“Iinomin” pilosopong saad ni Zara na ngayon ay nakangisi sa'kin dahil sinamaan ko sya nang tingin habang ang mga kasama namin ay napangisi din sa sinabi nito. Kaasar.

Nang maayos na ang lahat para sa iinomin ng pokemoon ay naglakad si Zara sa harap ng Refrigerator at binuksan ito. Naglakad din ako papunta sa tabi ni Zara na hanggang ngayon ay nakatingin sa harap ng Ref.

“Shit. Ang daming pagkain” usal ni Zara at kumuha ng mga prutas.

Kunot noo ko syang tiningnan na naglalakad pabalik sa mesa.

“Bakit puro prutas?” tanong ko.

Tumingin sya sa'kin bago bumalik ang tingin sa harap ng Ref saka ngumiti.

“Healthy.”

Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng isang strawberry na kinuha nya sa Ref.

Lumapit ako kay Zaison saka ko sinubo ang strawberry sa harap nya habang nakatingin naman sya sa'kin ngayon.

Ngumisi ako saka ko sya hinalikan. Tumugon naman kaagad ito at kinain ang strawberry na nasa bibig ko lang kanina na nakay Zaison na ngayon.

“Taste better...” he said and I just smirked for he'd said.

“Woah!”

“What the fuck?”

Kumento ni Vitalis at ni Blythe. Halata na sila iyon kahit nakatalikod pa rin ako at ang nasa harap ko pa rin si Zaison na nakangisi sa'kin ngayon.

He like it, huh?

“Get a room fuckers.” inis na sabi ni Zara saka umupo sa lamesa habang kumakain ng apple.

“Bumaba ka dyan Zara.” saad ni Blythe pero ang dalaga ay hindi man lang sya tiningnan o kinausap man lang dahil busy ito sa pagkain ng kanyang prutas.

“Nice... Parang bahay mo ah.” panunuyang sabi ni Zara. Nagkibit balikat lang si Zara at kumagat ulit sa mansanas.

“Tara... Terrace tayo.” sabi ni Vitalis.

Sinamaan ng tingin ni Blythe si Vitalis.

“Bahay mo rin?” sarkasmong tanong ni Blythe. Hindi na lang sya pinansin ng mga ito.

Umakyat na kami nina Blythe, Vitalis, Zaison at ako papunta sa Terrace habang si Zara ay sinabihan ang mga kaibigan namin na umakyat na rin dahil magsisimula na ang kasiyahan na naudlot dahil sa pag sabog kanina.

Iniinis talaga ako ng bruhang yun, 'wag lang sana mauulit 'to dahil hindi ako mag-dadalawang isip na gilitan sya ng leeg.

Diyos ko. Ano bang pinasasabi ko?

May naramdaman akong may pumisil sa braso ko. Tiningnan ko ito, si Zaison. Mukhang nag-aalala.

Nang dahil sa nangyari kanina ay halata ko na nag-aalala sya. I know, kahit naman ako ay nag-aalala rin baka kasi kung ano ang mangyari sa kanya dahil sa'kin. Baka kung anong mangyari sa mga kaibigan ko dahil sa'kin at ayaw kong mangyari yun. Ayaw ko na masaktan sila ng dahil sa'kin.

Ayaw ko...

“Are you okay baby? Gusto mo bang umuw--”

I smiled. “No... I'm okay”

He just nodded pero alam ko na hindi sya kombensido sa sinabi ko. Hays.

Nang dahil sa'kin kaya sya nag-kakaproblema ngayon. Ayaw ko ng ganito.

Nakaayos na ang lahat. Sa sahig kami uupo pero may sapin naman ang mga inuupan namin dahil malamig ang sahig. May mga kumot din para pantakip sa mga binti o kapag nilalamig. Ang alak na pinagmimix kanina ay ayos na rin. Iinomin na lang.

Nice, I'm so excited.

Tumingin ako kay Zaison ng may maalala. “May work ka bukas? Uwi--”

Nagulat na lamang ako nang halikan nya ako sa noo. Mabilisang dampi ng halik sa noo. “I'll stay with you baby...”

“Come on! Get a room!” sigaw ni Kaizer.

