Audin was teary.


"W-Wala akong nagawa.."
Mangiyak-ngiyak na sabi ni Audin habang pilit niya paring pinapagaling sina Reed at sinabing ito lang ang magagawa niya.


"N-Natakot na naman ako. W-Wala akong nagawa."
Dahan-dahan nang lumapit si Zia sa kanya at lumuhod para pantayan siya. She gently wiped Audin's tears with her ice-cold hand that made Audin flinch for a bit.

Napangiti nalang si Zia at tsaka na ginulo ang buhok ni Audin.


"Why are you all so emotional today, huh?"
Nakangiting tanong ni Zia at pinisil nalang ang pisngi ni Audin.


✥✥

"So, you chose Wesy, as your demon?" Ito na ang pangatlong tanong ni Walter kay Zia habang nagkakape silang lahat, maliban sa Midnight Angels na tulog parin dahil sa pagod. Si Zia lang ang gising sa kanila habang nagbabantay naman si Audin sa team niya.

Tumango muli si Zia bilang sagot.


"A bad decision indeed."
Agad na sabi ni Jayden kaya pinalo naman agad siya ni Joshua.


"Okay lang 'yan, hindi naman siguro manyak si Wesy kagaya ni Luce."
Pasimpleng sabi ni Dino na sandaling ibinaba ang librong binabasa niya. Napatingin naman silang lahat kay Xin na mahinang natawa. "Hey, he's like that but he helped us a lot." Mahinahong sabi ni Xin.

Agad namang inakbayan ni Jayden si Jun na nananahimik lang dun sa gilid.


"Payag ka dun? Pinagtatanggol ni Xinny si Luce oh."
Nakangising sabi ni Jayden kaya tiningnan naman kaagad siya ni Jun at tinaasan ng kilay.


"She's already my wife."
Jun emphasized kaya napairap nalang si Jayden at tinulak si Jun palayo.


"Married couples are boring."
Aniya at umupo na ulit, katabi si Seth na parang binagsakan ng sandamakmak na problema dahil sa mukha palang nito. Milo and the others just breathed out.


"Bakit po? Anong problema?"
Tanong ni Zia sa mga Tito niya na halatang gustong kulitin si Seth pero parang may pumipigil sa kanila. Ngumisi naman kaagad si Baxter at naglakad papunta sa likuran ni Zia at may binulong rito.


"Addie is carrying twins."
Agad na nanlaki ang mga mata ni Zia dahil rito.


"P-Po?! Really?!"
Gulat niyang tanong at tumango-tango naman ang Team Alpha at tsaka hinawakan nina Milo ang balikat ni Seth na kanina pa tahimik. Kaya pala hindi ito tumutol sa sinabi ni Zia tungkol kay Wesy dahil hindi ito nakikinig.

He was too far into his own thoughts.


"Hmm, twins. Xinny, are we twins?"
Tanong ni Hoshi na iniinom na ang kape ni Seth dahil parang nakalimutan na niya ito dahil sa mga iniisip niya. Napangiti nalang si Xin at lumingo-lingo kaya tumango nalang si Hoshi at nakinig ulit.


"And because the baby—I mean, babies aren't fully human, we can't identify their genders yet. Kung lalake pareho, he'll be living in hell because boys are wild."
Natatawang sabi ni Walter, having experienced raising Wilder, the wildest kid there is.


"At kung pareho namang babae, oh alam niyo na, parang may mababaliw na talaga ng tuluyan."
Natatawang sabi ni Joshua kay Seth na sinapo lang ang mukha niya. "What if it's a girl and a boy?" Tanong ni Duke sa kanila at parang tumigil ang paghinga ni Seth.


"Double-trouble. A wild baby boy and another baby girl. Tingnan lang natin kung hindi mabaliw 'tong Seth na 'to."
Natatawang sabi ni Wolfie kaya napatingin nalang si Seth sa kanila.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now