Tumango ako. "Paano kung hindi na ako tanggapin sa mga firm dahil matagal akong nawala?" tanong ko... Syempre, maraming mas bago, mas magaling, at mas batang mga abogado... Sino ba naman ang tatanggap sa lawyer na may amnesia?

"We'll figure that one later," sabi niya. "Alam mo ba 'yung number ni Sean?"

Umiling ako. Nagbuntong-hininga na naman siya. Kinuha niya iyong cellphone niya at pinakita sa akin iyong number. Akmang tatawagan ko na sana nang kunin niya bigla iyong cellphone niya.

"Call him from your phone," sabi ni Sancho.

"Okay..." sagot ko kahit na medyo nabigla ako sa paghatak niya ng cellphone niya sa akin. Pagdating kay Sean, iwas na iwas talaga siya sa 'kin... Totoo kaya iyong sinabi ni Irina na may gusto sa akin si Sancho? Pero bukod sa pagtingin sa akin, wala na siyang ibang ginagawa... Ni hindi niya nga ako hinahawakan. Mas madalas pa nga iyong pag-atras niya.

Lumabas bigla si Sancho nang i-dial ko iyong number ni Sean. Hinihintay ko na sumagot si Sean sa tawag ko.

"Sean," sabi ko nang sumagot siya.

"Sob..." sagot niya. "Hey... Where are you? Can we meet today?"

"Pwede bang kausapin ko si Kelsey?"

"Kelsey?"

"Oo. Magpa-file na kasi ako ng affidavit of reappearance. Mavovoid iyong kasal niyo. Gusto ko muna kasi siyang maka-usap bago ako pumunta doon."

Hindi agad siya sumagot. Siguro naiilang siya. Pero kailangan kong sabihan si Kelsey. Unfair para sa kanya. Wala naman siyang kasalanan. Nagpakasal naman sila nung wala na ako. 'Di ko siya masisisi.

"Sean," pagtawag ko sa pangalan niya nang ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya. "Kailangan kong maka-usap si Kelsey."

"What will happen once you file that affidavit? You'll legally be my wife again?"

"Oo..."

"Will you go back to our house?"

"Nandyan si Kelsey. At saka 'yung anak niyo."

Hindi na naman siya sumagot.

"Ibigay mo na lang 'yung number ni Kelsey sa 'kin. Ako na lang ang makikipag-usap sa kanya," sabi ko. "Sean, 'yung sa annulment—"

"Let's just talk tomorrow," sabi niya bago mabilis na nawala iyong tawag. Nagbuntong-hininga na lang ako habang naka-tingin sa cellphone ko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Sancho na naka-tayo lang sa labas at umiinom ng tubig. Binaba ko iyong bintana at saka tinawag siya.

"Tapos na kaming mag-usap."

Lumapit siya. "Gusto mong kumain muna?" tanong ko.

Lumabas ako at pumasok kami sa resto. Pinabayaan ko si Sancho na umorder ng pagkain ko dahil alam niya naman yata kung ano iyong gusto kong pagkain. Habang busy siya sa pagpili ng pagkain ay nakita ko na sinend na sa akin ni Sean iyong number ni Kelsey.

'Salamat.'

'Can we talk tomorrow?'

'Okay. Saan?'

'Let's talk over breakfast.'

'Okay.'

Tumayo ako at saka lumabas. Huminga ako nang malalim bago nagtext muna kay Kelsey... Sinabi na kaya ni Sean sa kanya na nandito na ulit ako? O sa akin niya pa lang maririnig?

'Hi... Hindi ko alam kung narinig mo na, pero si Isobel 'to. Hiningi ko kay Sean iyong number mo...'

'Hi. Sean told me about this. We need to talk.'

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon