CHAPTER 19

154 3 1
                                    

JEA'S POV

Nagulat na lang kami nang biglang may sumulpot na isang babae. Si Chesca Soo. Napatingin ako kay Aira at yaya saka binalik ang tingin kay Chesca.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Pwede ba tayong mag usap sa office mo, Queen?" nakataas kilay nitong sabi sa akin.

Tumango at pumunta na kami sa office ko kasama si Aira.

"Tungkol sa pinapagawa ko sayo, Queen. I am giving you 2 weeks, masyado na akong naiinip. Hindi nako makapag hintay ma makitang walang ulo si XR." sabi nito sa akin at nakangiting nakakaloko.

"Teka, mahirap ang pinagapagawa mo."

"Nahihirapan ka? Queen? Ikaw? Kailan pa? HAHAHAHAHA!" nakakaloko nitong sabi. "Kailan ka pa nahirapan pumatay, Queen? Sa sobrang dami mo ng pinatay, malabong mayroon ka pang konsensya. Malabo." pagkasabi niya ay bigla na lang siyang tumingin kay Aira na para bang may ginawa ako kay Aira na masama.

Dahil don, napatingin din ako kay Aira at si Aira naman, tinaasan niya ng kilay si Chesca at sabay na ibinaling sa'kin ang tingin niya.

"Okay. 2 weeks. Deal." labag sa loob kong sagot.

Nakangiti na naman siya sa'kin ng nakakaloko sabay tumalikod at umalis na. Hindi ko na talaga alam, parang iba sa babaeng 'to.

"Nakita mo mga tingin at ngiti niya, Queen? Parang may something."

Hindi lang pala ako ang nakahalata kundi si Aira. Pero putcha! 2 weeks?! Oo, kaya kong gawin within an hour lang or 1 day. Pero iba to e, si Xyrix 'to.

"Hoy, Queen! Ayos ka lang?!"

Nabigla ako sa pagkakasabi ni Aira. Kahit kailan talaga 'to.

"Oo. Ayos ako. Matutulog na 'ko."

Saka ako umalis.

Pa'no ang gagawin ko?

*ring*

Bigla akong napatingin sa phone ko.

*Unknown calling*

"Hello? Who's this?"

"Hi, Queen. It's me, Chesca. Just want to make sure kung nag dadalawang isip ka sa napag usapan natin earlier. Makinig ka, Jea."

Binanggit niya ang tunay na pangalan ko?

"Your life is in danger, Jea Fay Won. 2 weeks ang binibigay ko sayo. Hindi lang buhay mo ang kapalit kundi buhay ng mga magulang mo at lahat ng malapit sayo. Goodluck, QUEEN."

*call ended*

Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Kilala niya 'ko. Shit ka, Chesca! Sino ka ba talaga?!

"AAAAAAAHHHHH!!!!!!" sa sobrang galit ko, napasigaw na'ko. Lahat ng gamit na makita ko ay tinatapon at binabasag ko. Pinagsusuntok ko ang pader na makikita ko. Lahat mismo. Nasisiraan na ata ako ng bait.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama ko ng maramdaman ko ang panghihina at panlulumo. Saka na'lang ako napaiyak na parang bata.

Nakita kong nag bukas ang pintuan at bumungad si yaya at Aira na kitang kita sa mukha nila ang pag aalala.

Ngumiti lang ako sa kanila habang umiiyak. "Ayos lang ako."

Nilapitan ako ni Aira at niyakap. Habang si yaya naman, nakatayo at pinagmamasdan ang mga sugat ko at mga kalat ko.

"Queen, ano ba'ng problema?! Tignan mo sinasaktan mo sarili mo!" galit na puno ng pag aalala na sabi ni Aira sakin.

Tinignan ko siya at si yaya. Isa sila sa mawawala sa akin kapag hindi ko ginawa ang pinapagawa ni Chesca sa'kin. Hindi ko kaya.

"Ayokong mawala kayo sa'kin." sambit ko nang hindi nakatingin sa kanila.

"Queen, hindi kami mawawala sa'yo. Nandito lang kami palagi sa'yo. Ano bang sinasabi mo?" maluha luhang sabi ni yaya sa'kin.

Umalis si yaya, lumabas siya ng kwarto. Bumalik siya hawak hawak ang first aid kit.

"Yaya, ako na mag gagamot sa sugat ni Queen. Pwede bang maiwan mo muna kami?" sabi ni Aira.

"Sige, nasa kusina lang ako kung sakaling may kailangan kayo ha."

Tumangon ako at ngumiti kay yaya. Gano'n din si Aira.

"Kung iniisip mo 'yung tungkol sa pinapagawa ni Chesca, pwede kang umatras. Ibalik mo 'yung pera, Queen. Walang magiging problema." sabi ni Aira sa akin.

Sumang ayon ako sa sinabi ni Aira kahit na hindi ko naman talaga gagawin. Oo, alam kong mali. Pero kailangan. Ilalayo ko sila sa gulo. Tatapusin ko 'to sa paraang gusto ko at hindi sa paraang gusto ni Chesca.

"Gusto mo bang sumama?"

Nag taka naman si Aira sa tinanong ko kaya napakunot ang noo niya.

"Saan, Queen?"

Ngumiti ako sa kaniya ng napakatamis at sinabing..

"Sa pagbabago..."

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon