EPILOGUE

296 14 10
                                    

EPILOGUE








TUNOG ng mga ambulansya ang maririnig sa kabuuan ng Green Hills Academy. Maraming nagkalat na taong patay. Nagkalat din sa site ang mga reporters ng iba’t ibang station sa Radio at Tv. Andoon din ang mga police na katuwang ng mga NBI sa paghahanap ng mga ebidensya upang matukoy ang killer.

Dalawang araw ng patay ang mga bangkay, bago nila ito nalaman. May tumawag umano sa station ng mga pulis na may patayan sa paaralang iyon kaya naman agad silang rumisponde. Nangangamoy na rin ang mga bangkay.

“MAY MGA BANGKAY PA DOON SA LUMANG BUILDING!” Rinig ng mga pulis ang isang kasamahan.

Pinuntahan nila ang naturang building at doon nga nila nakita ang ilang bangkay na halos hindi makilala. Inuuod na ang mga sugat ng mga ito.

“Grabe naman ang gumawa nito!” Wika ng isang pulis.

“Hanapin niyo ang mga suspect!” Utos ng nakakataas. Idinetalye rin kasi ng tumawag sa kanila na Shatile Verdadero at Marco Dela Vega ang pangalan ng mga salarin. Hindi nila kilala ang tumawag sakanila dahil ayaw raw nitong madamay sa gulo.




***




Makalipas ang ilang linggo ay hindi parin nahahanap ang mga killers, wala din nagsasampa ng kaso laban sa mga ito kaya naman ang murder case sa paaralan na iyon ay nagsara kasabay ng pag-sasara ng school.

Ayon pa sa imbestigasyon ay nagkaroon pa ng nakawan sa loob ng opisina ng principal na may-ari rin ng paaralan. Ubos lahat ang nasa vault ng may-ari at nasimot lahat ng mga papeles at cards na may lamang malalaking halaga at ari-arian.


ONE YEAR LATER

MASAYANG-masaya si Shatile, dahil sa wakas ay kasal na sila ni Marco. Sa isang taon na kanilang pagtatago laban sa mga pulis ay maraming nangyari. Namatay na rin ang mama niya. Kaya naman dahil sa nangyari sa dati nilang paaralan ni Marco, pinili nilang mag-tago at lumayo. Nagpunta sila sa U.S at doon na rin sila nagpakasal.

Kahit hindi na sila nagkolehiyo ay ayos lang dahil marami naman silang nakuhang pera sa lolo.

Dahil bago sila tumakas ay may mga inayos muna silang papeles sa opisina ng lolo Bonifacio niya. Patay lahat ng taong dumalo noong graduation kaya malaya sila ni Marco na kalikutin ang opisina ng lolo. Doon niya nga nakita ang envelope na nakalagay ang last will and testament ng kaniyang lolo, ang mga back account sa mga banko at ang passcodes ng vault nito.

Dahil doon ay nakakuha sila ng milyong-milyon na halaga ng pera sa vault ng lolo. Makakalimutin na siguro ito kaya naman isinulat nito ang mga passcodes ng vaults, at mga cards nito. Hindi man sila nagtagumpay sa pag kuha sa lahat ng mga ari-arian ng matanda ay malaki naman ang nakuha nilang pera, ayos na iyon.

Pag katapos maayos ang lahat ay saka sila tumawag ng pulis upang kahit papano ay maging malinis ang paaralan at mawala lahat ng patay doon. Sinabi din ng mga ito ang pangalan nila bilang suspect sa nga patayan na nangyari doon dahil totoo namang sila ang pumatay.

Kaya naman nagpalit sila ng pangalan, malaking tulong ang perang nakuha nila. Nagparetoke rin sila ng mukha upang hindi makilala.

Ngayon nga ay makinis na ang mukha niya, hindi na gaya ng dati. Nakabili na rin sila ng bahay at mga ari-arian sa pilipinas

“Lalim ng iniisip ng misis ko ah,” nagulat siya ng mula sa likuran ay may yumakap sakaniya. Napangiti siya ng maamoy niya ang paboritong pabango ng asawa.

“Naiisip ko lang yung nangyari one year ago.” Saad niya.

“Dahil ba next week ay uuwi na tayo sa Pilipinas?” tumango siya. Uuwi na sila sa pilipinas na iba ang mukha at iba ang pangalan. “Huwag kang mag-alala, walang makakakilala satin. At isa pa, kailangan na rin nating bantayan ang mga nabili nating lupa at ari-arian doon.”

Napangisi siya sa sinabing ito ng asawa. Humarap siya dito at sinimulan niya itong halikan.




***




“CONGRATS Mr. and Mrs. Sarmiento, finally maibabangon na ulit ito.” Nakipagkamay ang attorney ng dating may-ari ng school na iyon. “Green Hills Academy parin ba ang gagamitin niyong pangalan ng paaralan?”

Nasa opisina sila ng paaralan na iyon. Tuluyan na pala itong nagsara. Kaya naman umuwi sila dito sa Pilipinas upang maiayos muli ang paaralan.

“Hindi,” Nakangising saad ni Shatile saka hinawakan ang kamay ni Marco. “Kami na ho ang bahala dito.”

Matapos makipagkamay at magkapirmahan ay umalis na ang attorney. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumawa.

“Sa wakas, atin na ang school Shatile!” Saad ni Marco.

“Huwag mo kong tawaging Shatile, Marco. Carolina ang pangalan ko.” Natatawa niyang saad. Baka kasi may makarinig sakanila. “Carolina Sarmiento.”

“At huwag mo rin akong tatawagimg Marco,”

“Ah oo nga pala. Ikaw na nga pala si Daryl Sarmiento.” Saad niya at sabay pa silang tumawa.

Ipagpapatuloy nila ang nasimulan noon...







-THE END-

GRADUATION DAY|COMPLETEDWhere stories live. Discover now