Napahinto ako sa pag i scan ng mga pictures namin nang makarinig ako ng kalampag sa may bintana. Unti unti kong itinutok ang ilaw ng cellphone ko roon.

"S-sino 'yan?" Tanong ko at bigla akong kinabahan. May tao yata sa may balcony?!

Anong gagawin ko? Tawagin ko na ba si Kuya Raine? Malamang!

Tumayo ako sa kama ko at patakbo akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko. Bubuksan ko na sana ang pinto when someone whispered my name.


"Rej, ako 'to. Open this."

"Kuya Ryoga? Ikaw ba 'yan?" I asked dahil kaboses niya ang nag salita at isa pa siya lang naman ang may lakas ng loob mag akyat bahay.

"Yeah. Hurry up. Ang daming lamok. God, my skin." Reklamo niya. Lumapit ako sa may pintuan ng balcony at binuksan ko ito.

He is wearing a black jacket with black shirt and black pants at may soot soot pa itong black cap! Mygosh, it's really him! Hindi ba ako nanaginip?! Totoo bang siya 'to?

Hindi ako nakapag salita agad at naka tunganga lamang ako sakaniya. Pumasok na siya sa loob ng kwarto ko at sinara niya ang pinto ng balcony na siyang binuksan ko.

"Mag spray ka nga ng baygon don bukas. Sinipsip ng mga lamok ang dugo kong masarap." Reklamo niya habang pinapagpagan niya ang sarili niya at kinamot niya ang mukha niyang may pantal. Bakit kasi diyan siya dumaan? May daanan namang maayos e.

"Hey, baby? Wala ka man lang bang sasabihin? I'm here. Why are you so quiet? Didn't you miss me?" He said again at para akong natauhan. He's really here!

"I missed you!" I said at yinakap ko siya ng mahigpit. Napa ngiti ako nang yumakap ito pabalik sa akin.

"Akala ko hindi mo ako namiss e panay ang text mo sa akin."

"Nababasa mo mga messages ko? Bakit hindi mo ako nirereplayan?"

"Kaninang umaga ko lang nabasa lahat." Humiwalay siya sa pagkaka yakap niya sa akin at lumapit ito sa main door ng kwarto ko. He locked it.

"Saan ka ba kasi galing? Tinanong ko si Kuya kanina at ang sabi niya ay hindi niya raw alam."

"Wala naman talagang alam 'yang Kuya mo."

Umupo siya sa kama ko at hinubad nito ang jacket na soot soot niya. He removed his cap including his shoes.

"Mineet mo lang ba talaga si Kuya Red?"

"Oo." He extended his hand to me at inabot ko naman ito. Pina upo niya ako sa may kandungan niya at yinakap niya ako mula sa likuran.

"I really missed you, baby." Bulong niya sa tenga ko.

"Bakit ang tagal mo naman yatang mineet si Kuya Red? Tapos ni 'di mo pa magawang mag reply sa akin."

"Nag tatampo ka ba? Ha?"

"Kaunti lang. Iniisip ko kasi kung anong ginagawa mo. Baka mamaya nambababae ka na pala kaya hindi mo magawang mag reply o magparamdam man lang."

"What? Ofcourse not. Ikaw lang ang babae ko."

"Edi wow."

Namiss ko talaga siya ng bongga pero ngayong nandirito na siya sa tabi ko ay nagpapabebe ako. Bwisit. Nag iinarte ba ako sakaniya? Tumayo ako mula sa kandungan niya at pinatay ko ang ilaw. Tanging ang side lamp lamang ang naka bukas at humiga ako sa kama.

"Baby, are you going to sleep?"

"Yep."

Nakita kong hinubad nito ang tshirt niya at humiga rin siya sa tabi ko. Idinantay niya ang hita niya sa akin at inilapit niya ako sakaniya.

His Story To Tell (R-18)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt