1 - STETHOSCOPE

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagdududang tinitigan siya ng kapatid pero napabuntong-hininga rin sa huli. "Sayang at wala na iyong album na may picture niya. He was your first love and first heart break too. Kapitbahay lang kasi natin siya nasa WinterVille siya nakatira at kasama ang anak niya."

Anak? Hindi siya nagkamali sa kanyang nakita kanina, hindi lang ito ay sakay ng kotse dahil may nasilip din siyang bata.

"Ganoon ba? Too bad, I can't remember him but he's married then we should be happy for them."

"He's not married."

She huffed and stood up, nagstretch siya upang alisin ang tensyon sa kanyang katawan. "Not all can be lucky in love, unlike you."

Ngumisi ito. "Maswerte talaga ako kay Darren." Napangiti siya sa nakitang ekspresyon sa mukha ng kapatid. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, her sister is happy and that is more important. Xenon Larriaga, her first love... everything does have an end, she needs to end that part of her life too.

"GOOD morning, Doc Xelena." Napangiti siya sa bumating nurse sa kanya habang hinihilot ang kanyang mga balikat. Ilang oras din siya sa operating room, she's specializing in Obstetrics and Gynecology. Iyon ang unang choice niya alam kasi niyang mas marami siyang pasyente, more patient means more money. Maraming nabubuntis at nanganganak lalo na sa Pilipinas. Halos araw-araw ay may mga pinapaanak siya o kaya naman ay may mga babaeng nagkakaroon ng komplikasyon at kailangang maoperahan. "Mukhang pagod na pagod ka."

"Yes, I am." Sagot niya sa head nurse na naka-pwesto sa nurse station at tulad niya ay nasa nightshift din. Kinuha niya ang chart kung saan nakalagay ang mga information ng kanyang mga pasyente. "Masakit din ang mga balikat ko."

"Kailangan mo ring magpahinga, Doc."

"Kapag nakauwi na ako ay iyon ang gagawin ko." Kulang pa rin ang tulog na ginawa niya ilang oras na ang nakakaraan. Nagkaroon kasi ng emergency sa hospital kaya pumasok pa rin siya at sa kasamaang palad ay may kailangan pa siyang i-cover na kasamahan niyang doktor dahil may family problem din ito. Sa katunayan ay sa loob ng dalawampu't apat na oras ay tatlong oras pa lang yata siyang natutulog.

"Malapit ng mag-end ang shift ninyo, Doc. At nakabalik na rin si Doc Rica kaya ready to go na po kayo." She raised her thumb up. She needs to reserve her energy for driving.

"Good morning everyone!" biglang nag-init ang kanyang ulo nang marinig ang nakakainis na pagbating iyon. "Good morning my Doc Xelena and Nurse Jacky." Naiinis siyang marinig na sobrang saya nito sa pagpasok habang sila ay kaunti nalang at malow-low battery na.

"Good morning Doc Seb." Bati ni Jacky sa morning shift na doctor.

"What's with the stressful aura? Let's be lively-."

"Doc Seb masyado kang maingay hindi ko alam kung paano nakakatagal si Farrah sa ingay mo." Tukoy niya sa asawa nitong nurse din ng hospital. Kasalukuyan itong naka-maternity leave at siya ang nagpaanak sa asawa ng maingay na doktor.

"Ikaw talaga Xelena masyadong mainit iyang ulo mo, gusto mo ng kape?"

Umingos siya. "No, thanks. Gusto kong matulog." Kapag uminom pa siya ng kape ay hindi niya alam kung hanggang kalian siya dilat. IYong buhay ang katawan pero patay ang kaluluwa moments.

Narinig niya ang pagtawa nito, parang nakakain ng baterya si Sebastian at nasusustain nito ang energy nito hanggang sa mag-end ang shift nito. She can't do that, maybe she's really aging so fast.

Black Magic : HEAL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon