Chapter 43

1.1K 22 5
                                    

Gumabi na at si alien andun sa study room. Babasa daw siya. Parang may paki ako.

Nandito ako sa kwarto nag cecellphone, gusto ko man kamustahin sila r-dy ang kaso wala akong kontak sakanila dahil pinag bawalan ako ni alien. Baka daw madamay pa sila. Kasalanan niya naman lahat to eh, dahil kung di siya dun nauwi sa bahay edi hindi ako madadamay sa gulo ng buhay niya. Nakakaasar dahil kahit dito bawal ako gumala, kahit man lang pumuntang bayan para makabili ako ng mga pangangailangan ko. Siya na daw bibili para sakin, g*go ba siya, eh pano pag kailangan ko ng napkin siya bibili? Tigas ng mukha.

Alas dyies na ng gabi at nagugutom nanaman ako. Aysh.

Bumaba ako sa kusina, patay na pala ilaw dito. Bumaba siguro yun.

"Ay baluga!"

Pagpasok ko ng kusina nakita ko si alien nag iinom, topless. Shuta ano nanaman pakulo nito at patay pa talaga ang ilaw at sinag lang ng bwan ang liwanag dito dahil wall glass banda sa inuupuan niya.

"Ano nanaman ba yang trip mo sa buhay at nanjan ka sa dilim? Multo ka ba"

Sabay irap, bwiset talaga to.
Binuksan ko yung ref at kinuha yung ice cream at yung milk na nasa galon. Sarap. Kumuha ako kutsara at baso.

Binuksan ko yung ilaw na dito lang para sa bar counter, dim light pero sapat na para makita yung kinakain ko. Napatingin ako kay alien na tahimik na nag iinom. Hmmm dami nya palang tattoo ahh, nays. Astig tingnan pero alien pa rin siya.

"laki problema ahh."

Sabi ko at umupo sa tabi niya. Not totally kasi may 1 chair na pagitan samin.

"Gabi na, at bakit gising kapa"

Nag tagalog si alien. Wow.

"Masama ba magutom at kumain ngaung oras ng gabi?"

Tiningnan niya lang ako. Walang emosyon mga mapupungay niyang mata. Weird pero ang pogi niya ngayon.

Nag umpisa ako kumain at still tahimik pa din siya, ano kaya problema nito.

"Wag mo isipin yun, malamang sa alamang binabangongot na yun"

Sabi ko sabay ngisi.

"Pano babangungotin eh gising kapa"

Napatingin ako sakanya. Banat ba yun? Nag smirk siya sakin. Wait. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ibig sabihin... Ay nevermind.
Inirapan ko na lang siya. Mas magandang wag ko na siyang kausapin, weird niyang kausap bwiset.

"Too much of that makes you sick."

Tukoy niya sa kinakain ko.

"Ampake mo? Mag inom ka na lang jan at tumahimik. At too much of that makes your kidney sick, ya know. Tss"

Hays bigla ko namiss mag bar. Binalik ko ung mga kinuha ko sa ref at kumuha ng shot glass. Baka pwede mag jamming kami sa ganito, malay mo ayos naman pala to. Kasi naniniwala ako pag lasing tiyaka nalabas ang ugali. Ya know, madami nakong nakikita sa club na di makabasag pinggan pero pag may alak na ayun, nuknokan ng landi. Sarap umbagan.

"Oh lagyan mo"

Sabi ko at tinapat ko ung baso sakanya, whisky iniinom niya at kita ko sa bote kalahati na. Lakas mag inom, nays.

Ms.Gangster vs Mr.MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon