CHAPTER 2

1.2K 35 0
                                    

XYRIX POV

"Xyrix?" Napatayo ako ng dumating siya.

"Wala pa din bang balita?" Maluha luhang sabi ni Mrs. Won ang mommy ni Fay.

"Wala pa din po.." Nakayuko kong sabi.

Nagsimula na din siyang umiyak. Kaya naman nilapitan ko siya at cinomfort.

"Wag tayong tumigil, please. Hangga't hindi ko nakikita ang bangkay ni Jea, hindi ako maniniwalang patay na ang anak ko. Alam ko, ramdam ko. Buhay pa siya. Buhay pa siya, Xyrix.." Umiiyak na sabi niya.

"Opo tita. I will do everything para mahanap siya. I promise."

Inupo ko si tita at pinainom ng tubig. Hanggang ngayon, umaasa pa din siya. Kahit ako. Kahit kaming lahat.

Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi ang mga salitang yon kay Fay. Edi sana, hindi yon nangyari.

"Xyrix?" Ha?

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Kyle pala.

"Oh bat ka nandito?" Tanong ko.

"Hi tita. Uhm, I think I found her." Napatayo si tita sa sinabi ni Kyle.

"Si Jea?" She said.

"Yes tita." Biglang sumaya ang mukha niya.

Kahit ako. Hindi makapaniwala.

"Pero.." Sabi ni Kyle.

"Nag iba siya." Sabi ulit niya.

"Panong nag iba?" Tanong ko.

"Retoke na ang kalahati ng mukha niya. Right side, lang ang hindi. Pati.. hindi niya ako nakilala. Sa tingin ko, nawala ang ala-ala ni Jea.."

Dahil siguro sa car accident. Pero ang mahalaga, buhay siya.

"Is she okay? Kamusta ang pamumuhay niya?" Sabi ni tita.

"Maayos po tita. Wala po kayong dapat ipag alala." Nakangiti na sabi ni Kyle.

"So, kailan natin siya pupuntahan?" Sabi ni tita.

"At. Tita, one more thing. She hates visitors." Kyle said.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ewan. Kanina nga parang papatayin na ko e. E talaga naman na nauhaw ako at naiwan ko yung money ko kay Brie tapos wala na kong pake kung mamamatay tao yung nasa bahay na yon. Ang mahalaga nakainom akong tubig." Hay. Baliw talaga.

"So, anong plano natin?" Sabi ni tita.

"I have an idea, tita." Sabi ko.

"So let's go to our office. Nandon ang asawa ko."

*OFFICE*

"Is it true?" Gulat na sabi ng daddy ni Fay. Hindi siya makapaniwala na buhay ang anak niya.

"Yes sir. Harap harapan ko pong nakita." Sagot ni Kyle.

Napaiyak na din siya.

Kinuwento ni Kyle kung ano ang nalaman niya kay Fay.

"Siguro hindi muna natin siya masyadong gugulatin. Xyrix, remember nung pinaalagaan ko sa inyo si Jea? Gagawin niyo ulit yon. Kayong lima."

Napangiti ako. Pero may isang problema.

"Uh, sir. Yung isa po kasi samin si Shaina. Mahina pa po siya e. Hindi pa po siya masyadong gumagaling." Sabi ko.

"Oh. Oo nga pala. Basta. Kayo na ang bahala. Okay? Here." Inabot samin ang pera.

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon