CAPITULUM 07

1.7K 126 5
                                    

Mariano Insurance Company
10: 14 a.m.

---

Magsisinungaling si Donovan Cabrera kung sasabihin niyang masaya pa siya sa trabaho niya. He's only been working in this office for only two years, and yet he already feels the need to prepare a resignation letter. Kung inaakala ng mga tao na masayang magtrabaho sa isang insurance company, nagkakamali sila.

'The only good side of it is you'd be caged up for nine hours a day in an air-conditioned room!' bugnutin niyang isip at napabuntong-hininga na naman. Hindi na niya matandaan kung ilang beses na rin siya nagbuntong-hininga ngyong araw. He's too busy dwelling up in his wasted life to even give a damn anymore.

Gusto na lang niyang matapos ang araw na ito.

His eyes noticed the time. It was already breaktime. 'Thank heavens!' Tumayo si Donovan at nag-inat na muna mula sa ilang oras niyang pagkakaupo. Napabuntong-hininga ulit siya at napagdesisyunang magtungo na muna sa pantry ng kanilang kompanya.

On his way there, he passed by the lobby were the only sound was coming from the mini-television set they installed a few months back. May mangilan-ngilang mga empleyadong nanonood kaya't nakisilip na rin siya sa balita.

"---nasunog ang mansyon ng milyunaryong si Mr. Herman Jones, ang may-ari ng Jones Mango plantation. Huli na nang maapula ng mga bumbero ang sunog kaninang umaga at natagpuan nila ang bangkay ng negosyante sa loob ng kanyang mansyon..."

Kasabay nito, ipinakita sa screen ang ilang amateur videos ng paglamon ng apoy sa mansyon ng namatay na negosyante. Kinilabutan si Donovan ngayong naiisip na niyang nasunog nang buhay ang negosyante sa loob nito. 'Ang malas naman niya.. pero paniguradong dagdag trabaho na naman ito kung may life insurance pala siya sa kompanya namin,' he thought insensitively.

Mukhang kailangan na nga niyang maghanda ng resignation letter. Donovan averted his eyes away until he found a familiar face standing near the entrance.

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang nakangiting dalaga. Her smile really does light up the whole room, and he suddenly forgot about resigning.

"Van!"

Napalunok siya't pinilit na ngumiti.

"H-Hello, Minnesota!"

Kumunot ang noo ni Minnesota Gervacio nang makita ang kanyang ekspresyon. Nakasuot pa ito ng uniporme niyang pang-nurse. Mahina siyang natawa at tinapik siya sa balikat. Donovan suddenly cursed himself for being such a stuttering mess around his batchmate.

"Bakit parang may constipation ka? Do you want me to get some medicine for you?" Minnesota asked.

Agad na umiling si Donovan at huminga nang malalim. He cleared his throat and attempted to look cool by adjusting his necktie---but he failed miserably, of course.

"A-Ayos lang ako. Napagod lang ako sa dami ng trabaho. Breaktime namin, kaya't pupunta na sana ako sa pantry. G-Gusto mong sumama? Libre kita."

Please say yes. Please say yes. Please sa---

"Ah, hindi na. Salamat. May lakad pa kasi kami ni Fe mamaya." She smiled apologetically, "Nagpapasama kasi sa'king mamili ng damit. Dumaan lang ako dito kasi may pinapa-follow-up si mama sa insurance niya."

Donovan tried not to sound too disappointed. Pinilit na lang niyang ngumiti. Makita pa lang ang inosenteng mukha ni Minnesota, busog na siya. Nakalimutan na niya ang tungkol sa pantry at sa resignation letter na kanina pa kumakalabit sa isipan niya.

"Samahan na kita."

"Talaga? Thanks!"

Pero mula sa gilid ng kanyang mga mata, nahagip ni Donovan ang bulto ng isang babaeng may kulay asul na highlights sa buhok. Ang anak ng may-ari ng kompanya nila. Her sharp eyes scanned the lobby. Mahina siyang napamura. 'Kung makikita ako ni Ms. Rizee dito, paniguradong ire-report niya ako sa manager!'

"We need to go." Natataranta niyang sabi kay Min.

But before they could vanish down another hallway, Minnesota's eyes caught a glimpse of the TV screen.

"Sa tingin mo ba may foul play na nangyari? Paano kung pinatay pala talaga si Mr. Jones?"

"Huh? Imposible 'yon. Normal na sunog lang ang nangyari.. the man just died because of the lack of oxygen. Paano mo naman nasabing may foul play?"

Ang tinatawag na 'foul play' ay ang pagkakaroon ng isang naganap na krimeng hindi lingid sa kaalaman ng awtoridad. A crime behind something that looks like an accident. A mask made by the killer himself..

Nagkibit ng balikat si Minnesota. Seryoso ang kanyang mga mata, lalo na nang mahagip niya ang imahe ng dalawang pamilyar na detetive sa telebisyon. 'Kung iniimbestigahan nina Detective Nico at Detective Briannova ang tungkol sa kasong ito, imposibleng isang simpleng sunog lang ang nangyari.'

"Wala naman. Maybe I'm just a bit paranoid."

Or not.

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon