Kabanata 19

17K 697 53
                                    

KABANATA 19

TIAGO

Hindi natuloy ang proposal ko sana kay Lucy dahil sa tumawag sa kanya. I know, kita palang sa mga mata niya ang kaba. At alam ko na nahulaan niya ang nais kong sabihin. Pero kita ko din ang pagnanais niya na huwag matuloy dahil siguro ayaw niya sa proposal ko.

"Ayos lang 'yan, Anak. Sa susunod ay paghandaan mo mabuti." sabi ni Dad ng maiwan kami sa lamesa.

"Oo nga, Apo. Tiyak na sasagutin agad ni Lucy ang proposal mo dahil mahal ka no'n."

Napangiti ako ng mapait, "Tingin niyo mahal pa rin niya ako dahil sa nangyari?" tanong ko na kinatahimik nila. Mahinang natawa ako habang nakatalikod sa kanila, "nag-aalangan na siya sa akin.. Baka nga may iba na siyang mahal."

"Anak, huwag mo naman isipin iyan. Wala naman kaming nakikita na lalake sa buhay pa ni Lucy. At hindi magagawa ni Lucy iyon dahil mahal ka niya." sabi ni Mom.

Hindi ako sumagot. Pinaandar ko ang wheelchair papunta sa sala ngunit napahinto ako at napatingin kay Lucy na kausap ang tumawag sa kanya.

"Maraming salamat, Doc Lawrence. Pasensya na at may family lunch kasi kami. Sorry.."

Iyong Doctor na naman. Ito ang nag-istorbo sana sa proposal ko. Napakuyom ako ng kamay at inatras ang wheel chair. Nagpunta ako sa labas at huminto malapit sa pool.

I'm useless!

Napalunok ako at pumatak ang luha ko. Hindi ko masisisi si Lucy kung magmahal siya ng iba na kaya siyang kilalanin at hindi sasaktan. Kasalanan ko lahat ng ito. Kung mas pinahalagahan ko si Lucy at hindi siya sinaktan ay baka agad na sagutin niya ang proposal ko.

Napatingin ako sa singsing na matagal ko na noon gustong isuot sa kanya, ngunit hindi ko magawa dahil sa nangyayari. Hinaplos ko ito at tinaas.. Nakaukit ang pangalan namin dalawa rito. Napabuntong-hininga ako at binaba ang kamay ko. Hindi ko na siguro mabibigay ito.

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng hilo. Tumingin ako sa pool at lumalabo ang paningin ko. Umiling ako para mawala ang hilo ko. Nang bumalik sa ayos ang paningin ko ay napatingin ako sa singsing. Nawala ang singsing sa daliri ko. Agad na hinanap ko ito at yumuko ako para tignan sa sahig. Nasa dulo na nang sahig.. Kaya sinubukan kong ilapit pa konti ang wheelchair at inabot ko ang singsing. Nanghihina pa ang mga paa ko kaya nahihirapan akong abutin ang singsing. Pinilit ko pero nagulat ako ng sumama sa akin ang wheelchair.. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ko at natumba ako bago bumagsak sa pool.

--

LUCY

Pabalik na ako sa loob ng makarinig ako ng pagtunog ng tubig tila may tumalbog doon. Nagtaka ako dahil galing sa likod, kaya pinuntahan ko para malaman kung ano. Pagdating ko sa pool area ay nanlaki ang mata ko ng makita si Tiago na nahulog sa pool at hindi gumagalaw.

"Tiago!" sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa pool. Lumapit ako kung nasaan siya gawi at tsaka ako tumalon. Agad na nilapitan ko siya at hinawakan..

"Tiago.." gising ko sa kanya at tinapik ko ang mukha niya kaya napadilat siya at napaubo at nilabas ang tubig na nainom. Napahinga ako ng malalim at tinulungan siya makaahon dahil alam ko na hindi pa niya kaya. Nang makaahon kami ay tinignan ko ang lagay niya, "ayos ka lang ba? Dadalhin kita sa hospital."

"I'm okay." sabi niya at pinilit na bumangon pero hindi pa niya kaya.

"Ano ba ang ginagawa mo? Kakagaling mo lang sa hospital gusto mo na naman bumalik doon? Talaga ba wala ka nang ibang gagawin kundi pahirapan ako?"

Hindi ko mapigilan na mainis dahil sa ginawa niya ay nahihirapan ako. Kinabahan ako na may mangyari sa kanya kaya hindi ko mapigilan ngayon ang sarili ko. Dahil ba sa naudlot na sasabihin niya kaya nais niya magpakamatay?

Mother's Love Part 2 ✓ [Under Editing]Where stories live. Discover now