"Hindi ko sinasabing bayaran mo ang order ko."

"Uuhm, you two. Pwede bang huwag kayong mag-away sa harap ng cashier dahil kung napapansin niyo ay may mga nakapila sa likod ninyong dalawa." A woman's impatient voice interrupted their little argument. Hinayaan nalang niya si Xenon na magbayad upang hindi humaba ang kanilang diskusyon. Naupo sila sa pinakasulok ng coffee shop, sa hilera ng mga mesang natatakpan ng mga bulaklak.

"Xelena--."

"Ako muna Xenon." Putol niya dito. "Alam kong napapansin mo na medyo hindi ako comfortable kapag nakakaharap at nakakausap ka." Humugot siya ng malalim na hininga lalo pa at tila naninikip na naman ang kanyang dibdib habang nakatitig dito. Kung sana ay katulad nalnag ito ng ibang mga lalaki na insensitive at sadyang nananakit ng mga babae ay kay dali nalang siguro sa kanya na sampalin ito upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob but he is not like that, he's really a good man. At kung sinuman ang maswerteng babae na makakabingwit sa puso nito, that bitch is really lucky.

"Sa tingin ko ay alam mo na rin ang dahilan kung bakit ko ginagawa iyon." Nakatitig lang ito sa kanya at literal na hinihintay ang kung anuman ang sasabihin niya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi maganda ang naging history natin and looking back I knew I did the worst possible things to irritate the hell out of you." Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "I am sorry." There... finally, she said it. "Alam kong hindi madali sa iyo na patawarin ako sa lahat ng mga naggawa ko ng dahil sa akin ay naghiwalay kayo ng girlfriend mo at marami pa akong katangahan na ginawa. I'm really sorry sana ay mapatawad mo ako. Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko at kapag nakakaharap kay naaalala ko ang lahat ng iyon. I'm sorry." Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ni Xenon para lang mapatawad siya nito at para gumaan ang kanyang kalooban. Pero sa tingin niya ay tama ang kanyang ginawa dahil kahit papaano ay gumaan-gaan ang kanyang pakiramdam.

"Xelena, you don't have to do that." Mahinang sabi nito.

"I know you will say that, stop being so kind to people especially to those who hurt you Xenon. You know it's one of your good sides but that also makes other people misunderstand you, katulad ng nangyari sa akin dati. I was young and impulsive kaya naggawa ko ang lahat ng mga iyon." Pag-amin niya sa kanyang naging pagkakamali.

"You wanted to talk to me to apologize?" tumango siya. "You want my forgiveness?" tumango uli siya. "To clean your conscience?" muli siyang tumango. Bigla itong hindi nagsalita at nang tingnan niya ang kausap ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makitang nag-iba ang awra nito. "I think you were wrong when you said I'm kind to people especially those who hurt or irritate the hell out me. I'm not that kind Xelena." Nagdugtong ang kanyang kilay at nag-isang linya ang kanyang mga labi.

Noong sabihin niyang biglang nag-iba ito ng mga sandaling iyon ay nawala ang gentle aura ng lalaking kaharap, right now he looks so cunning with that sexy smirk of his. Nasanay siyang nakikitang malumanay ang bawat galaw ni Xenon kaya parang mas lalong nag-iba ang takbo ng kanyang utak habang nakatitig dito.

He is staring at her differently too, para bang sine-seduce siya nito sa mga titig nito at mas lalo siyang nagulantang nang hawakan ng kaharap ang kanyang palad at dinala ang likod sa mga labi nito. Kulang ang salitang gulat at pagtataka sa ginawa nito, nanikip ang kanyang lalamunan at tila may nabuhay na kung anu-anong insekto na biglang nabuhay sa loob ng kanyang sikmura.

"If you really think that I will forgive you easily, think again." She tried pulling her hand away from him but he just tightened the grasp. "There's always a payback time, Xelena."

"A-anong ibig mong sabihin?" Darn it! Bakit ba iba ang epekto nito sa kanya?

He gives her an innocent smile but she knew better, it was as innocent as she thinks. "If you want my forgiveness you need to work hard for it." Sinubukan uli niyang hilahin ang kanyang palad pero ayaw pa rin itong ibigay iyon sa kanya.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Where stories live. Discover now