CHAPTER 8

939 21 0
                                    

-JEA-

"Anong pakiramdam mo, ya?"

"Okay na ko, Jea. Wag mo kong alalahanin." Nakangiti niyang sagot.

Hindi pa din namin alam kung sino ang sumaksak kay yaya. Masyado daw kasing mabilis ang pangyayari.

"Buti naman yaya. Mahahanap din natin yang nanaksak sayo. Pupunta muna ako sa arena. Aayusin ko mga pasaway don." Sabi ni Aira.

"Sige. Mag ingat ka." Sabi ko.

_          _            _

-XYRIX-

"Kuya, pano kung malaman ni Jea na nagsisinungaling ka?"

"Wala na siyang memory." Sabi ko.

"Pero--" hinarang ko ang kamay ko sa mukha ni Brie.

"Pupunta lang ako kiy Fay."

"Anong gagawin mo don?"

Hindi ko na pinansin si Brie at nagdrive papunta sa bahay ni Fay.

*BAHAY NI JEA*

"Oh, Xyrix!" She kissed me on ny cheek.

Yung parang beso? Haha. Ang bakla.

"Hi. How are you?"

"Im fine." She said with a smile.

*RING RING*

"Oh. Excuse me." She said.

"Oh, Xryix. Kamusta na?" Si yaya.

"Okay lang po. Ikaw? Kamusta ka na, ya?"

"Mabuti naman. Gusto mo ng makakain o maiinom?" Sabi niya.

"Hm, di po. Busog po ako. Dinalaw ko lang po si Fay."

"Naku! Baka manliligaw ka ha. Hahaha."

Tumawa na lang ako. Baliw talaga 'to si yaya.

Maya maya, bumalik na si Fay.

"Uhm, Xyrix. Kailangan ko kasi umalis." Sabi ni Fay.

"Oh. Hm sige. Uuwi na ko. Next time na lang ulit." Paalam ko.

Ngumiti naman sakin si Fay at umalis na ako.

_            _               _

-JEA-

"Aalis ka ba talaga?" Sabi ni yaya.

"Hindi. Uuwi si Aira, may sasabihin."

"Oh, e nasaan na si Aira?"

Biglang bumukas yung pinto.

"Im here!"

"Oh, ano ba yung sasabihin mo?"

"Sumama ka sakin mamayang gabi sa Korea." Seryoso siya?

"Bakit?"

"Nagkakagulo na naman ang mga alaga mo. Akala siguro nila, porket wala ka, hindi mo na malalaman."

"Argh. Ang kukulit talaga." Naiinis na sabi ko.

"Ihahanda ko ang mga gamit mo, Jea." Sabi ni yaya.

"Sige po, ya. Salamat."

Naupo si Aira sa sofa at inihiga ang ulo niya.

"Jea.."

Napatingin ako sa kanya.

"Hanggang saan mo itatago 'to?"

Nanahimik ako. Hanggang saan nga ba? Pero hindi pa din ako nagsasalita.

"Jea, siguro kung ako ang papipiliin, ang trabaho at korona ko o ang pamilya at mga kaibigan ko, mas pipiliin ko sila. Ang mga kaibigan ko at ang magulang ko. Kaso.. hindi ako nagkaroon ng chance na magkaron ng pamilya at ikaw na lang ang meron ako. Dahil mas gusto mo ang trabaho at korona mo, mas pinili ko ang kaibigan ko na laging nasa tabi ko."

"Pero bakit hindi ka umaalis sa trabaho mo?"

"Kase.. nandito ka. Ayokong iwan ka. Ayokong magbagong buhay nang wala ka."

Napapaiyak ako sa sinasabi ni Aira kaya niyakap ko siya.

"Thank you.." Yun na lang ang sinabi ko.

"Basta, Jea. Kapag dumating yung oras o panahon na alam na nilang lahat, nandito lang ako. Ako ang mas nakakakilala sayo.."

Bumitaw na ko sa yakap. Masyado nang madrama. Hahaha.

"Oh sige na. Go to your room. Ako din. Maghahanda na ko. Be ready ha? In 3 hours, aalis na tayo."

Pumunta na ako sa kwarto ko. Nahiga ako at pumikit.

Biglang may pumasok sa isip ko..

"Iloveyou, Fay. Sobrang mahal na mahal kita.."

Napadilat ako at napahinga ng malalim. Unti unti, bumabalik ang mga nangyari noon.

Umupo ako sa kama ko. Hinawakan ko ang ulo ko.

"Bullshit."

Inayos ko na ang mga gamit ko. Isang araw lang naman siguro kami don--

Napatigil ako nang may nalaglag na maliit na box.

Pinulot ko ito at binuksan.

Isang necklace na may pendant na crescent moon at may galaxy sa gitna.

"Hindi ba, ayan yung kwintas na regalo sayo ni Xyrix noong birthday mo?" Si Aira.

Tinignan ko siya at tumango. Hanggang sa ang mga luha ko ay tumulo.

Hinimas ni Aira ang likod ko at niyakap.

"Parang mas lalong masakit nung nalaman ko na si Xyrix pala ang nanakit sakin."

"Aira, sabihin mo nga sakin, anong dahilan para magbago ako? Para bumalik sa dati kong buhay? Para maging si Jea ulit? Anong dahilan? Please tell me. Kasi pagod na pagod na kong isipin kung bakit ko pa ginagawa 'to. Kung paano ako nabubuhay na alam kong gigising ako tuwing umaga na, paulit ulit lang ang nangyayari. Pagod na ko.." Patuloy pa din ako sa pag iyak.

"Meron ka pang mga magulang na hanggang ngayon, umaasa na makikita ka pa nila ulit. Na mayayakap ka nila. Na makakasama ka nila. Kahit sila lang ang gawin mong dahilan, Jea. Kahit wag na ako o sila. Kasi kapag hindi mo sila pinili, buong buhay mong pagsisisihan na wala kang nagawa para sa kanila."

Umiiyak pa din ako.

Babalik pa ba ako sa dati?

"Jea.." Hinawakan ni Aira ang mukha ko.

"Pag isipan mo." Tapos lumabas na siya.

Is this the right time? Ito na ba talaga?

TFGAM 2: Five Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon