"Should I get inside our room now, love?" Nilingon ko si Faerie at agad din na inilipat ang tingin kay President. "Hello? I'm still here. Pwede n'yo akong pag-usapan 'pag wala ako, hindi 'yong harap-harapan."

They both laughed. Nagkuwentuhan na lang sila tungkol sa Hasse at pinakinggan ko lang sila. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si President na uuwi na.

"I'm going. You two should rest now."

Tumayo kaming tatlo at mahina akong kinurot ni Faerie sa tagiliran.

"Baka naman hindi mo pa ihatid sa pinto," bulong niya sa tenga ko.

Naiiling akong lumapit kay President at hinatid siya palabas ng gate.

"Ingat po, President!" sigaw ni Faerie na sumilip pa sa bintana.

Bumaling ako kay President at magkahulugan ang tingin na ipinukol niya sa akin.

Inilapit niya ang mukha sa akin, agad akong napaatras. Tumindi ang pagseryoso ng mga mata niya.

"My... my ate is watching."

Ibinalik niya ang tingin sa bahay at umiling. "I think she already went inside your room."

My heart was going nuts. Lalo na nang muli siyang humakbang palapit sa akin at napaatras ako sa malamig na poste.

"Aegeus, there are still people outside."

"And so?"

Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. "It's getting late. You should get going."

"Pwede bang 'wag na lang umuwi?" Seryoso ang mga mata niyang tumutok sa akin. "O iuwi na lang kaya kita?"

"S-stop joking around."

Sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Bigla niyang inilapit muli ang mukha sa akin at mariin kong naipikit ang mga mata.

Seconds had passed when I felt his lips press against my forehead. Nang humiwalay siya ay nagmulat ako ng mga mata.

"I enjoyed our date today." He smiled softly and tucked the loose strand of my hair behind my ear. "Good night, Amity."

He took steps backwards before he turned and walked to his car. Pumasok siya at ibinaba ang bintana.

Bago niya mapaandar ang sasakyan ay tumakbo na ako sa passenger door at pumasok dito. I clutched the collar of his long sleeve and looked straight into his eyes. Nanginginig ang mga kamay ko pero binalewala ko ito.

"What are you doing—"

I cut him off using my lips. It was just a peck but I could feel my heart pounding crazily. Marahan kong inilayo ang sarili, ngunit agad niyang nahigit ang batok ko at madamdaming inangkin ang mga labi ko.

His lips started moving—making me feel dizzy. They were searching and it made me lose all my inhibitions. He gently bit my lower lip, and his tongue brush against it, seeking for entrance.

I completely gave in and even clung my arms around his neck as he pressed my body more against his.

The sensation he brought to my nerves was making me crave for more. That there should be more of it.

Ngunit bago pa mapunta sa kung saan ay marahan ko na siyang itinulak. Nanatili akong nakasandal sa headrest habang nakapikit at hinihingal.

Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. It was a deafening silence that brought my sanity back.

Inabot ko ang inner handle ng pinto at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Bago ko ito isara ay nagsalita ako, "good night, Aegeus."

I hurriedly went to the gate, and then to the door. Pagkapasok ko ng bahay ay napasandal ako sa pintuan. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko.

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon