Official One

3.1K 91 10
                                    

Official One:

"Dali na kasi Madison! Samahan mo ako, please? Isusupport ko lang naman si Keanu ih!" Pamimilit ko pa lalo kay Madison. Nandito ako ngayon sa bahay nila ni Max. She's currently taking care of their baby, Craige.

Opo, ang tagal na naming friends ni Madison and I'm thankful for that. Laking pasasalamat ko sa pa-outing ni Reigina 'nung Senior High kami at hanggang ngayon ay besties parin kami.

"Ano ba 'yan Lexine. Pang sampung na taon na ang nakalipas since 'nung naghiwa-hiwalay tayo tapos siya parin hanggang ngayon?" Sabi niya sa akin habang kalong-kalong niya si Craige.

Napa-upo nalang ako sa sofa nila at nangalumbaba.

"Syempre naman! Alam mo naman 'kung gaano ko kamahal 'yong baklang iyon diba? At saka, ewan ko ba dito sa puso ko at siya parin ang tinitibok nito. For the past 11 years, siya parin sizt!" Namomroblema 'kong sabi sa kaniya. Tumabi naman siya sa akin at inalo ako.

"Baka naman kasi hindi naman talaga kayo para sa isa't isa?" Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ni Madison. Ang gagang ito!

"Gaga! Winawasak mo lalo ang puso kong wasak e!"

"Boo!" Napalingon naman kami ni Madison sa nagsalita. Si Max lang pala, galing sa kuwarto nila at mukhang bagong gising lang siya.

"I'm here boo!" Sabi ni Madison at inangat ang isang kamay niya. Ay nako! Kaya lali akong nagaganahan na paibigin si Keanu sa akin ay dahil sa dalawang maharot na ito! Isipin niyo nalang, napa-ibig ni Madison ang isang bakla na si Max De Luna?! 'Di hamak na mas maganda at malaki ang boobs ko 'no!

"O? Andito ka pala Lexine." Umirap naman ako rito at nilapitan niya si Madison at binigyan ng halik sa labi.

"Ay hindi Mars, aparisyon ko lang ito." Pagtataray ko rito. Siniringan naman niya ako.

"Ang taray mo naman Mars! Sige na boo, kukunin ko muna si Craige at baka mahawa 'to sa ninang niyang lukaret na single!" Pang-aasar pa nito sa akin. Akmang sasabunutan ko siya pero naibigay na si Craige sa kaniya kaya binelatan niya ako.

"Awat na nga kayo! Ang gulo niyo, e." Pagkasabi 'non ni Max at umalis na siya at naiwan na kami ni Madison sa sala.

"Hindi mo ba talaga ako masasamahan sis?" Pagpapacute ko sa kaniya at baka sakaling sumama siya sa akin.

"Hindi talaga sis, aalis rin kasi kami mamaya ni Max, may family dinner kami." Mas nalungkot ako sa sinabi niya. So solo flight pala ako mamaya.

"Sige na nga sis. Ako na lang ang pupunta." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na nalungkot ang mata ni Madison.

"O bakit?"

"Naisip ko lang sis na paano 'kung may boyfriend na siya ngayon? Or asawa?" Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Oo nga? Paano na ako? Tatanda na ba akong dalaga?

"Wala naman akong nababalitaan na ganon sizt e. At saka 'kung ganon naman, magiging masaya ako for him. Tapos ano, papasok na akong kumbento after." Binatukan naman ako ni Madison kaya napahawak ako sa batok ko.

"Lukaret!" Sabi niya at tumawa pa.

"Che! Sige na nga! Aalis na ako at magpapaganda pa ako. Kailangan ko pang magbeauty rest at mamayang gabi pa naman ang simula ng pageant na sinalihan ni Keanu." Sabi ko sa kaniya at nagbeso na kami.

Hay, buti pa ang friendship ko, ang saya na sa lovelife niya. Kahit na ang daming ups and downs sa buhay ay nalagpasan na rin nila iyon at hanggang ngayon ay going strong silang dalawa.

Binuksan ko na ang kotse ko at nilagay ang bag ko sa passenger seat. Sakto naman na nagring ang phone ko.

Keanu Babes 💗

Agad ko iyong sinagot at napa- ehem pa ako para maayos ang boses ko.

"Hi babes! Napatawag ka?" Excited ko na sabi sa kaniya.

"Gaga ka parin talaga! Ano? Pupunta ka ba mamaya? Para naman ireserve na kita ng upuan kapag pununta ka sis." Aww, nakakatouch naman!

"Oo sis, pero hindi daw makakasama sina Madison e. May family dinner daw kasi sila mamaya." Sabi ko sa kaniya at kunwari ay malungkot ako pero syempre charot lang iyon!

"Ay ganern? Sayang naman, after two year ngayon ko nalang ulit kayo makikita." Sabi niya sa akin. Yep, umalis kasi siya at pumunta ng Thailand for some business purposes ata? Ewan ko pa diyan, palayas-layas sa Pinas.

"Samahan nalang kita pagbibisita ka sa kanila." Sabi ko sa kaniya in a happy tone.

"Osigi sis! Bet ko iyan! Sige ba sis, kailangan ko na magbeauty sleep at mamaya na ang pageant. Hindi puwede ang eyebags! Babush, mwuah!" Sabi niya at pinatay na rin niya ang tawag. Ako naman ay kanina pa namumula habang kausap siya. Mwuah daw?! Ih! Dapat sa lips nalang ih!

Nagdrive na ako pauwi sa bahay. May sarili na akong bahay 'no? Strong independent woman ata ito? Anyway, mag-isa lang aketch sa bahay at ako ang nagawa ng lahat ng mga bagay rito. Mayroon naman kasi akong mga Korean resto na talaga pumapatok sa madla kaya mabilis lang kumita ng pera sa akin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong sa akin si Lean, ang baby namin ni Keanu.

"Hi baby! Uuwi na si Daddy mamaya! Are you excited?!" Tanong ko rito.

"Arf! Arf!" Sagot niya sa akin. Niregalo ni Keanu si Lean sa akin after graduating sa College. Sabi pa niya sa akin noon na sasabunuta. Niya ako kapag hindi ko raw inalagaan si Lean.

"Sige na baby, tutulog na si Mommy oki? Makikita mo na rin mamaya si Daddy!" Sabi ko sa kaniya at sinama siya sa kuwarto ko.

Hay! Nakakaexcite!

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon