KABANATA 13

193 18 1
                                    

KABANATA 13







“GUYS! Guys, gumising kayo! Guys!” Boses ni Lynna ang unang narinig ni Lexie. Mahina ngunit may diin. “Guys ano ba! Gising!”

Unti-unting idinilat ni Lexi ang kaniyang mga mata. May naramdaman pa siyang konting kirot sa kaniyang ulo. Akmang hahawakan pa niya ang ulo ngunit tila nagising ang buong diwa niya ng maramdamang nakatali ang mga kamay niya mula sa likuran ng inuupuan. Maging ang mga paa niya ay nakatali rin.

“OH SHIT!” napalingon siya sa nagsalita. Si Zon na katulad niyang nakatali. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin at nakita niyang lahat pala sila ay nakatali.

“What the hell is going on?” si Elai

“Lexi, are you okay?”

“Kuya…” saad niya nang makitang pati ang kakambal ay naroon. “A-anong nangyayari?”

Si Zon, Elai, Kit, Zon, Lynna, Eana, Ianna at si Teacher Zeffy ang mga kasama niya sa kwartong iyon. Kapwa niya nakagapos ang mga ito sa mga lumang arm chairs na naroon. Nakasara ang mga lumang bintana ng classroom at tanging lampara lamang ang nagsisilbing liwanag. Sa palagay niya ay nasa lumang building sila ng school. Hindi na ito ginagamit dahil napaka rumi na at wala na ring kuryente at tubig doon.

“WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!” Napalingon silang lahat sa nakataling si Teacher Zeffy sa teachers chair. Nasa center front ito at nakaharap sakanila. Maging ang pagkakatali kay Teacher Zeffy ay katulad nila.

Napalingon siya kay Ianna na nakapikit lang.

“Is this a joke? Hey teacher Zeffy, anong nangyayari?” tanong ni Elai na pinipilit magpumiglas.

“I don’t even know, Ms. Tuazon, don’t talk to me like that. Pere pareho tayong nandito.” Sagot ng guro.

Pilit inalala ni Lexi ang nangyari. Naalala niya na after nilang mag-practise, ay nagtungo sila sa classroom at doon tumambay muna. Pagkatapos nilang makainom ng tubig ay nagkwentuhan muna sila at maya maya pa ay nakaramdam na sila ng antok. Tama, iyon nga ang huli niyang naalala.

Lahat silang magkakaibigan ay andoon kasama si Ianna at teacher Zeffy.

Except for one person…

“Wait. Where’s Marco?”





***





TAHIMIK na sineset-up ng isang tao ang mga camera sa apat na classroom na naroon sa lumang building. Mabuti nalang at may mga camera siya at magagamit niya iyon ngayong gabi. Alas-sais na ng gabi at kanina nga lang nagising ang mga tao sa gymnasium kaya naman sigurado siyang gising na rin ang mga bihag niya sa kabilang classroom kung saan niya itinago ang mga ito.

“Ayos,” bigkas niya ng makitang okay na ang lahat. Bawat room ay may lampara para kahit papano may nagsisilbing ilaw. Nakaset-up na ang lahat. Ang kailangan niya nalang gawin ay buhatin ang mga target papunta sa classroom.

Nakasoot parin siya ng mascara at gloves. Nakajacket ng itim na may hoodie at nakasoot ng maluwang na pantalon at sapatos. Sumilip muna siya sa classroom at nakita nga niyang gising na ang mga ito at pinipilit pang magpumiglas.

“What the hell is going on?” Elai

“Lexi, are you okay?” Kit

“Kuya…A-anong nangyayari?”, Lexi

“WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!” Teacher Zeffy

“Is this a joke? Hey teacher Zeffy, anong nangyayari?”, Elai

GRADUATION DAY|COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang