Official Two

2.2K 77 7
                                    

Official Two:

Nagising ako ng bandang alas sais, 'kung hindi pa nag-alarm ang phone ko ay malamang sa malamang, bukas na ang gising ko. Tumayo na ako at nagsinulang kumilos. Narinig ko na rin ang phone ko na nagriring kaya sinagot ko ito.

"Hello?" Sabi ko at medyo antok pa.

"Ano na sis? Asan ka na? Hindi kita mahanap sa audience. Punta ka dito sa dressing room ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Mag-iistart na ang pageant ni Keanu! Nako, ang tanga mo talaga kahit kailan Lexine! Bakit mo nakalimutan ang potentiak jowa mo?

Nagmamadali akong naligo at nag-ayos, tamang liptint at blush on na lang ako dahil baka mainip ang bebe ko. Pinuntahan ko ang place 'kung saan magaganap ang pageant. 'Yung pageant niya nga pala na sinalihan ay 'Ms. Gay World, the Universe rather' ngayon ko lang din siya makikita ulit after two year dahil nabusy ang bebe ko sa buhay niya, kinailangan naming mag-LDR pansamantala, charot!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Keanu. Maka-dalawang ring ay sinagot na niya ang tawag.

"Hello sis?"

"Hello babes?! Asan ka ba?! Teka ang ingay dito sa venue potek!" Sabi ko sa kaniya at naghanap ng lugar sa venue na kaunti lang ang ingay.

"Ayan, ayan, asan ka ba babes? Saan ang DR dito?" Tanong ko sa kaniya nang maramdaman ko ang pintuan sa likuran ko na nagbukas.

"Gaga nasa likod mo na ako." Parang nalaglag ang sikmura ko nang marinig ko iyon. Hindi ako prepared! Baka ang haggard ko tapos maturn-off siya sa akin.

Kabadong hinarap ko si Keanu at hindi pinapatay ang tawag. Nakapikit pa ako dahil hindi ako handang makita 'yung pagmumukha niyang minahal ko since highschool. Unti-unti kong binuka ang mata ko, imbes na Keanu ang bumungad sa akin ay isang magandang dilag na may malaking boobs at pak na pak ang make-up. Asan na babes ko? Agad kong binalingan ang telepono ko.

"Hello? Asan ka ba babes? E chix 'tong nasa harapan ko e. Jinojoke mo ba ako?" Sabi ko sa kaniya at tumawa ng kaunti. Agad napatigil ang pagtawa ko nang iangat 'nung chix 'yung cellphone niya sa may tenga niya.

"Gaga, ako 'to." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang sabihin iyon 'nung chix sa harapan ko. Hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang phone ko at lumagapak ito sa sahig.

"Ay gaga 'yung phone mo!" Sabi ng chix sa akin at kinuha ang phone ko. Nilagay naman niya ito sa kamay ko at parang may 'kung anong kuryente akong naramdaman nang magtama ang balat namin. Si Keanu nga! Kay Keanu ko lang naman nararamdaman ang mga ga'nong bagay! Jusko, bakit ang sexy at ang ganda na niya?!

"M-May umbok d-dede mo..." Wala sa huwisyong sabi ko sabay tusok rito. Hindi naman talaga siya super laki, parang dede lang siya 'nang nagpipills.

"Hoy! Huwag 'mong tusukin at baka madeform!" Sabi nito sa akin at hinila ako paloob ng dressing room.

Bumungad sa amin ang mga baklang nag-aayos ng kani-kanilang mga mga gamit, mukhang glam team ang mga ito ni Keanu.

"Mga bakla!" Pagtawag ni Keanu ng pansin sa mga ito. Naglingunan naman sila at taka kaming tinignan.

"Sino 'yan Mamang?" Tanong ng isang baklang maskulado kay Keanu. Sumunod rito ang isang vavaeng- vavae na isang trans.

"Oo nga Mamang? Kasali ka sa pageant?" Tanong 'nung vavaeng-vavae sa akin.

"A-Ah hind----" Gulat ako nang biglang lumapit 'yung vavaeng-vavae sa akin at dinakma ang boobs ko. Walanghiya?! Si Keanu nga hindi pa nahahawakan iyan! Hindi naman ako naka-imik sa mga ginagawa niya dahil sa gulat at kumabog ng malakas ang puso ko.

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon