Official Twenty- Three

1.4K 66 33
                                    

Official Twenty- Three

"Nakaya mo nga akong hindi kausapin ng matagal dahil diyan sa lalaki mo. Paanong hindi mo kaya?" Peke akong tumawa, "huwag nga tayong maglokohan dito." Akmang aalis na ulit ako nang bigla siyang magsalita.

"Bakit ba kasi sobrang big deal 'non Lexine?! Ayaw mo ba akong maging masaya? Ayaw mo bang makahanap ako ng tunay na magpapasaya sa akin?" Titigna titig siya sa akin pero hindi ko alam. Nangingibabaw nanaman 'yung sakit na akala ko ubos na, tapos na. Hindi ko maiwasang lumuha nang makita 'kung gaanong nahihirapan si Keanu sa panunuyo sa akin.

"Gusto! Gustong gusto!

"E bakit hindi mo kami matanggap-"

"E putangina tanga ka ba Keanu?! Hindi ba halata?! Masakit! Dito o," sabi ko at dahan-dahang tinuro ang puso ko. Humihikbi na ako sa harapan niya, hindi ko na kaya pang itago ang emosyon ko, basang basa na rin ang mukha ko dahil sa pag-iyak.

"Sobrang... sakit..." Mahinang bulong ko habang nakayuko, patuloy ang paghikbi. Marahang tinatapik ang aking dibdib.

"Gustong gusto ko na makahanap ka ng tunay magpapasaya sa'yo, gusto ko lang 'yung kaligayahan mo pero tangina... ang sakit." Napa-upo na ako sa sahig dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Pinanuod lang ako ni Keanu na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ang sakit lang isipin na kailangan ko pang magpanggap para lang malaman mo na masaya ako para sa'yo pero sa totoo lang nawawasak ako." Humihikbing sabi ko sa kaniya, hindi na ako galit sa kaniya. Galit na ako sa sarili ko.

"Hindi kita maintindihan-" Naguguluhan niyang sabi.

"Pucha naman Keanu! Mahal kita!" Napayuko ako at sabunot sa sarili nang sabihin ko 'yon.

"Putangina mahal parin kita! Sa mga taon na lumipas putangina ikaw parin 'yung nandito. Kaya kahit na alam 'kong sa kaniya ka masaya hindi ko maiwasan na hilingin na sana ako nalang! Sana ako na lang 'yung tunay na kaligayahan mo. Kasi simula noon hanggang ngayon pinaramdam ko naman sa'yo 'yung halaga mo, pinahalagahan ko ang kasiyahan mo, ginawa ko ang best ko para maging masaya ka. Pero sa sinabi mong nahanap mo na 'yung tunay na kasiyahan mo? Tangina ang sakit! Hindi ba ako naging sapat? Kulang ba? Anong kulang? Kasi leche pupunan ko para sa'yo kasi mahal kita! Ganon kita kamahal!" Tumingin ako sa mga mata niya, kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo para magpantay kami.

"Lexine..." Mahinang bulong niya, binigyan ko naman siya ng maliit ng ngiti. Sana hindi ko na lang sinabi.

"S-Sorry, kalimutan mo na 'yon. U-Umuwi ka na." Sabi ko sa kaniya at tumalikod na. Narinig ko namang nagsalita ulit siya, pero hindi ako lumingon. Pinakinggan ko ang mga sinasabi niya.

"Naiintindihan ko naman na mahal mo parin ako, pero Lexine... Bawal na ba akong magmahal ng iba? Hindi ka nagkulang Lexine, ako 'yung may mali. Ako 'yung may diperensya, hindi ako masaya sa ganito Lexine. Baka kaya siguro hindi nagiging okay ang relasyon natin kasi hindi naman talaga dapat ang tayo. Lexine, mahal kita. Pero hindi sapat 'yung salitang mahal kita para lang magpatuloy ang relasyon nating nasira noon..." Sandaling tumigil siya, sinisinok na rin siya dahil sa kakaiyak.

"Gusto ko man bumalik sa dati, kasi masaya tayo ron. Pero Lexine sa bawat saya na nararamdaman natin noon sobrang sakit ng nagiging kapalit. Hindi normal ang naging relasyon natin Lexine, iba tayo sa kanila. Sa katulad ng relasyon natin, hindi talaga natin alam 'kung saan hahantong. Minahal kita ng buo, ikaw 'yung minsang kumumpleto ng buhay ko pero Lexine... ayoko nang pilitin pa, mahal kita pero tama na." Tila bumagsak ang mundo sa akin nang marinig ko iyon. Gusto kong bumagsak pero tinibayan ko ang sarili ko. Gusto ko pang marinig, gusto ko pa siyang mapakinggan.

"Sabi mo dati pagdating sa love, kailangan nating magselfless, pero Keanu kahit ngayon lang gusto kong maging selfish, hindi ba pwedeng ako na lang? Hindi ba kaya? Wala na ba akong puwang sa puso mo?" Lumingon ako ulit sa kaniya. Malayo na siya sa akin. Sobrang layo.

"Lexine, you always have a space here in my heart. And it stays right there, akala ko ba gusto mo akong maging masaya? Sa magiging desisyon mo hindi ba parang ikaw lang ang makikinabang? Paano naman ako? Lexine bakla ako, alam mo naman 'yon diba?" Hindi natanggal ang tingin niya sa akin, maging ang tingin ko sa kaniya.

"A-Alam ko." Sabi ko sa kaniya, tangina oo nga pala. Ang selfish mo Lexine.

"Dati pa lang Lexine, pinipilit ko na ang sarili kong maging maayos tayo, kasi mahal kita. Nangingibabaw 'yung pagmamahal ko sa'yo noon. Sorry kung paulit-ulit kitang nasasaktan, 'kung alam mo lang, triple ang bagsak sa akin ng bawat luha mo sa dibdib ko. Ang sakit sakit makitang nasasaktan ka at ako 'yung dahilan. Sa mga panahon na 'yon sobrang lito ako Lexine, gustong gusto kitang mahalin pero lintek na seksuwalidad 'to ginugulo ako ng paulit-ulit." Parehas kaming umiiyak ngayon habang nakatingin sa isa't isa.

"Gusto kitang mahalin ng buo, kasi ayon ang deserve mo e, pero pano ko mabibigay sa'yo yung buong pagmamahal na 'yon 'kung alam kong sa sarili ko hindi naman ako buo? Palaging may kulang. Kasi Lexine bakla ako." Tila tinamaan ako ng malaking bato sa aking narinig, bakit hindi ko 'to alam?

A-Ang selfish ko. Putangina bakit hindi ko naisip iyon? Magsasalita sana ako nang maramdaman akong masakit sa may bandang puson ko.

"A-Ah!" Nahihirapan kong daing habang hawak ko iyon, akmang babagsak ako sa sahig nang nasalo ako ni Keanu.

"A-Ang sakit!" Parang may kung anong humihila sa puson ko.

"L-Lexine o-okay ka lang? S-Saan masakit?" Nag-aalalang tanong niya sa akin at agad kong tinuro ang puson ko.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang may maramdaman akong tumulo galing sa ano ko.

"L-Lexine, d-dinudugo ka..." Natatarantang saad ni Keanu at agad akong binuhat papalabas ng bahay. Nanginginig kong dinampi ang kamay ko sa bandang hita ko.

D-Dugo...

"Tangina Lexine huwag kang pipikit!" Sabi ni Keanu nang marating namin ang kotse niya.

Pero hindi nakisama ang katawan ko, naramdaman kong tila nawalan ako ng control.

"Fuck!"

Huling narinig ko bago ako lamunin ng dilim.


===
xoxo

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon