ROUND#17

174 33 1
                                    

_JADE NATHALIE_

"Come on, Jinny! Huwag ka ng mag-inarte!" pagpupumilit sa akin ni Nina at halos kaladkarin na akong pumasok sa loob ng Luxsecx. Kahit anong gawin kong pagmamatigas, sa huli ay nagtagumpay siya.

Loud music welcomed my ears as we enter the club. The neon lights were dim and dancing together with the loud beat of the song. People are partying, some are drinking like there's no tomorrow and some are busy flirting with some strangers I bet they just met. Napiling na lang ako ng makalapit na kami sa isang bakanteng table.

"Sabi ko naman kasing hindi ko trip dito eh." Nakabusangot kong saad pero inirapan lang ako ni Nina at tumawag ng waiter para mag-order ng inumin bago ako muling hinarap.

"Ano ka ba! Huwag ka ngang kj! This is a celebration, bruha! Wala ka ng trauma, ibig sabihin makakapanggapang ka na ng papa!" sabi pa niya na lalong ikinalukot ng mukha ko.

"Gaga! Anong gapang ang pinagsasabi mo! Hoy! Gawain mo yun! Hindi akin!" sigaw ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako. Hindi pa nakuntento at hinampas ang braso ko. Pucha! Ang sakit!

"Oo na lang!" natatawa pa ring sabi niya. Marahas na lamang akong napabuntong hininga at sumandal sa couch na inuupuan ko. Pasimple kong nilibot ang tingin ko sa mga taong nagsasayawan sa dancefloor. Hindi alintana ng mga ito kung may masasagid sila o may pumapasimpleng minamanyak sila. Para ngang nag-eenjoy pa sila.

Nagsimula na ring uminom ng ladies drink si Nina, ako naman ay nanatili lang na tumatanaw sa dance floor. I tap my fingers above the table and lightly bang my head along with the beat of Cannibal by Kesha.

"Geez, Jinny. Huwag mong pigilan ang sarili mo. The dance floor is waiting for you, can't you hear its call?" Nina giggled. I rolled my eyes. Sakto namang dumating si Vyna. They both began to drink and talk nonsense and I just sit there, listening to them.

"Come on, Jinny! Don't be a kj! Ngayon lang naman! Have a drink. Kami naman ang kasama mo eh." Pagpupumilit pa rin ni Nina sa akin.

"Kaya nga eh. Kayo ang kasama ko. Mas natatakot ako at baka paggising ko bukas ng umaga, sikat na ako." Sarcastic kong sagot sa kaniya. Mabilis na lumipad ang isang piraso ng mani at sumapol yun sa noo ko. Walanjo! Madilim na nga sa parte namin, natamaan pa niya ako!

Maya-maya ay may lumapit sa aming waiter at ipinatong ang isang glass ng margarita. Tumaas ang kilay ko ng sumulyap ito sa akin. Nanunudyo naman akong tinignan nina Vyna at Nina.

"Pinapabigay po ng lalaki sa table 16." saad nito saka tinuro ang kinaroroonan ng lalaking sinasabi niya. Sabay na sinulyapan naming tatlo ang kinaroroonan ng lalaking sinasabi nito. Mas lalong tumaas ang kilay ko nang makasalubong ang tingin ng lalaki. Ngumiti ito sa akin at tinaas ang basong hawak niya bago sumimsim doon.

"Naks! Mga galawan ng mga hangal!" parang tangang bungisngis ni Nina na sinabayan din ni Vyna. Napailing na lang ako at inusog yun sa gitna ng table.

"Oh? Hindi mo iinumin?" takang tanong ni Vyna. I sighed.

"Rule number one, don't accept any drinks from a stranger. That's dangerous." simple kong sagot sa kaniya na ikinatango niya. Inabutan niya ako ng isang beer ng ladies drink at nginitian.

"This one's not that hard and I know you can still be okay when you drink this." Pag-offer niya. Sa huli ay tinanggap ko yun pero paminsan-minsan lang na iniinom. Kung sila ay nakakalimang bote na at tila nalalasing na, ako naman ay hindi pa nangangalahati sa iniinom ko. I'm just being cautious.

"Seriously, Jinny. Pang-ilan na yan?" Hirit ni Nina habang tinitignan ang mga basong nakahilera sa gitna ng table namin. Napakamot na lang ako ng ulo ko at nagkibit-balilat ng muli na namang bumalik ang waiter sa table namin at dinagdagan ang baso doon. Malakas na nagtawanan ang dalawa samantalang ako ay halos itapon na ang mga basong yun sa pagmumukha ng mga lalaking papansin.

Cupid's Game [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon