Matapos ang sembreak ay balik na ulit ang lahat sa normal. "Herrer, Piero Arthur" tawag sa akin ng aming professor dahil sa pag aattendance nito.

"Present ma'm" tamad na sagot ko sa kanya.

Wala ng mas boboring pa sa first day ng klase. Hindi na dapat ito pinapasukan, nasasayang lang ang pasok ko.

"Piero..." habol na tawag ni Gigi sa akim pagkatapos ng aming unang klase.

Huminto kami ni kyle para harapin siya. "May kailangan ka?" Tamad na tanong ko sa kanya.

Nakayuko lamang ito habang pinaglalaruan ang kanyang mga kamay. "Natatakot ako, kailangan ko ng tulong mo" parang maiiyak na sabi niya sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Natatakot saan?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nagulat na lamang ako ng makitang umiiyak na siya ng tiningala niya ako. "Piero...feeling ko buntis ako" mangiyak ngiyak na sabi niya sa akin.

Sandali akong nabigla bago ako napatawa. "Nagpapatawa ka ba?" Mapanuyang tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang agaran nitong pagkataranta. "Hindi, hindi ako nagbibiro" laban niya sa akin kaya naman napairap ako.


"So kung talaga ngang buntis ka, anong namang pakialam ko?" Tamad na tanong ko sa kanya. Gusto pa ata nitong gawin akong ninong ng magiging anak niya. Amputa, napakabata ko pa para maging ninong.

Muli niya akong tiningala. Puno na nang luha ang kanyang mga mata. "Ikaw ang ama" sagot niya sa akin kaya naman sandali akong nabato bago ko siya hinawakan sa braso.

Napadaing ito sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. "Piero...nasasaktan ako" daing niya sa akin at pilit na kumakawala sa aking pagkakahawak sa kanya.

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "Talagang masasaktan. Sa lahat ng pwede mong gaguhin ako pa talaga ang napili mo. Wag ako Gigi, alam ko kung anong klaseng babae ka. Isanh beses lang kitang na ikama at wala akong balak na buntisin ka" pagbabanta ko sa kanya at tsaka siya padabog na binitawan.

Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Kaagad akong umalis duon habang nakasunod sa akin si kyle. Napakaingay ng bunganga nito, problemadong problemado amputa akala mo sa kanya pinapaako yung bata.

"Pero wag kang magalala pre, hindi pa naman daw siya sigurado" sabi nito sa akin na tila ba pinapagaan ang loob ko.

Tamad ko siyang nilingon. "Sino ba ang nagsabi sayong nagaalala ako?" Tanong ko sa kanya kaya naman nagulat siya.

"Sa wari hindi ka kinakabahan na ipaako ni Gigi sayo yung bata?" Naaamaze na tanong niya sa akin.

Gusto kong sapakin ng isang malakas si Kyle. Antanga amputa hindi ko alam kung paano ko to naging kaibigan. Nakakabwiset.

"She can't play games with me, ni hindi nga ako nagenjoy that fucking night" inis pang sagot ko kay kyle kaya naman pati siya ay tinalikuran at iniwanan ko na din.

Dahil sa halos tatlong oras na vacant namin bago ang next subject ay napagpasyahan kong magtungo na lamang sa mall at duon gumawa ng mga subject requirements namin. Hindi naman na ako hinanap pa ni kyle dahil siguradong naharang na iyon ng girlfriend niyang masyadong patay na patay sa kanya.

Pumasok ako sa isang coffee shop sa loob ng mall. Sandali akong umorder ng coffee at sandwich bago ako nagsimula sa aking ginagawa. Mas ayos na din sa mga coffee shop dahil may mga outlet at pwedeng magcharge ng laptop. Hindi pa ako nakakaisang oras duon ng kaagad akong makarinig ng pamilyar ng boses.

The Heartless Master (Savage Beast #2)Where stories live. Discover now