CHAPTER 1

39 4 1
                                    

Hindi ko na napigilan na maging emosyonal habang nakatitig sa family picture namin taken 2 years ago. Naalala ko na kinuha itong larawang ito noong pumunta kaming pamilya sa Memorial Park para i-celebrate ang birthday ko. Kumain kami sa labas, naglaro, at nagpakasaya lang buong araw. Ang liit pa namin dito ng kapatid ko. Kaya nga hindi ko naimagine na sa murang edad eh mararanasan na naming maiwanan ng ama.

Isang araw lang matapos ang birthday ko eh nagimpake si papa para sumama na sa babae niya kasi buntis daw ito. Iyak ng iyak yung babae sa labas ng bahay namin nun at nagmamakaawa na sumama na daw si papa sa kanya at iwanan na kami. Kawawa naman daw ang magiging anak nila kung tatanda itong walang ama. Wow. At dahil ang tatay ko ay maaawain, iniwan niya kami. Napatawa nalang ako ng mapakla. Eh kung simula't sapul hindi siya nagloko, edi sana walang problema!

Kaya simula sa araw na iyon, nagsariling sikap si mama. Tagaluto sa canteen sa umaga at labandera sa hapon haggang gabi. Pinasok na halos lahat ng trabaho para lang magkapera. Mahirap lang naman kasi kami para magpakasarap pa. Pero kahit na ganoon, nakakakain parin naman kami ng tatlong beses sa isang araw at hindi kasing liit ng bahay ng daga ang tinitirahan.

Sa tulong ni mama, ipinagpatuloy ko ang pagaaral ko habang inaalagaan ang bunso kong kapatid. Nageenroll magisa, umaatend ng meeting magisa, at isinisit-in pa nga ang kapatid sa klase kung minsan. Wala namang kasing magbabantay sa kanya kaya ganon ang ginawa ko. Tumigil lang yung ganoong set-up namin noong nagsimula na din siyang magaral. Katulad ko eh natuto din siyang kumilos magisa sa murang edad.

Kaya naman lumaki akong masipag, maprinsipyo, at may paninindigan sa sarili. Hindi ako pumapayag na may umaapi sa akin lalong lalo na sa kapatid at nanay ko dahil ipinamulat sa akin ni mama na hindi siya nagpakahirap na buhayin kami para lang api-apihin ng mga tao.

"Nak? Gising ka na ba? Maghanda ka na papuntang eskwela. Ala sais na oh. Hindi ba't ala siyete ang pasok mo? " rinig kong sabi ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Opo nay. Saglit lang po at bababa na din po ako maya maya." tugon ko.

"Oh sige. Bilisan mo at nang makakain ka na." sabi niya bago ko narinig ang yabag ng paa niya papalayo sa kwarto ko.

Kaya naman agad na akong tumayo at pumunta sa banyo para naman makaligo na. Malamig ang tubig ngayon sa gripo at talaga namang nakakanginig. Dapat pala naglagay ako ng mainit na tubig bago naligo. Tsk.

Habang nagsasabon ng katawan, bumalik na naman sa aking isipan ang sinabi sa amin ni mama noong nakaraang linggo na talaga namang nakapagdala ng init sa aking ulo at naging dahilan ng pagkawala ko sa wisyo.

"Nakabalik na dito sa Cavite ang tatay niyo at kukunin niya kayong dalawa ng kapatid mo sakin. "

Subukan niya lang. Dahil wala siyang mapapala sa amin.

---------------

Pagkatapos maligo at magbihis ng aking uniform, humarap ako sa salamin ng aking cabinet at nagayos ng sarili. Habang nagsusuklay ng buhok, napansin ko na maliit na pala ang uniform ko. Noong Grade 7 ko pa kasi ito binili at wala na talaga akong pambili kaya hindi na nakakapagtaka. Grade 9 na kaya ako ngayon.

"Ate!" sigaw ni Addison. Kapatid ko.

"Bakit na naman?!"

"Sabay na tayo pasok! Nawawala I.D. ko eh. Takpan mo ko kay manong guard hehe."

Hanep. Ginawa pa akong pantakip sa kanya.

"Bahala ka."

"YEEEES! THANK YOU!!" sigaw niya bago bumaba para kumain. Sumunod na din naman ako sa kanya para kumain na at nang makaalis na kami. Masyado na akong nagtatagal at baka malate kaming magkapatid.

Opposite (ON-GOING) Onde histórias criam vida. Descubra agora