KABANATA XVI: Tahanan

Start from the beginning
                                    

Naiiling pawang napapayuko na lamang nang pinagmasdan muli ang litratong hinahawakan ngayon.

Litrato naming dalawa, litrato namin ni Aya nang nakapagtapos ng sekondarya.

Sa pag-alala ng dati, mas umigting pa ang pagbalik ng mga alaala na noong tayo pa'y nagsasama. Napapikit na lamang at pilit na ika'y inaalala.

Natatandaan ko pa noon sa pagtungtong natin ng kolehiyo nasa parehong institusyon kinuha'y IT na kurso habang ikaw nama'y Education.

Tila bang mas tumagal pa ang ating pagsasama't natatanaw na ang walang hanggang pagmamahalan.

Naggagawi'y pumunta sa isang bundok kung kaya't parehong naggustuhan ang kagandahan ng paglubog ng araw.

"Happy Anniversary, Love!" sambit niya pa noon na tanging saya lamang ang natatamasa habang pinagmamasdan ang kagandahan ng araw.

Tanging ito lang ang nagpapagaan ng aking nararamdaman.

Nagpatinta pa ng napakagandang takipsilim sa pupulsuhan. Maging ito'y nagugustuhan din na nagpapangiti sa mga labi.

"Andito na tayo!" bigkas ko nang nakatayong pareho sa harap ng isang tattoo shop.

"Ano bang ginagagawa natin dito?" tanong niya.

"Basta, let's go inside," sabi ko.

Hinila na lamang ang kanyang mga kamay upang pumasok sa loob ng isang tattoo shop.

Tila bang napakadilim, ilaw lamang na kulay neon ang nakapalibot sa amin noon.

"Good Evening sir, ma'am, ano po ang ipapa-tattoo niyo?" tanong ng isang empleyado.

"What?! We will be having a tattoo? Ayoko, mukhang masakit eh."

Pagpigil niya habang ako'y hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Don't worry Love, it's worth it," bigkas ko't tiningnan ang kanyang mga mata.

"Kuya, matching sunset tattoos," wika ko.

"Love, don't be scared, I'm just here. Hold my hand, I won't leave you..."

Pangungusap ko kung kaya't sabay na kaming dalawa. Siya'y nasa kanan at ako sa kaliwa na tila bang ako'y nagpatinta sa kaliwang pupulsuhan at siya nama'y sa kanan.

Iyon ata ang takot na naramdaman niya na nagbigay ng ngiti sa aking labi.

Siya'y hindi makakalimutan, siya'y laging nararamdaman. Sa kanya'y nangungulila, naghahangad na siya'y makasama na.

Narito sa bubundok na dati'y siya ang kasama. Natutulala habang hindi pa rin maalis ang litrato sa aking mga kamay. Litratong bumubuhay sa aming mga naging alaala.

Bumubungad na papalubog na araw, nakaupo pa rin sa upuan habang ako'y nakatingin pa rin sa hawak-hawak kong litrato.

Napabuntong-hininga, isinilid sa pitaka ang litrato na inabot ni Jim noong nanggaling sa club. Litratong akala niya'y binalewala ko na kung kaya't hindi ko na naggawang kalimutan nang ito'y matagal na nakasilid sa pitaka.

Ito na lama'y binulsa at suminghot ng hangin na pawang napakapresko pa.
Napatayo, pinagpag ang damit habang aakma ng bababa rito sa maliit na bundok o bubundok. Napag-isipang umuwi na lamang nang natapos na rin ng maaga ang taping kanina.

Ilang saglit pa ang nakalilipas, narito na sa sasakyan sabay pagpasok at isinara. Pinaandar ang makina ganoon din ang aircon.

Mahabang daan pabalik sa bahay, tingi'y diretso lamang sa kalsada habang minamasdan ang ganda ng langit na ngayo'y kulay kahel na. Hindi maiwasang gumaan ang pakiramdam habang ito'y natatanaw.

Narating ang paroroonan, agad na bumaba upang buksan ang gate nang makapasok na. Ipinarada ang sasakyan at isinara muli ang gate.

Ngayo'y gabi na kung kaya't pumasok na sa loob ng sasakyan dala-dala ang bag at ito'y inilagay sa gilid ng kabinet.

