Tahimik lang kaming tatlo habang binabaybay ang daan pauwi. May kanya-kanyang iniisip. Habang nasa labas kami ay mas lalong tumataas ang lebel ng takot na nararamdaman ko.

Dahil sa nangyari kanina, sa halip na mag celebrate kami sa may samgyupsal ay hindi naman nagawa dala na rin ng takot na namutawi sa puso namin. Nagmakaawa si Lovely na umuwi na lang kami.

Napabuntong hininga ako ng dumaan kami  sa isang korean restaurant. Sobrang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pang makapagturo at makapagbukod ng sariling pamilya.  Hindi ko pa kayang mawala sa mundong ito. Bakit ba kasi kailangan ko pang maging abnormal? Hindi pa ba tama 'yong may saltik na ako sa utak?

Inihatid kami ni Gillian sa harap ng bahay. Hindi na ito pumasok dahil susunduin pa raw nito ang mga magulang nila Lovely.

"I'll be back tomorrow with mom and dad, Lorenz. You should rest well. Austine, stop frowning at baka hindi ako makapag pigil. Everything will fine." Aniya at ginulo ang buhok ko. Ganun rin ang ginawa niya kay Lovely.

A-ano daw? Anong hindi makapag pigil? Hindi makapag pigil na suntukin ako?

"Bye, Gillian. Mag-ingat ka sa daan." Paalam ko dito bago isinara ang gate namin. Nauna na kasing pumasok si Lovely dahil nahihilo daw ito.

Muli kong binuksan ang gate namin at lumabas ng makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Ito 'yong babaeng nakausap ko sa maternity store kanina.Nagawa pa nitong kumaway at ngumite sa akin habang nakasandal sa poste kaharap ng bahay.

"Pumasok ka." Napalingon ako sa estrangherong nagsalita sa harapan ko. "Bilisan mo."

Nakita ko pang sumimangot ang babae mula sa peripheral vision ko.  Dahil sa takot at nerbyos, sinunod ko ang sinabi ng lalaki. Mabilis akong pumasok sa loob at nilock ang gate. Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at pati ang pinto ay inilock.

S-sino 'yon? Bakit parang kilala ako ng lalaking 'yon?

"Austine! Anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo." Ang nag-aalalang tanong ni Chammy ng makita niya akong napadaosdos sa may pintuan.

"M-mas nakakatakot pa sa multo ang nakita ko Chammy." Ang naiiyak kong sumbong sa kanya.

"A-ano?"

"Ikaw. Kinikilabutan ako sa mukha mo." Panga-alaska ko dito.

Pinili ko nalang na 'wag sabihin kina Chammy ang nakita ko sa labas. Ayokong mag-alala sila. Alam kong problemado pa rin sila kay Chingchong Li. Ayoko munang dumagdag sa problema nila. B-baka nagkamali lang ang babaeng 'yon.

"Alam mo, ikaw, ang sarap mong ilunod sa lababo. Ganda ka? Ganda ka?" Pagmamaldita niya at lumayas sa harapan ko. Ako nama'y napairap na lang sa hangin at tumayo para pumunta sa kwarto ko.

I have decided to follow the path of a strong independent woman. Oras na siguro para tawagin ko si Ding at kainin ang bato. Tatanggapin ko na ang pagiging Darna. Tinanggihan ko kasi ito dahil naaawa ako kina Liza at Jane De Leon. Ayokong manganib ang career nila.

Isinara ko ang mga bintana sa aking kwarto at nag browse ng mga self defense tutorial sa youtube. Nagdownload rin ako ng mga movies ni Jackie Chan at Bruce Lee na mga legends. May ilang action movies rin akong sinubukang tingnan pero nada-direct talaga ako sa pornhub gay at xnxx gay. Nakakabwiset talaga ang mga pop up ads kahit kailan. Masyadong bastos.

Dapat matuto akong protektahan ang sarili ko laban sa mga mapansamantalang nilalang. Hindi tayo dapat pa virgin mga bes. Hindi na tayo virgin, let's face the reality. Char! Matulog nalang pala tayo. Hindi ko kayang harapin ang katotohanan sa buhay ko ngayon. Masyadong chaka!

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Where stories live. Discover now