng uniform ko."

Wala siyang choice kaya kumuha nalang siya ng pera sa wallet niya at binigyan ako ng limang daan. Rich kid talaga eh. Jackpot Hahaha.

Tumayo na ako ata lihim na napangiti nang mapasakamay ko na ang easy-500. Kaya bilang bawi sa kanya, nilahad ko ang kamay ko at nagoffer ng kamay para makatayo siya. "Oh, tayo na."

Inismidan niya lang ako at tumayo sa sarili. Nagpagpag muna siya ng pantalon bago ibinaling ang tingin sa akin. Nakakaloko siyang ngumiti. "Wag na. Baka sa LIIT mong yan, matumba ka pa. Hahaha."

"Siraulo."

Napapahiyang ibinaba ko ang kamay ko at bumalik na sa table namin kanina. Umalis na din naman kasi yung mokong sa cafeteria at hindi na sumabay sa mga kaibigan niya.

Muli kong tinayo ang natumbang upuan ko kanina at naupo na doon. Inaayos ko pa ang uniform dahil bahagya itong nagusot nang makaramdam ako ng mga titig sa akin. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko at naabutan kong nakatitig silang lahat sa akin na may pagkamangha sa mga mata nila.

Opposite (ON-GOING) Where stories live. Discover now