1 - STETHOSCOPE

25.5K 519 13
                                    

DISCLAIMER: I am no medical practitioner , I am not knowledgeable enough of the doctor's main job and practices

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DISCLAIMER: I am no medical practitioner , I am not knowledgeable enough of the doctor's main job and practices. Ang alam ko lang ay ang mga nakikita, nababasa at naririnig ko. Kung may mali man na impormasyon sa mga nasusulat ko please do pm and correct me. Thank you very much for your understanding!

1 - STETHOSCOPE

NAPATINGIN si Xelena sa suot na wrist watch, pasado alas onse nag gabi at ilang minuo nalang ay maghahating gabi na. Kanina pa siya sa labas ng gate ng subdivision kung saan nakatira ang kanyang kapatid at ang kanyang mga magulang. Sa likod ng dalang sasakyan ay ang iilang mga gamit na ililipat niya sa bahay. Ang kanyang kakambal na si Xylee ay malapit ng ikasal sa fiancé nitong si Darren na kapitbahay lang din nito. At kapag nakasal na ito ay siya na sasama sa kanyang mga magulang sa bahay, hindi siya pwedeng bumukod dahil may isa na naman sa mga ito ang sasama sa kanya.

Umupo siya ng maayos dahil sumasakit na ang kanyang mga balikat sa naging posisyon, kanina pa siya dapat pumasok pero may nakita siyang naging dahilan kung bakit nandoon pa rin siya sa labas at nagdadalawang isip na tumuloy at bumalik nalang sa dating bahay nila ng kanyang Tatay. Kanina pa rin niya hindi pinapansin ang mga missed calls ng kanyang kapatid at mga magulang.

"You are different now Xelena, he won't even remember you if you meet again." Naging mantra na rin niya ang sentence na iyon dahil paulit-ulit na niya iyong sinasabi. "He won't remember you."

Nakakatawang sa edad niyang dalawampu't siyam ay parang teenager pa rin siya hanggang ngayon. Who can't blame her? Ang nakita niyang pumasok sa subdivision ay ang unang lalaking tinibok at bumasag sa kanyang puso. Kapag naaalala niya ito ay bigla niyang ikinakahiya ang kanyang sarili dahil sa mga katangahang ginawa niya dati.

"Bata ka pa noon at wala ka pang muwang sa mundo." Alo niya sa kanyang sarili. Sa totoo lang ay wala naming ginawang masama sa kanya ang lalaking iyon, he even rejected her gently and carefully. Sa lahat ng mga panghahasik na ginawa niya dati para mapansin lang nito ay ni minsan ay hindi ito nagalit sa kanya, kaya nga kahit anong utos niya sa sarili dati ay hindi niya magawang makalimutan ito. He's just too good for her though and now she doesn't have the courage to face that man again, not after what she did.

"My God, Xelena. Move on na." inis na pakli niya. Malakas siyang napabuntong-hininga at inis na napatili sa loob ng kanyang sasakyan. Sinampal din niya ang kanyang sarili ng malakas at nang matauhan naman siya. "Matagal na iyon and for sure nakalimutan na niya iyon kaya don't worry masyadong malaki ang SeasonsVille para magkita kayo." Natigilan siya sa kanyang huling sinabi.

Yeah right! Nakalimutan niyang may apat na phase pala ang subdivision ng kanyang kapatid at nasa SummerVille sila. Sa pagkakaalam niya ay occupied na ang lahat ng unit doon, as long as hindi siya maglalabas ng may araw ay safe siya.

"I'm so smart." Sa wakas ay napagdesisyunan na rin niyang tapusin ang kanyang pakikipag-giyera sa oras at nagpasyang pumasok na. She maneuvered her car and drive to her sister's place. Naisip din niyang palagi siyang night shift at tirik na ang araw kung lumabas sa hospital na pinapasukan. Tulog siya sa umaga at palaging nagmamadali sa gabi, with her parents around there's no need for her to meet and greet her neighbourhood.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon