Nakangiti kong pinapanuod sila Cain at Pony na masayang nagtatakbuhan paikot sa Artistic fountain. Mukhang nagustuhan ng mga bata ang paborito kong tanawin dito. Kinawayan ko si Ate Naya at Mommy Liezel na nagbabantay sa dalawa. Kanina pa sila habol ng habol sa makukulit na bulilit para punasan ang mga pawis nila.

"Hey,"

Napatingin ako sa gilid ko nang lumapit sa Jethro. Hinila niya ang isang upuan doon at umupo paharap sa 'kin. He smiled widely.

Napangiti ako. "Kamusta ka na? May nabuo ka na bang plano?" Tanng ko.

Bumuntong hininga siya. "I'm fine, Victoria. And yes, buo na ang plano at desisyon ko." Tumango ako. He looks happy. "I want to heal and forget everything, Victoria. Gusto kong matutunan na kalimutan lahat ng mapapait na alaala at itira na lamang 'yong masasaya. I want to scape for awhile and come back when I can face everything with a genuine smile." Namumula ang mga mata niyang pinagmasdan ako. "Ngayong nasa maayos ka nang kalagayan. Pwede na siguro akong umalis muna? You'll be fine, right?" Nangilid ang mga luha ko.

Hanggang ngayon ba naman iniisip mo pa rin ako? "Don't worry, Jethro. I'll be fine. Mas marami na ang nag-aalaga sa 'kin ngayon." May tumulong luha sa gilid ng mga mata ko. "You can go now and find your lose soul." I smiled to assure him na okay lang ako.

Hindi na niya kailangang mag-alala sa akin. Mas mabuti na rin sigurong napalitan na ulit ang puso ko, mas patuloy lang kasi siyang makukulong sa alaala nila ni bea kung nasa tabi ko siya at inaalagaan ang puso ko. He needs to move on. Masaya na ako, gusto ko siya din.

"Thank you, victoria." Pinunasan niya ang ilang luhang pumatak sa mga mata ko. Its a Tears of Joy for him, dahil sa wakas susundin na niya ang talagang gusto niya. "Please, take care of your new heart. You deserve this." Bulong niya pagkatapos akong halikan sa noo.

Tumango ako at niyakap siya. "Thank you for being a good friend, Jethro. Please, come back immediately. And be safe." Bulong ko sa kaniya. Ramdam ko naman ang pagtango niya.

"I have to go, now. Sikreto ang pag-alis ko kaya wala dapat makapansin." Bumitaw na ako sa kaniya. "Don't worry, nagpaalam na ako sa kanila. Nag-aalala sila pero nire-respeto nila ang desisyon ko, tulad mo." Tuwid siyang tumayo sa harap ko. "I'll be back alive and safe. Don't worry too much about me. Okay?" Aniya. Tumango lamang ako at pinanood siyang unti unting naglalakad palayo. "Bye for now, victoria."

I'm happy for you, Jethro. Sana mahanap mo ulit ang kaligayahang ninakaw sa'yo ng kapalaran. Sana maging maayos lang ang lahat sa'yo. Please be safe.

Hihintayin ka naming lahat dito. Sana dalhin ka nang paghahanap mo sa babaeng itinadhana sa'yo. I will pray and hope for you always.

"I saw Jethro leaving. Where is he going?" Tanong ni Skyrile. Nangiti ako. Umalis siya saglit kanina dahil may susunduin daw siya at gusto akong makita.

I wonder who? Is it samantha?

"He'll find treasure in a far away place.." Sagot ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Baby, don't speak alien language please.." Naguguluhang sabi niya.

Natawa lamang ako. Lumingon ako sa likod niya nang may maalala. "Saan na iyong sinundo mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh, they greet your family first." Sagot niya atsaka hinawakan ang wheelchair ko. Sinumulan niya nang itulak 'yon.

"They?" Takang tanong ko habang nakatingala sa kaniya.

Ngumiti siya. Tumigil na siya sa pagtulak at nginuso sa harap. "Yes, baby. They.." Nagbaba naman ako ng tingin at tiningnan ang mga tinutukoy niya.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now