Ilang sandali pa, may kinuhang maliit na kahon si Film sa isang drawer at inabot kay Nico. When Nico checked its content, nakita niya ang isang kulay itim na device. It had a small black box. May limang maliliit na ilaw rin sa gilid nito at may power button. Bukod doon, mayroon din itong leather strap na parang sa isang relo. May maliit ring remote controller.

"Behold, the Pyroshooter Version 3.0!"

Masiglang pagpapakilala ni Film sa kanyang imbensyon. Hindi na kailangang humingi pa ni Nico ng instruction manual dahil sunod na nitong ipinaliwanag kung paano ito gamitin.

"Isinusuot mo lang 'yan sa pulsuhan mo na parang wristwatch. Unlike the commercially sold fireball shooters na ginagamit ng mga magicians para sa kanilang pyro tricks, mas maliit ang kahon nito na magsisilbing mitsa para makapag-produce ka ng hanggang limang fireballs---kapag na-activate mo na siya, magiging hudyat yung limang maliliit na ilaw kung ilang fireballs na lang ang pwede mong ilabas. I modified it to make it more convenient for its user." Ngumisi si Film at inihagis kay Nico ang isang pouch na naglalaman ng mga cotton balls. "Para paganahin ang device, pindutin mo lang ang power button tapos, isuksok mo sa butas sa gilid ang limang cotton balls. Automatic na iilaw ang limang mini-led lights ng device, ibig sabihin nito ay handa ka nang magpakawala ng fireballs."

Ginawa ni Nico ang sinasabi ni Film at nakitang nagkaroon ng kulay asul na ilaw ang limang led lights ng Pyroshooter.

"Hindi tulad ng mga nabibili, ang Pyroshooter na yan ay hindi na gumagamit ng flash paper para makalikha ng apoy. I've already found a way to make it work just as efficiently. Just aim your wrist to your target and press that button on the remote and viol---AAAAAH!"

"Oh, Sherlock."

Napasigaw sa gulat si Filmore nang aksidenteng naitapat ni Nico ang Pyroshooter sa ulo nito. The tech geek's messy and bird's nest-like hair immediately caught fire. Mabuti na lang at agad niya itong naapula gamit ang basang basahan sa tabi niya.

Napasimangot ang tech geek kay Nico, habang nakapatong pa rin sa ulo nito ang basahan.

Detective Nico Yukishito shrugged nonchalantly, "Atleast we know that it works."

The King of tech geeks sighed.

"Saan mo ba gagamitin 'yan? Ang alam ko, arsonist ang kriminal na hinuhuli mo. Are you planning to fight fire with fire?"

"Exactly."

Napapailing na lang ang henyo, "Let's just hope that'll help you catch RA. Nga pala, kamusta na ang fireproof jacket? Any damage?"

"Nah. It works great. Dapat talaga ibinebenta niyo na sa public market ang mga imbensyon ninyo."

"And let those other stupid SHADOW technicians get an idea? Psh. I'd rather sell my leg."

Nabuntong-hininga na lang si Nico at ibinalik na sa kahon ang gadget. Sabihin na lang nating medyo malala talaga ang hidwaan sa pagitan ng dalawang agencies. There's a cold war happening between DEATH and SHADOW, thus it's no surprise that some employees take it too personally.

'And yet here I am, working on another case with my partner from our rival agency.'

"Thanks, Film. I'll tell my uncle to give you a monthly bonus, just as promised." Akmang lalabas na sana sa maliit na workspace ang detective nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang nakatiklop na tela sa gilid.

"Is that what I think it is?"

Nang mapansin ni Film ang tinutukoy ng detective, he simply nodded and turned back to his chemicals. "Yeah. I just finished that last week out of boredom. Wala pa namang maisip na practical use sina Mr. Xavier para diyan kaya nakatambak muna."

"Mind if I borrow it?"

Film waved him off, "Go ahead."

At kinuha na nga ni Nico ang tela. His eyes literally sparked with fascination. 'She might find this useful someday.'

Nang pabalik na siya kanyang opisina, nakasalubong niya sa elevator ang kanyang tiyuhin at CEO ng kanilang detective agency na si Mr. Xavier Alcantara. Agad na ngumiti si Uncle X nang makita ang pamangkin at ang mga dala-dala nito. He shook his head in amusement, "How's the case going?"

"Fine."

"Just fine?"

"...."

Nawala ang ngiti ni Xavier at napabuntong-hininga. At sa mga sandaling 'yon, alam na ni Nico ang kanyang sasabihin.

"Narinig ko ang ginawa ni Yuan kay Nova. That bastard really is a walking block of ice! Gusto mong kausapin ko siya? Baka matauhan kapag na-sampolan ko na ng skills ko sa taekwando. Not that I'm boasting this, but I kicked his ass in elementary! You should've seen Yuan's face!"

'Bully ka lang talaga, uncle.'

Still, Nico let out a small smile. "No thanks, uncle. We've got everything under control."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now