"Did you just roll your eyes to me?" sabi nito at naningkit pa ang mga mata. Patay mukhang nakita nya ata ang ginawa ko. Agad naman akong umiling bilang sagot. Kaasar kasi si brain eh grr kagigil.



"Tsk sabi ko na nga ba at gusto mo din. Dito ba natin itutuloy yung naudlot nating dalawa ha?  Argh wala pa naman ako sa mood ngayon pero kung para sa iyo why not? Pero bakit dito? Wala na bang ibang lu---"



hindi ko na sya pinatapos pa sa pagsasalita at pinatahimik na ang isang to. Yup. I smack my lips into her. Panay kasi ang dada eh. Hindi man lang ako pinapasagot huhuhu. Eto na lang ang naisip kong paraan.



Naramdaman kong natahimik ito sa aking ginawa. Success. Ang galing ko talaga mwehehe. Matapos ang ilang sandali ay unti unti na akomg bumitaw.


"Relax. Dito muna tayo mag iistay habang malakas pa ulan. Baka mamaya, tumirik itong sasakyan natin sa baha eh. Don't worry saglit lang naman tayo dito eh"  at ngumiti pa sa kanya kahit kinakabahan ako. Wala akong narinig na violent reaction mula sa kanya.


"Kunin mo na lang yung mahahalaga mong gamit dyan."




Lumabas na ako sa aking kotse at binuksan ang aking payong. Maya maya pa ay lumabas na ang kasama ko. Ang tangi nya lang dala ay ang kanyang wallet at cellphone. Wala akong nakitang payong na dala nya. Mukhang mag sheshare kami ng payong ah. Mygoodness.





I saw that she started to walk away. The freak? Bat sya nagpapaulan? Ang babaeng ito talaga oh. Agad ko naman syang hinabol. Tsk kargo pa ng konsensya ko kapag nagkasakit sya.

"Hey ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.



"Naglalakad malamang." pilosopo nitong sagot. Oo nga tama naman sya. Bobo mo magtanong Margarette.




"Bakit hindi mo ko inantay? Pano na lang kung magkasakit ka nyan ha?"  wag na kayo magtanong kung bakit ko yan nasabi.



Lumapit naman sya sa akin ng sobrang lapit. Oo sobra. Yung tipong kakaunti na lang yung makikita mong space sa pagitan naming dalawa.



'Tanga lang Margarette? Syempre ayaw nya mabasa duh'



Oo nga pala nawala sa isip ko hehehe... Hindi ko naman kasi gawain ang mga gantng bagay. Nung kami pa ni Calix, may sari sarili kaming payong dahil lagi akong may dala.




Pumunta na kami sa lobby ng motel at mukhang maayos at malinis naman ito. Isang babae ang nakita kong nasa lobby. Mukha sya ang naka aassign na staff dito.




"Miss mag iinquire sana kami dito." sabi ko sa kanya. She smiled at me.




Maganda sya at mukhang mabait pa. Mukhang ka age ko lang din si Lace. Base na rin sa nakita kong nametag nya. I gulped ng aksidente kong makita ang cleavage nito. Aksidente lang talaga guys. Putek naman kasi ehhh. Bigla bigla na lang sumisilip hmp.




"Yeah sure maam isang room po ba ang kukunin nyo?" friendly nitong turan kaya napa angat ang tingin nito sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil mukhang nahuli nya akong nakatingin sa kanyang 'you know'.




"No ahm... dalawang room sana ang kukunin namin." I said while smiling. Nakarinig na lang ako ng 'Tsk' sa aking tabi. Wala namang demonyo dito hmm.




"I'm sorry maam but isang room na lang po ang available dahil maraming nag check in." apologetic nitong sabi at dumukwang pa. Mas lalo tuloy dumukwang yung ano.




Mygoodness huhuhu nagkakasala na ata ako nito. Pero infairness ha mas malaki ang sa kanya kaysa kay Desire. Hindi po ako manyak guys. Marunong lang po akong mag appreciate ng mga ganyan.




"Dalawa ba ang bed non?" Gosh. Ang laki talaga. Pano kaya yon?



I winced in pain nang maramdaman kong may humampas sa akin at napakalakas nito. Awww. Grabe naman. Napatingin ako sa may gawa non at sana pala ay hindi ko na ginawa.



Desire was shotting me her death glares. Naka crossed arm na rin ito. Ano bang problema nya?



Itinuon ko na lang muli ang ang aking tingin kay Lace.



"I'm sorry ma'am but isa lang po ang bed non." sabi pa nito and smiled at me. Inayos pa nito ng kaunti ang kanyang damit ngunit mas lalong lumitaw ang kanyang dibdib. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang aking mga pisngi. Gosh.



"We'll take it." sabi ng kasama ko na para bang nagtitimpi. Kinurot ako nito sa may tagiliran na syang nagpabalik sa aking katinuan. What??? Mapanakit pala ang babaeng ito.


Ngumiti ito ng peke kay Lace at inabot ang bayad.


"Okay here's your key ma'am and enjoy." She said and winked at me. Dito na lang kaya ako?



"Demi let's go! punta na tayo sa room natin." madiin na saad ni Desire. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha. Shit. Ano na naman bang nagawa ko?



Madiin itong humawak sa akin. Huhuhu grabe talaga ang higpit. Titingin pa sana ako kay Lace nang magsalita syang muli.



"Isang tingin mo pa don sa babaeng yon, tutusukin ko talaga yang mata mo!" ang sabi nito. I gulped. Fuck. Nakakatakot sya.






-------------


Happy 530 reads guys! Thank you po sa mga nagbabasa, nagvovote,nagkocomment at naglalagay nito sa kanilang reading list. Ano gusto nyo reward HAHAHHAHAHAHA CHOS


Enjoy reading and keep safe everyoneee~

University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now