Ako na lamang ay napaupo sa sofa, itinanggal ang sapatos at maging ang medyas. Napasandal, na para bang ang tanaw ngayon ay nasa pupulsuhan ko na.

Napakagandang takipsilim na tattoo subalit dala nama'y lungkot sa mga mata. Naalala na naman, mga bagay na umaaligid sa aking isip at nararamdaman.

"My God, I can't believe it. I have my own tattoo like yours," ani Aya.

Tila bang nagkukumpara nang tintang nasa pupulsuhan subalit ito nama'y parehas lamang.

Lumabas na ng tattoo shop, binabagtas ang kahabaan ng sidewalk kung kaya't napag-isip-isipang maglakad patungong hintayan ng jeep.

Siya'y hindi mapigilang mamahanga habang sa'kin nama'y tinitingnan niya.

"Ano bang ibig sabihin nito Love at naisipan mong magpa-tattoo ng sunset?" tanong niya na nagpatigil sa aming paglalakad.

"Love, naging tahanan na rin natin ang sunset diba? Kapag anniversary, simpleng katuwaan maging mga pagtatampo. Sunset witnessed our laughters, smiles, and even... our cries. Kaya, let's make sunset part of our lives."

Paliwanag ko sa kanya't napapangiti na lamang ito habang hinihimas-himas ang buhok nito. Ito na lama'y niyakap sabay tuntong ng ulo niya sa aking dibdib.

"Patay talaga tayo nito kanila papa," sambit niya.

Kinalas niya ang yakap ko sabay pagngiti't pagtawa. Tila bang hinayaan na lamang habang magpapakasasa sa isang ipinagbawal na gawa.

"Alam nating bawal pero..." sabi ko.

"Ginawa pa rin!" sigaw naming pareho't tumawa na lamang.

"Maganda naman 'yung mga tattoo ah. Gusto ko nga magpadagdag, dito sa braso, dito sa paa..."

"Saan, saan?" tanong niya. "Dito... dito... dito..." dagdag niya sabay pagkilito niya sa akin.

Hindi huminto sa pangingiliti na naging dahilan ng mga sigaw at tawa ko habang siya nama'y napatawa lalo.

"Ano ba, Love. Tama na. Ako makakiliti sa'yo, humanda ka sa akin," pagbanat ko.

Ito nama'y kumawala sabay pagganti ko sa kanya. Pawang mga batang naglalaro sa lansangan na kasiyahan lamang ang nararanasan. Hindi na pinansin ang tinginan ng mga taong nakakasalubong namin at tanging tinuloy pa rin ang pangingiliti.

"Oh ayan may jeep na..." bigkas nito't nagmadaling tumungo sa likuran ng jeep.

Napapangisi na lamang habang binabalikan ang alaalang bumubuhay sa aking nararamdaman subalit biglang nag-iba nang natantong makakasama ko pa kaya siya.

Ipinikit ang mga mata, isinandal ang sarili sa sofa, napabuntong-hininga na lamang at iminulat muli ang mga mata.

Ngayo'y tanaw ang kahong nasa ilalim ng mesa at ito'y agad na kinuha. Kumuha ng bolpen at maging kapiraso ng papel kung kaya't napag-isipang gumawa na lamang ng tula.

"... Mga ngiti mo'y hinahanap ng mga mata,
Naulilang labi'ng halik mo ang inaalala.
Ako'y pakinggan, lumingon ka sa aking harapan,
Sabihing 'mahal ko, ikaw ay aking tahanan'..."

Binasang muli at ako na lamang ay ngumisi. Inilukot ang tulang tinagpi at isinilid sa kahong laman ay alaala naming dalawa.

Tumatahol, lakas ng kabog ng puso ang nararamdaman. Napakumot na lamang sa buhok at nag-iisip kung anong maaring gawin, sasabihin.

"Czea, sabihin mong ikaw si Aya," bulong ko sa sarili ko sabay pagtukod ng siko sa tuhod kung kaya't ako'y nakaupo.

Huminga ng malalim, humugot ng lakas, hindi alintanang lalabas ang salitang gustong ibigkas. Wari sana'y mapakinggan, kahit mahina, malayo, ako pa ri'y naghahangad.

Ikaw at ako sa ating tahanan.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Where stories live. Discover now