Nagsipagtawanan naman ang mga kaibigan namin dahil sa sigaw nito. Inasar sya ng mga lalaki dahil wala daw partner si Kaizer.

“Come on dude. Wala ka lang partner.” sabi ni Ethan saka tumawa habang naka akbay kay Jay ngayon na namumula.

Malandi rin, ang landi natin. Haha

“Nandyan naman si Trixy.” sabi ni Lucas na nakikipagtitigan kay Ann. Itong babaeng 'to, ang harot din parehas kayo ng nanay nanayan mong si Sky, maharot din.

“Back off.” sabat ni Damon.

“Why? May girlfriend ka na Pre at si Jannah yun. Nireresperto namin yang bulok mong desisyon pero h'wag naman yung ganyan. Nakakabadtrip na rin kasi Pre.” ani ni Kiro na seryosong nakatingin kay Damon na walang ekspresyon na pinapakita sa lahat.

“Chill guys.” natatawang sabi ni Vitalis.

“Maglaro na lang tayo” sambit ni Shaeza.

Tinanong ng lahat kung ano ito. Salamat naman na nagyaya syang maglaro dahil baka mauwi na naman sa sakitan ang mangyayari.

“Truth or Dare lang naman.” kumuha si Shaeza ng boteng walang laman saka ito pinaikot sa sahig. “Kung sino ang matapatan ng ulo sya ang taya at kung sino naman ang matapatan ng pwetan ng bote ay sya ang mag tatanong kung truth ba o dare. So, game?” tanong nya.

Nagsisigawan sila at nagsimula na ang laro. Unang nagpaikot ng bote ay ako dahil ako daw ang nanay nila. Nag-mumukha talaga akong laging matanda dahil sa kanila. Kahit nasa public kami ay Mama, Lolay ang tinatanawag nila sa'kin. Nakakahiya pero masaya rin sa pakiramdam.

Tumutok ang nguso ng bote kay Lucy kaya sya ang taya, nakatapat naman ang pwetan ng bote kay Athena Jay na seryosong nakatingin kay Lucy ngayon.

“Tanong na baby.” sabi ni Zara kay Jay.

“Truth or Dare?” tanong ni Jay kay Lucy.

Proud na ngumiti si Lucy. “Dare.”

Nagtaas ng kilay si Jay saka ngumisi kay Lucy. “Halikan mo si Lucas.”

Tumawa si Zara at nakipag apir kay Jay. “Good girl.”

“Teka Ate Jay, alam mo naman po siguro na partner ko si Lucas diba?”

Tumango si Jay. “I know. Do it now Lucy. Wala namang malisya dahil magkakaibigan tayo dito, unless may gusto ka kay Lucas?”

Nagulat si Lucy sa sinabi ni Jay. Nakabawi naman din ito sa pag-kakagulat at ngumisi kay Jay. “I'll do it.”

“What?!” sigaw ni Ann dahil sa sobrang gulat. “Don't do it. He's my partner for Goddess sake. Bullshit!” singhal nya.

Lumapit si Lucy kay Lucas na nakangisi ngayon. Mukhang nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon.

“Walang malisya.” ngising saad ni Lucas.

Sa hindi malamang dahilan hindi na lang umimik si Ann at uminom na lang ng alak at nakipag usap na lang kay Kaizer na katabi nya.

“May malisya para sa'kin 'to.” saad ni Lucy.

Nakuha ni Lucy ang atensyon ulit ni Ann na nakatingin na sa kanya nang seryoso.

“I will kiss you because I want to confess to you how I feel Lucas... How much I love you..”

Halos lahat na nasa terrace ay nasamid sa ininom dahil sa sinabi ni Lucy.

What the fuck?

“What the fuck baby? Ano bang klaseng laro 'tong ginawa mo?” tanong ni Zaison na nakatingin kay Lucy at Lucas na magkadikit ngayon ang labi habang si Ann naman ay nakatingin sa dalawa na walang pinapakitang emosyon.

Napatingin ang iba kay Zara sa pag-tawa nito. “Hindi lang pala si Errol ang babaero dito. Si Lucas rin pala. What a man.” natatawang sabi ni Zara saka uminom ng alak.

“Dalawa dalawa... Hanep!” iling iling na sabi ni Sky.

What the— Ano daw?!

RUSH

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now