Official Twenty

1.3K 57 15
                                    

Official Twenty:

As I said those words to her, hindi na ako nag-intay pang sumagot siya kasi feeling ko magbebreakdown na ako sa harapan niya. Agad ko siyang nilagpasan at pinaandar ang kotse.

G-Grabe, ang sakit. Akala ko dati, handa na ako sa mga ganong pangyayari, 'yung tipong makakahanap na siya ng boyfriend niya pero bakit ganito? Ang sakit sakit.

"Tanga! Tanga! Ang tanga tanga mo Lexine!" Hindi ko maiwasang isigaw, naka-ilang suntok pa ako sa manibela para lang mawala 'yung sakit pero 'yung mga mata ko, tangina basa nanaman!

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa marating ko na ang bahay ko. Pagkabukas ko ng pinto ay binato ko na lang 'kung saan ang susi at bag na hawak ko at padabog na sinara ang pinto. Hindi ko na kinaya na makarating sa kuwarto, sa sala pa lang hinang hina na ako.

"Arf! Arf!"

Ang sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak...

"Tangina!!!" Malakas kong sigaw para maibsan ang sikip ng dibdib ko kasabay ng dire-diretsong pagtulo ng mga luha ko.

Lumalakas ang paghagulgol ko, unti-unti, dahan-dahan akong humiga sa sofa at niyakap ang mga tuhod.

Kawawa. Ayon ako, sobrang kawawa.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa, hirap na dumilat ako dahil sa hapdi ng mata ko mula sa pagiyak. Suot ko parin 'yung suot ko kanina, maging ang sandals ko. Tangina hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako.

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong hapon na, naramdaman ko rin ang gutom pero mas nanaig 'yung sakit sa puso ko. Naalala ko ulit 'yung nangyari kanina, mula sa itsura 'nung lalaki hanggang kay Keanu, ang saya nila.

Putangina sana lahat.

Napahagulgol na lang ulit ako dahil wala akong magawa, ayokong kumain. Nawawalan ako ng gana. Ang sakit, sobra.

Napagdesisyonan ko na lang na maligo at maglinis ng katawan, lantang-lanta akong pumunta sa kuwarto ko hanggang sa banyo, tangina, banyo. Ang sarap siguro magmukmok dito.

Hinubad ko ang suot kong towel at binuksan ang shower, sinandal ko ang dalawa kong palad sa dingding at sinalo ang tulo ng shower. Kasabay ng mga mumunting patak ng tubig ay ang luha kong akala ko ay ubos na kanina pa.

This is what I get from drinking too much water. Too much tears.

Muli ay napaupo ako sa sahig ng cr at niyakap ang aking sarili, yayakapin ko na lang ang sarili ko. Naiiyak nanaman ako, bigla biglang nagfaflash ang mga memory namin ni Keanu na masaya. Tangina hindi naman kami nag break pero bakit ganito.

Napayuko na lang ako at muling umiyak sa ilalim ng shower.

Pagkatapos kong magshower ay medyo tinatamad akong magbihis kaya panty at malaking tshirt na lang ang sinuot ko. Agad akong humiga sa kama at niyakap ang unan ni Keanu.

"Alam mo Lexine nakakainis ka na! Ang dami mong secrets! Akala ko ba BFF/ Lovers tayo? Bakit ayaw mo sabihin mga secrets mo sa akin?" Napatawa naman ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Ang cute lang niya tignan na mafrustrate.

"Wala nga 'yon! Alam mo namang hindi ko kaya magtago ng sikreto sa'yo. Atsaka ano, dati ko lang manliligaw 'yon..." Medyo hininaan ko ang sinabi ko sa dula at nakita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Ano?! Dating manliligaw mo?! E bakit kinausap mo pa? Liligawan ka ba ulit? Sige don ka na, bwisit." Iritang sabi niya na mas ikinangiti ko. Napakagat naman ako ng labi at nakita kong sumulyap siya sa akin.

"Bakit ngingiti-ngiti ka pa riyan?! Naiinis na ako o! Hindi mo ba ako lalambingin?" Mas natawa ako sa sinabi niya kaya agad ko siya hinapit papalapit sa akin at niyakap.

"Wala lang 'yon okay? May tinanong lang siya about sa lecture kanina pero hindi naman niya sinabing manliligaw ulit siya. Ang baby ko, selosa." Nakangiti kong sabi habang nakayakap ng mahigpit sa kaniya. Yumakap naman siya pabalik sa akin at sumubsob sa leeg ko.

"Okay! Mabuti naman 'kung ganon. Basta next time, sabihin mo agad sa akin. Ayokong sa iba ko pa nalalaman. Ayoko na ng secrets, we should be always open to each other. Okay?"

"Yes, boss!"

Napabalikwas ako ng bangon nang may biglang nagdoorbell sa labas. Tumingin ako sa wall clock at napansin kong gabi na pala. Hindi parin ako nakain, nice, diet.

Walang buhay akong lumapit sa pintuan sa living room at nang buksan ko ito ay tila nanigas ang katawan ko at para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Naiiyak nanaman ako, putangina.

I did my best to stop my tears from falling, alam kong maga ang mata ko ngayon at halatang umuyak ako magdamag pero wala akong pakielam. Nangingibabaw ang sakit sa puso ko, lalo na't kaharap ko 'yung nagwasak 'non.

I gave her a blank expression, tinitignan ko ang itsura niya. Looks like she's okay. Feeling ko ay may nakatingin din sa akin sa labas kaya napatingin ako sa may kotse niya. Nice, kasama niya pala 'yung lalaki. The audacity. Good for her, sana lahat.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyon kong tanong. Nagbablanko utak ko.

"L-Lexine, g-gusto ko lang makausap ka, please. Let me explain." Naiiyak niyang sabi pero hindi ako nagpatinag. Tinitigan ko lang siya ng walang kahit anong ekspresyon sa mukha.

"Diba sabi ko, ayaw kong kausap ka? Hindi ba malinaw 'yon?" Maging matatag ka Lexine.

"P-Pero baka mas lumala kapag pinaabot ko pa mext week. Ayokong galit ka sa akin Lexine," Nagsimula nang tumulo ang luha niya.

"Pero hindi mo naisip na mas magagalit ako kapag hinarap mo ako ngayon? Umalis ka na Keanu. Wala kang mapapala sa akin ngayon." Akmang isasara ko na ang pintuan nang harangin niya ang paa at kamay niya rito.

"Lexine, please..." Puno ng pagmamaka-awa niyang bigkas. Wala, masakit parin.

"Umuwi ka na Keanu. Ayokong makipag-usap sa'yo." Alam kong nasasaktan siya sa nga sinasabi ko pero mas masakit parin 'yung nararamdaman ko.

"K-Kahit s-saglit lang?" Patuloy nang tumutulo ang mga luha niya at sinisipon na rin siya kakaiyak. Tinitigan ko siya.

Ang sakit makitang umiiyak siya ngayon sa harapan ko, gusto ko siyang aluhin. Gusto kong sabihin na okay lang, sige na. Na tanggap ko na, magpakasaya sila. Pero hindi e, ang sakit. Sarado na ang utak ko ngayon. Wala akong naiintindihan, 'yung nararamdaman ko lang ang naiintindihan ko.

"No."

====

ending is near, 5 more chaps.

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon