CAPITULUM 55

1.1K 99 2
                                    

'Things are getting worse. Kailangan namin siyang mapuntahan bago kami maunahan ni RA.'

Detective Briannova Carlos gripped the magazine in her hand. It was the only way to keep her hands from trembling with this sudden realization. Kanina niya pa natawagan si Nico at sinabi ang tungkol sa impormasyong ito. Sa kabila ng katotohanang kilala na nila kung sino ang susunod sa listahan ng bibiktimahin ng arsonist, Detective Nico Yukishito was surprisingly calm about it!

["Yes, that explains the lapse in the pattern.."]

"Nico, kailangan mong tawagan sina Inspector Ortega! Baka nasa panganib na ang buhay ni---"

["Calm down."]

"ANONG 'CALM DOWN'?! YUKISHITO, RA WILL PROBABLY KILL HIS NEXT VICTIM IF WE DON'T DO ANYTHING TO STOP HIM! PAANO AKO KAKALMA, HA?!"

["Damn Sherlock, Nova! Calm. Down."]

Alam ni Nova na natataranta na siya. Sometimes, she really can't keep her emotions from spilling out of her chest. Pero ang hindi niya lubos maisip, bakit parang ni hindi namomorblema si Nico? How can he be so fucking composed at a time like this? Huminga nang malalim si Nova at inis na naupo sa sopa ng visitor's lounge ng kanilang headquarters.

On the other end of the line, Nico's baritone voice spoke again...

["Ligtas na bang kausapin ka ulit nang hindi sumasakit ang tainga ko?"]

Napairap na lang siya. 'Minsan talaga ang sarap ihagis sa North Pole ang lalaking ito.'

"Oo."

["Good. Nasaan ka?"]

"SHADOW's headquarters. Akala ko ba may inaasikaso ka sa imbestigasyon? Gosh! Don't tell me you're gonna---!"

["Just wait."]

At pinatayan na siya nito ng tawag.

Naguguluhan man, wala nang nagawa si Nova kundi magtiwala sa kanyang partner. She tried to close her eyes and calm her nerves, but the paranoia is still there. Paano kung sinusunog na pala ni RA ang kawawang negosyante? Damn. Iniisip pa lang niyang may biktima na namang lalamunin ng apoy, para na siyang pinagpapawisan nang malamig.

The flames still scare her, but she needs to face her fears.

Kailangan nilang mahuli ang Robinhood Arsonist, bago pa man siya makapanakit ng iba.

Ilang sandali pa, narinig na ni Nova ang pagbukas ng mga pinto ng entrance. 'Nico?' Sa kabila ng maingay na usapan ng ilang mga empleyadong katabi niya sa lounge (thank God she's in her disguise), umalingawngaw pa rin ang ingay ng  yabag ng mga paang papalapit sa kanya. Napasimangot si Nova nang mapansing mas magaan ang tunog ng sapatos---no. In fact, these sounded like heeled boots.

'Oh, please.. don't tell me..'

Nang magmulat ng mga mata si Nova, sharp blue eyes and a neutral expression greeted her. Nova glared at her, unintentionally. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya pa rin gustong makasalamuha si Rizee. She's just too professional and emotionally stable---much like Nico.

"Mind if I have a seat?"

The district officer asked, motioning to the empty chair beside her.

Hindi pa man naibubuka ni Nova ang kanyang bibig para sumagot, walang-imik na umupo sa kanyang tabi si Rizee Mariano. Ilang sandali pa, kalmadong nagsalita ang district officer, iniingatang walang makahalata sa kanila. Kapag nalaman ni Mr. Y na tumutulong pa rin siya sa kaso, baka lalo lang siyang malagot.

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now