CHAPTER 2

23 4 4
                                    

Tinakbo na namin ni Seb ang daan papuntang classroom dahil anong oras na rin pala at baka mawalan na kami ng magandang upuan at pwesto.

Hindi kasi katulad ng ibang room dito sa school, wala kaming seating arrangment at walang nagmamay-ari ng mga upuan. First come, first serve ganon.

Kaya kung late ka, pasensiyahan nalang dahil sirang upuan ang mapupunta sayo and worst, sa unahan ka uupo kung saan laging nakabantay ang mga kulubot na naming mga teacher.

At dahil malas nga ako ngayon araw, sa first row kami uupo ngayon ni Seb. Kinginang yan.

Ewan ko ba. Pero sa dinami-rami ng mga teacher na nagtuturo dito sa school, eh hindi man lang nabiyayaan ang klase namin ng gwapo, maganda, o kahit yung.. mabait na teacher man lang. Lahat terror! At higit sa lahat, may mga favorite sa room.

Wala namang problema sa akin yon dahil lahat ng teacher ko eh ako ang paborito. Aba, kumpleto ako lagi sa outputs at halos araw-araw kong nape-perfect ang mga quizes. Masunurin din akong estudyante at lagi akong active. Kaya naman wala ni isa sa mga kaklase ko ang nagtangkang komprontahin ako sa bagay na yan dahil alam naman nilang favorite ako ng teacher dahil responsable akong estudyante at hindi basta sipsip lang. Pasintabi.

Pero sa lahaaaat lahat ng teacher na meron kami, may kaisa-isang teacher na ayaw sa akin. Siya rin yung pinakabatang teacher pero hindi naman maganda. 21 years old siya at hindi mabait. Dimunyu siya. Dimunyu.

"Gewd Mohnin!" speaking of the impaktang hindi naman maganda. Haha.

Good Morning daw.

"Guuuud Mooooorniiiing Maaaam Cynthiaaaaaa!" masiglang bati ng mga kaklase ko.

"No! Hindi ganyan! It should be 'Gewd Mohnin' not 'Guud Morniing!!' Repeat!"

'Kaartehan amp. 'Kala mo english teacher eh. MAPEH ka lang ulul.'

"Gewd Mohnin, Maaam Cynthia!"

"Okay, you may now seat." sabi niya para umupo na ang lahat.

"So for today's topic, I'm going to discuss about... SOLID WASTE MANAGEMENT. Any idea about it?" sabi niya at saka umikot sa buong klase. Sinusundan lang namin siya ng tingin dahil halos buong klase ay walang maisagot. Ayaw ko na naman magtaas ng kamay dahil---

" How about you, Ms. Peralta?"

---tatawagin niya din naman ako.

"Any answer?" plastik na ngiting tanong niya sakin. "Ano? Sumagot ka." Tumayo lang ako. "Sumagot ka." nauubusan ng pasensiyang saad niya. Sigi, mainis kalang hehe."SUMAGOT KA!"

"Eto na! Langya talaga 'to."

"Ano? May sinasabi ka?! Hah! Sagot ang hinihingi ko at hindi yang angal mo! Lahat kayo!" Tinuro niya kami isa-isa. "Kapag pinagrerecite ko kayo, puro angaaal ang naririnig ko. Kesyo hindi pa nadi-discuss, mahirap, lahat nalang! Ang dali dali ng tanong! Nakooo! Tigil-tigilan niyo yang mga ganyang ugali niyo dahil kapag ako ang umangal sa pagbibigay ng grade sa inyo,iiyak talaga kayo ng dugo sa harap ko!"

Isa pa tong OA eh. Dapat pala pinabuhol ko sila ng babaeng poste kanina----

" Oh? Sagot na. " nawawalan ng pasensiyang saad niya.

"Uhm...Ehem. S-solid waste management refers to the discipline associated with the control of generation, storage collection, transfee and transport, processing and especially the disposal of solid waste. That's all I know, ma'am."

"Good. Sitdown. Okay, just like Ms. Peralta said, solid waste management refers to the discipline---*eeekk*"

Natigil sa pagsasalita si Cynthia nung tumunog ang halos gigiba ko nang upuan. Tiningnan niya muna ako ng masama bago nagtuloy sa pagdi-discuss.

Opposite (ON-GOING) Where stories live. Discover now