"'Yun oh! Gumaganon na si Daniel! Binata na ang ating binata mga pre!" Sabi ni Katsumi.


"Tara na Kath. May mga dumaang masasamang hangin dito, tapos ka na ba diyan? 'Lika na." Sabi niya sa'kin.


"So masamang hangin na kami?" Seth.


"Kayo talaga joke lang! Eto 'di na mabiro oo." Sabi naman ni Daniel.


"Hindi eh sabi mo masamang hangin kami eh." Katsumi.


"Hindi nga. Tapos na yung break time, kaya tara na." Daniel


"Ay oo nga. Sayang naman tong binili naming cake para sa inyong dalawa.." JC.


"Cake? May ano?" Tanong ko naman.


"Kasi kayo na, 'di niyo man lang ise-celebrate?" Katsumi.


"No?" Sabi ko.


"Ay nako! Parehas kasing first timer tong dalawang toh eh! Kunin niyo sa'kin yung cake mamaya ah? Baka makain ko eh." Katsumi.


"Okay." Sabi ni Daniel at pumasok na kaming anim sa elevator.


"Bye, Kats!" Sabi ko at sumakay na ako sa sasakyan ni Daniel.


"Ingat sa pagdrive Daniel ah! Papakasalan mo pa yan." Seth.


"Yyyiieeehh! Teka bakit ikaw yung bumababat Seth?" JC.


"Wala trip ko eh." Seth.


"Alis na nga kami." Sabi ni Daniel at pumasok na si driver's seat sinarado na rin ang pinto.


"Ang sungit ng boyfriend mo Kath.." Sabi ni Katsumi at pumasok na rin sa sasakyan niya.


"Bakit ba Daniel ang sungit mo sa mga barkada mo?" Tanong ko sa kanya.


"Wala lang ako sa mood." Daniel.


"Alam mo Daniel 'di kita maintindihan. First day pa naman na naging tayo tapos ganyan pinapakita mo sa'king ugali mo."


"I'm sorry... Kasi naman.." Daniel.


"Ano? Sabihin mo."


"Nag-text kasi si Papa. Aalis na silang dalawa ni Mama. Dun na sila sa Canada." Daniel.


"So? Tanda mo na kaya."


"And after a month kami na ni JC ang susunod dun." Daniel.


"So? We have a house there."


"Hindi na tayo ganon magkakasama Kathryn." Daniel.

Crazy Little Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon