CHAPTER 17

429 10 5
                                    

JEA'S POV

"Masakit ba 'yung pagkakahawak ni Jea?" Tanong ni Karl.

Sinundan niya 'ko hanggang sa paglabas ko. Makulit, e. Kaya hinayaan ko na lang. Nasa park kami ngayon at nakaupo sa bench habang hawak hawak ko pa din ang buong kamay ko na pulang pula dahil sa bruha na iyon.

Tinignan ko si Karl epal. Yes, he's so epal. Inis pa din ako sa kanya, no. Tss.

"Manahimik ka na nga lang dyan."

"Alam mo, ikaw? Napakataray mo." Tapos naupo siya sa tabi ko at hinablot ang kamay ko. Bastos -_-

"Anong gagawin mo?" Hindi siya sumagot.

Tinignan ko lang siya at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Maya maya..

*TSUP*

He kiss my..

Hinalikan niya! Ay, ang OA mo, Jea -.-

"Ba't mo hinalikan?" Tanong ko.

"Para mawala 'yung sakit." Nakangiti niyang sagot.

"Duh, ang korni mo. Ni hindi nga nawala 'yung kirot, e. Tss! Mga pauso mo!"

Totoo naman, ah? Kung mawawala yung sakit na nararamdaman ko nang dahil sa halik niya, e di sana nagpahalik na 'ko kay Xyrix para di ako nasaktan noon!

AY! Ano ba 'tong sinasabi ko?

"Oh, 'di ka man lang kinilig? 'Yung ibang babae nga kinikilig dun, e!"

"Anong gusto mo? Kiligin ako? Ang kapal naman ata ng mukha mo." Sabay inirapan ko siya.

"E, ba't nag iba 'yang mukha mo?"

Tinignan ko siya.

"Alam mo, nakakairita ka. Ba't mo ba ko sinundan dito ha? Imbis na ang tahimik ng mundo ko, nanggugulo ka pa!" Kakainis!!

"Alam mo? Ang sungit mo! I'm just trying to be friendly! Ganyan ka ba sa lahat ng tao?! Grabe, parang ang laki ng galit mo sa lahat ah!" Tapos nagwalk out siya.

Aba. Napaka arte! Siya pa may ganang magwalk out, ganon? Tss. Anong akala niya susundan niya? Kapal ng mukha. Tss, mataas pride ko, oy! Hindi kita susundan, no! -_-

Maka uwi na kaya? E, p*ta! Makikita ko na naman mukha ng bwiset na babaeng 'yon. Baka mamaya niyan, hindi na 'ko makapagtimpi at tuluyan ko na 'yung impaktang 'yun, e!

Aish! Ayoko na ngang isipin 'yon. Lalong umiinit ulo ko. Nakooooo! Makauwi na.

Patayo na sana ako nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Si Karl epal na naman siguro 'to? Teka, masampulan nga.

Humarap ako sa kaniya at sinampal siya.

Pero nanlaki yung mata ko nung makita kong hindi pala si Karl 'yon. It was Xyrix.

"What did I do?!" Sabi niya habang nakapikit at hawak hawal ang pisngi niya.

"Nako! Sorry! Sorry! Akala ko kasi si Karl e. Sorry talaga!!" Nakita kong namumula 'yung sampal ko. Aish! I feel so sorry for him. Bumitaw siya sa pisngi niya at tumingin sa'kin ng deretso.

"Hindi kasi ako tumatanggap ng sorry, e. Paano 'yan?" Bwiset. Bakit ba ang aarte ng mga lalake?!!!

"So what do you want me to do?" Mataray kong sabi sa kaniya. Nagsmile naman siya sa'kin. Hay nako. Ano na naman ba 'tong kalokohan mo Xyrix..

"You're going on a date with me." Nakasmile pa din niyang sabi. Date? Walanya. E..

"E--" pinutol kaagad niya yung sasabihin ko.

"Hindi kita inaayang magdate pero yung kasi yung kapalit ng sampal mo sakin. Ang sakit kaya.." Tapos hinihimas himas pa niya yung pisngi. Tss. Arte!!

"Okay. Fine!" No choice ka ba talaga Jea? Oh, gusto mo din? -_-

After namin mag usap ni Xyrix, umuwi na ako. Good thing walang tao sa bahay. So, makakapag pahinga ako ng maluwag. Haaaaaaay!!

Nagpahinga muna ako saglit at pagkatapos nag ayos na ko. Magdidilim na din. Susunduin niya ba ko? Wala naman kasi kaming napag usapan e. Basta si aya na lang! Kainis -_-

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Daine sa may living room. Lalabas na sana ako nang bigla siyang magsalita nang hindi man lang ako nililingon.

"Where are you going?"

"Ah, uuwi lang ako kala sa bahay ko." Sagot ko.

"No." Matigas na sabi niya tsaka siya tumayo at humarap sakin. Naglakad siya papalapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

Nginisian niya ko bago magsalita.

"Hindi ka pwedeng umuwi don. Diba dito ka na nakatira? Katulong ka dito. Dapat nga naglilinis ka ngayon e." Nakataas niyang kilay na sagot sakin.

Iba rin talaga tong babae na to e no? Hahahaha. Ang galing niyang umarte. Infairness, ganap na ganap ang pagiging Jea ha? Pero hindi naman siguro ganito kasama ang ugali ko, duh.

"Kailangan ko kasing umuwi e. Kailangan ako sa bahay." Sagot ko.

Inirapan niya lang ako at bumalik sa living room. Nagtaka naman ako kaya sinundan ko siya. Pag tingin ko sa table, psh. Nag iinom pala siya. Puro bote, kaya naman pala ang lakas ng tama nitong babae na to e.

"May kailangan ka ba? Kasi kung wala, aalis na ako." Sabi ko.

Tinignan niya lang ako.

Oh c'mon, Daine! Malapit na kong mainis! Pero sige, inisan pala ha. Pagbibigyan kita.

Inirapan ko siya at tumalikod na ko.

"Bitch."

Pero agad akong napalingon ng marinig kong may sinabi siya. Hindi ko masyadong narinig dahil mahina ang pagkakasabi niya.

"Anong sabi mo?" Mataray na tanong ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at kumuha siya ng isang bote at binagsak niya dahilan para mabasag ang bote ng alak na hawak niya.

Medyo nagulat ako. Nabigla ako e. Ano bang problema niya?

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Diba katulong ka dito?" Tinignan niya yung mga bubog na kumalat sa sahig at binalik ang tingin sakin. "LINISIN MO."

"Hindi ko yan lilinisin. Ikaw ang bumasag dyan. Matuto kang maglinis ng sarili mong kalat." Nakataas kong kilay na sagot niya.

*SLAP*

Nabigla ako nang sampalin niya ko.

Ooooops! Wrong move ka Daine. *evil smile"

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon